17/03/2026
ANG MASAKIT NA KATOTOHANAN: Isang Kasaysayan ng Pagkakahati na Hindi Itinaturo sa mga Neophyte 📜🦁
Para sa mga bagong salta, sa mga nakikibaka sa lansangan, at sa mga nananatiling tapat sa bawat chapter—panahon na para basahin niyo ang kasaysayang hindi nakasulat sa inyong mga orientation manual. Bakit nga ba tayo watak-watak? Bakit may NEC, SGC, at GLOBAL?
1. Ang Panahon ng Katatagan (The NEC Era)
Noong unang panahon, iisa lang ang timon. Ang NATIONAL EXECUTIVE COUNCIL (NEC) ang kinikilalang sentrong pamunuan na itinatag ayon sa ating National Constitution. Lahat ng leaders, mula Luzon hanggang Mindanao, ay nagkasundo sa iisang batas. Buo ang kapatiran. Solid ang hierarchy. Walang lamat.
2. Ang Pagkatalo at ang Pagsilang ng TGCC
Nagsimula ang lamat sa isang eleksyon. Matapos ang termino ni Tol Dodong Encanto bilang Premier, sa pangalawang Kumbensyong Konstitusyunal, naipasa o naratipika naman ang Local Council code of 2002, at Nagkaroon ng Scheduled election kung saan nanalo c Bro.Mike Molino. Dito nagsimula ang pagbabago. Nang mawala sa pwesto, itinayo ni Tol Dodong ang TGCC (Triskelion Global Coordinating Council) kasama ang FF. at dineklara na hindi dw naratify ang NC2000 dahil wala ang FF doon, kahit naroon ang mga leader na kumakatawan sa bawat probinsya at bayan na pinamumunuan nila. Di rin sumang-ayon ang grupo ng TGCC at FF sa pagkapanalo ng 2nd National Premier dahil na rin sa ang gusto ng mga founder na sila ang magmamaniobra ng pambansang konseho sa pilipinas.
Sa simula, ang layunin nito ay maging "coordinating body" lang para sa mga kapatid sa labas ng bansa. Sa parehong panahon, ang TGCC ay gumawa ng grupo sa Mindanao TDM,( triskelion de Mindanao) upang mawlaa nag suporta ng mindanao sa pambansang konseho, biniyak din ng TGCC ang Metro Manila Regional Council, na kung saan gumawa din sila ng grupo na ipinantapat nila MMRC na tinawag naman nilang MMCC( Metro Manila Coordinating Council) at sa ibang ibayo naman, ang TGCC ay gumawa din ng isang International Council, na itinapat din s international council na nakahanay sa Pambansang konseho ng pilipinas.
3. Ang Sayang na Pagkakataon (The TFU Efforts)
May mga kapatid na nagmalasakit na pag-isahin muli ang nagkalamat na samahan. Itinatag ang TFU (Task Force Unification). Sa tulong nina Bro. Ralph Recto, Bro. Ralph Barin, at ang yumaong si Bro. Raffy Nantes, muntik na nating makamit ang "Re-unification."
Ngunit tila itinadhana ang pagkakahati—sa pagpanaw ni Bro. Raffy Nantes, tuluyan na ring namatay ang pag-asa para sa iisang bandila.
4. Mula TGCC patungong SGC,naudlot na pagkakaisa: Ang Pormal na Paghihiwalay
Habang tumatagal, lumawak ang TGCC hanggang sa baguhin nila ang kanilang pangalan at ideklara itong SUPREME GRAND COUNCIL (SGC). upang hindi masisi nag TGCC s naudlot na pagkakaisa ng kapatiran. sa kadahilannag paglabag nila sa memorandum of Agreement for fraternal reorganization and advancement.binago nila ang kanilang pangalan, at hindi lang iyon; gumawa sila ng sariling batas na tinawag na MAGNA CARTA ngunit ito ay hindi rin naaprubahan ng mga pinuno sa bawat probinsya, at wala ding assembly na nangyare para maaprubahan ito.
Dito na tuluyang nagkaroon
ng paksyon. Ang masaklap, sa halip na ayusin at pag-usapın ang NEC at SGC, tila mas pinili ng mga FF na suportahan ang bagong tatag na grupo. Ang batas na pinagkasunduan noon sa NEC ay patuloy na ginagamit ng mga probinsya, unti-unting tinalikuran an ng mga sumama sa TGCC,SGC.
5.Hanggang sa taong 2020, panahon ng pandemya, itinatag naman ng dating TGCC/SGC ang TGP GLOBAL Constitution, na kung saan ang layunin nito ay lipunin ang buong kapatiran, at muling itakwil ang pambansang konseho, ang TGP Global ay nagbibigay ng alituntunin na sila ay gumawa na ng ibang logo, at di na sila gumagamit ng Greek na Letra base sa kanilang constitution. Kung saan din nakasulat na ang panunungkulang ng opisyal nila ay wlang limitasyon, kasama nito ang pag appoint ng mga leaders sa ibat ibang lugar. nangangahulugan na sila ay ibang grupo o ibang organisasyon na. At malayo na sa kung ano ang totoong malakas at malayang kapatiran.
6. Pulitika: Ang Huling Pako sa Kabaong
Nang pumasok ang interes sa pulitika, lalong lumalim ang sugat. Ginamit ang dami ng miyembronsa kapatiran.
Mensahe sa mga Kapatid:
Masakit isipin na ang kapatirang inalayan natin ng sakripisyo at dugo ay ganito na ang kalagayan. Ang bawat paksyon ay may kanya-kanyang paniniwala, pero iisa lang ang ating pinagmulan.
Huwag nating hayaang mabulag ang mga baguhan sa maling akala. Ang pagkilala sa kasaysayan ay ang unang hakbang para sa tunay na pagkakaisa.
FORTIS VOLUNTAS FRATERNITAS!
Isang pagsaludo sa mga Triskelion na nananatiling uhaw sa tunay na pagkakaisa.
Ctto: Brod Kuku Paulino