14/11/2025
π³οΈββ§οΈπ
Ngayong Transgender Awareness Week, sabay-sabay nating ipaalala sa mundo:
Tayo ay sapat, totoo, at may espasyo para sa βyo. π³οΈββ§οΈ
Panahon ito para ipagdiwang ang ating mga kwento. Mga kwento ng tapang, ng pagyakap sa sarili, at ng patuloy na pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay. β¨
Mula sa maliliit na hakbang ng pagtanggap hanggang sa malalaking tagumpay ng komunidad, bawat isa sa atin ay patunay na ang pagiging totoo sa sarili ay isang anyo ng lakas at pag-aklas.
Hiling natin na magkaroon ng mundong may tunay na pagkakapantay-pantay. Isang mundong hindi na kailangang magpaliwanag, magpaumanhin, o magmakaawa para sa ating pagkatao.
'Yung wala na sanang kahit.
Wala na sanang pero.
Wala na sanang sana.