09/12/2025
Alhamdulillah, simula nang mabuksan natin ang Madrasah ay pinagpala tayo ni Allah ng maraming mga mureed na matagumpay na nakatapos ng pagsasaulo ng Banal na Qur’an. Sa ngayon, umabot na sa tatlumpung (30) Huffaz mula sa unang batch hanggang ikatlong batch. At sa taong 2026, inaasahan pa na madaragdagan sila ng humigit-kumulang sampung (10) bagong Huffaz, In shaa Allah.
Ito ay malinaw na tanda ng habag at biyaya ni Allah sa ating institusyon. Nawa’y patibayin pa Niya ang inyong mga dalisay na hangarin, pagpalain ang inyong mga pagsisikap, at dagdagan pa ang inyong kaalaman at karunungan.
Ya Allah, dagdagan Mo sila ng kapaki-pakinabang na kaalaman, bigyan Mo sila ng katapatan sa layunin at pagtitiyaga, at gawin Mo silang kabilang sa mga tao ng Qur’an — sila na Iyong mga natatangi. Ameen. )