13/05/2026
Assalamualaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Sa ngalan ng aming mga estudyante, mga g**o, at ng buong Jama'a Lanca, nais po naming magpahayag ng aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta at tumulong upang maging matagumpay ang aming Field Trip 2026.
Una po sa lahat, maraming salamat sa aming mga counselors at mga leader ng Jama'a Lanca sa inyong walang sawang suporta, gabay, at pagmamahal sa aming mga kabataan. Ang inyong tulong at pagtitiwala ay naging daan upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa mga magulang na patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagbibigay inspirasyon sa kanilang mga anak. Maraming salamat po sa inyong sakripisyo at pakikiisa para sa tagumpay ng aming programa.
At higit sa lahat, espesyal po naming pinapasalamatan ang HALLMARK MINING CORPORATION sa inyong malaking tulong at kabutihang loob. Dahil po sa inyong suporta, naging masaya, ligtas, at matagumpay ang aming Field Trip 2026. Hindi po namin malilimutan ang inyong kabaitan at malasakit sa aming komunidad at sa edukasyon ng kabataan.
To all our sponsors and supporters, thank you so much for your generosity, kindness, and support. Your contributions helped make this event possible and memorable for all of us. May Allah bless all of you with more success, good health, and endless blessings.
SHUKRAN KAMAYO UBOS BARASAN KITA KAMO NG ALLAHU TA'ALA SANG KANATON MAYO EFFORT AW PAGOD ALLAHUMMA AMEEN ๐คฒ
Greetings from: CYOJL Family & Jama'a Lanca
โ๏ธ: Youth President