04/12/2025
Taos-puso po kaming nagpapasalamat dahil matagumpay at puno ng saya ang naging selebrasyon ng Christmas Party ng ating Samahan ng VAWC & BCPC Mataasnakahoy Chapter. Lubos ang aming pasasalamat sa mga masisipag na officers, lalo’t higit sa aming minamahal at walang pagod na presidente, si kons Liza, na laging nagiging daan para maging posible ang mga bagay na tila imposibleng maisakatuparan.
Salamat din po sa lahat ng nag-abot ng tulong maging ito man ay regalo, cash, o simpleng oras at presensya. Napakalaking bagay po ng inyong pagmamahal at suporta, lalo na sa mga hindi nakalimot at nagpaalala kung gaano kahalaga ang selebrasyong ito.
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa’y patuloy tayong pagpalain at pag-isahin sa bawat adhikain ng ating samahan. ❤️🙏
Merry Christmas & Happy New Year❤🙏