17/11/2025
SOCA 2025 โ Pagdiriwang at Pagkilala sa mga Bagong Lisensyadong Propesyonal ng Masiu
Ipinagmalaki ng Bayan ng Masiu ang matagumpay na pagdaraos ng State of the Childrenโs Address (SOCA) 2025 noong Nobyembre 17, 2025 sa Masiu Gymnasium, Lanao del Sur. Ang naturang programa ay idinaos bilang pagtupad sa MILG Memorandum Order No. 12, s. 2025 at bilang pagkilala sa mga Kalumbayan ng Masiu na nakapasa sa ibaโt ibang licensure examinations ngayong taon.
Sa seremonyang ito, pinarangalan ang mga bagong lisensyadong propesyonal sa pamamagitan ng mga sertipiko bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, katatagan, at pagsusumikap. Kabilang sa mga awardees si Engr. Sarhawi RMP Candidato, CSE, isang bagong rehistradong Civil Engineer at pioneer member ng ImasiuOne Kalumbayan Organizationโisang mahalagang tagumpay para sa organisasyon at komunidad.
Pinangunahan ang programa ni Hon. Mayor Romil Mitmug Guiling, RCE, na muling nagpamalas ng pangakong patuloy na isulong ang kapakanan, proteksiyon, at pag-unlad ng kabataan ng Masiu habang ipinagdiriwang din ang akademikong kahusayan ng mga mamamayan nito.
Dinaluhan at nasaksihan ang SOCA 2025 ng kompletong pwersa ng LGU department heads at staff, Sangguniang Bayan members, line agencies (MSSD, MOH, PNP, BFP), LCPC members, ECCD focal person, Barangay Chairpersons, MLGOO, school principals, Arabic teachers, pupils at students mula elementarya, kolehiyo, at madrasah. Dumalo rin ang Child Representatives, Youth Organizations, MSSD MAT members, CDWs, PSWs, interns, MAFAR team, BHWs, NGOs, 2025 achievers, Municipal Islamic Affairs, Bagong Masiu Radyo Federation, Municipal Arbitrary Council, Elders, League of the Sultanate of Masiu, Kalumbayan Maranao Ensemble, Morit Dance Troupe, SSG School Presidents, at iba pang sektor ng komunidad.
Ang Guest of Honor para sa SOCA 2025 ay si Hadja Rauแธha Pili Macalawi, Masiu A District Adopt Supervisor, na nagbigay-inspirasyon sa mga kabataang Masiuon upang higit pang magsumikap para sa kanilang mga pangarap.
๐ฅ๏ธ ๐ด๐๐๐๐๐๐
๐พ. ๐๐๐๐๐
โ๏ธ ๐ฑ๐๐๐๐๐๐ ๐น. ๐ฉ๐๐๐๐๐๐
๐