21/12/2025
MANGGAGAWA NG FPF, HUWAG MAGPALINLANG SA PTGWO!
HUWAG PUMIRMA SA RATIFICATION NG CBA NEGO!
Nitong nakaraan, nagpapapirma na pala ng ratification ng CBA ang PTGWO sa mga miyembro nito. Kapag pinirmahan ito ng majority ng mga manggagawa, ang CBA negotiation nito sa nanagement ng FPF ay maisasarado na. Ibig sabihin, kung ano ang napagkasunduan ng PTGWO at ng management ng FPF ay ito na ang magiging laman ng CBA natin sa darating na tatlong taon kahit pa mapalitan natin ang PTGWO sa eleksyon sa susunod na taon.
Ang tahasang panlilinlang na ito ng PTGWO kasabwat ang management ay paglabag sa demokratikong karapatan nating mga manggagawa ng FPF na pumili ng unyon na magrerepresanta sa atin sa CBA negotiation upang tunay na matamasa natin ang mga ganansya na para sa atin.
Kaya, dapat huwag tayong magpalinlang sa PTGWO, huwag pumirma sa ratipikasyon lalo nang hindi man lang ito pinapaliwanag sa atin!
Ang ating panawagan: Eleksyon bago mag CBA nego!
Ipaglaban ang CBA nego para sa manggagawa!