15/06/2026
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐭𝐨 𝐖𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐩𝐞! 🌊
Kasabay ng pagdiriwang ng World Ocean Day 2026, matagumpay na naisagawa ng Young Bataeños for Environmental Advocacy Network (YOUNGBEAN) kasama ang Cognizant Technology Solutions sa pakikipagugnayan sa Balanga City Environmental and Natural Resources Office at Balanga City Tourism Office ang Coastal Clean-up sa Wetland and Natural Park, Brgy Tortugas, Balanga City, Bataan.
Kaalinsabay ng aktibidad na ito, bitbit din natin ang mga mahahalagang panawagan para sa kalikasan at komunidad: ang agarang pagbabawal sa single-use plastics na pumipinsala sa ating mga bakawan at sa kabuhayan ng mga mangingisda; ang pagsasakatuparan ng Genuine Rehabilitation of Manila Bay; ang pagsusulong ng Just Energy Transition; at ang agarang pagkamit ng Climate Justice Now!
Nakilahok ang humigit-kumulang 40 katao sa naturang aktibidad na nagsimula ng alas-6 ng umaga at nagtapos ng alas-9 ng umaga.
Sa loob ng tatlong oras na gawain, nakapangalap ng tinatayang 38 sako ng basura na binubuo ng mga plastic bags, plastic bottles, plastic straws, styrofoam containers at iba pang kalat na patunay ng pinagsama-samang pagsisikap ng lahat upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.
Isang malaking pagpupugay at pasasalamat din sa aktibong partisipasyon at pakikipagtulungan ng ating mga katuwang sa tagumpay ng programang ito tulad ng mga myembro ng YoungBEAN Balanga Chapter, mga mangingisda ng CFARMC, CENRO Taskforce, YES-O CLUB Hermosa NHS-Main), at mga manggagawa ng Cognizant Technology Solutions Bataan.
Ang sama-samang pagkilos na ito ay patunay ng ating iisang tungkulin na pangalagaan at protektahan ang ating mga baybaying lugar, tungo sa climate justice at mas malinis na kapaligiran.