Better Balon Anito 2023

Better Balon Anito 2023 Official Page of Barangay Balon-Anito
“De-Kalidad na Pamahalaan, Disiplinadong Mamamayan, Magkatuwang sa Progresong Inaasam”

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ang Barangay Balon Anito sa pangunguna ni Punong Barangay Celso M....
13/08/2026

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ang Barangay Balon Anito sa pangunguna ni Punong Barangay Celso M. Solano at mga Kagawad, ng pamamahagi ng libreng lugaw para sa ating mga residenteng naapektuhan ng baha.

Ang munting tulong na ito ay paraan ng ating barangay upang maipadama na sa panahon ng sakuna, walang maiiwan at sama-sama tayong babangon. ❤️

Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nagluto, nag-abot at naging bahagi ng munting pagkalingang ito para sa ating mga kabarangay.

Balon Anito, sama-sama sa bawat Hamon ❤️



12/08/2026

PABATID PUBLIKO📣📣📣

Mga Ka-Barangay sa kasalukuyan po ay nag-iikot ang ating mga Volunteers, Barangay Tanod, Barangay Officials, at Junior BDRRM para mag-rescue sa mga binahang Purok sa ating Barangay. Katuwang din ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para mas maging mabilis ang pag-responde po natin sa mga kailangan ng tulong.

Bukas na din po ang ating Evacuation Center sa Balon Elementary School na kung saan ay patuloy ang pagdating ng mga ka-barangay natin na nag-eevacuate.

Narito po ang ating Barangay Hotline #09519748317

Patuloy po tayong mag-ingat mga Ka-Barangay dahil patuloy po ang pagbuhos ng ulan. Maging Alerto at mapagmatiyag.



Pabatid Publiko:           Kaalaman tungkol sa leptospirosis Ang leptospirosis ay isang seryosong impeksyong bacterial n...
11/08/2026

Pabatid Publiko:

Kaalaman tungkol sa leptospirosis

Ang leptospirosis ay isang seryosong impeksyong bacterial na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop tulad ng daga, a*o, at baboy. Madalas itong kumalat sa pamamagitan ng paglusong sa tubig-baha o putik na kontaminado kung saan ang bakterya ay pumapa*ok sa katawan sa pamamagitan ng sugat o gasgas sa balat.

Mga Sintomas

1.Mataas na lagnat

2.Pananakit ng mga kalamnan o binti

3.Pamumula ng mga mata

4.Paninilaw ng balat o mata at kakaunting ihi (sa malubhang ka*o)

5.Sakit sa ulo at panginginig

Pag-iwas at Paunang Lunas

1.Iwasang lumusong sa tubig-baha kung may sugat.

2.Magsuot ng bota at guwantes kung kinakailangang puma*ok sa baha.

3.Maghugas agad ng katawan at paa ng malinis na sabon pagka-expose sa baha.

4.Magkonsulta agad sa doktor o health center kung nakaranas ng lagnat pagkatapos lumusong sa baha.

Kung kayo man po ay nakakaranas ng alin man sa mga sintomas, mag tungo lamang sa ating health Center para magpa kunsulta. Marame pong salamat.


PABATID PUBLIKO 📣📣📣              Heavy Rainfall Warning Mga kabarangay tayo po ngayon ay nasa ORANGE WARNING LEVEL sa bu...
09/08/2026

PABATID PUBLIKO 📣📣📣
Heavy Rainfall Warning

Mga kabarangay tayo po ngayon ay nasa ORANGE WARNING LEVEL sa buong lalawigan ng Bataan. Pagbaha at pagguho ng lupa ay nananatiling naka-amba sa kaligtasan ng lahat kaya manatiling alerto at handa. Ugaliing mag basa sa page at makinig sa mga anunsyo ng barangay.

Ang ating pagkakaisa at pagtutulungan ay para sa mas Ligtas na Barangay Balon Anito!

Maraming Salamat po!


09/08/2026

*ok bukas, Lunes, August 10, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan.

Ito po ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng publiko.

Ayon sa pinakahuling forecast ng PAGASA, makakaranas ang ating Lalawigan ng pag-ulan at posibleng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, na posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗼 𝗺𝗼𝗱𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻.

Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
• Emergency Hotline - 911
• PDRRMO: (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Kumusta po mga kabarangay?. Tayo po ngayon ay Nasa RED WARNING kaya makakaranas po tayo ng malalakas na ulan.Patuloy po ...
08/08/2026

Kumusta po mga kabarangay?. Tayo po ngayon ay Nasa RED WARNING kaya makakaranas po tayo ng malalakas na ulan.Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto sa lagay ng panahon.

Kung kinakailangan nang lumikas, huwag na pong mag-atubili. Agad na pumunta sa Balon Anito Elementary School na ating naka talagang evacuation center o tumawag sa ating Barangay at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad.

Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa. Mag-ingat po tayong lahat!


📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📣📣 Paksa: Pag-iingat at Kahandaan sa Patuloy na Paglakas ng Ulan Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ma...
07/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📣📣

Paksa: Pag-iingat at Kahandaan sa Patuloy na Paglakas ng Ulan

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at posibleng pagtaas ng antas ng tubig-baha, hinihikayat po namin ang lahat na maging alerto at mag-ingat:

🔹 Manatiling nakabantay sa mga ulat ng PAGASA at mga opisyal na anunsyo ng barangay.
🔹 Iwasan ang pagtawid sa mga ilog, sapa, at mga daang laging binabaha.
🔹 Ihanda ang inyong emergency kit: sapat na pagkain, inuming tubig, gamot, radyo, at mga ilaw na pang-baterya.
🔹 Ilayo ang mga kagamitang de-kuryente sa mga basang lugar at patayin ang pangunahing switch kung kinakailangan.
🔹 Lumikas agad sa itinakdang evacuation center kung kayo ay nakatira sa mga lugar na madalas tamaan ng baha o pagguho ng lupa.
🔹 Ipagbigay-alam agad sa Barangay Hall o sa mga tanod kung may nasira, nangangailangan ng tulong, o may nakikitang panganib.

Narito ang ang opisyal na 24/7 Emergency Hotlines ng ating barangay
🔶 0951-9748317
🔶 047-2405500
na maaari po ninyong tawagan sakaling magkaroon ng emergency o mangailangan ng agarang tulong.

Ang ating Kaligtasan ay nakasalalay sa ating kahandaan at pagtutulungan.

Mag-ingat po tayong lahat at nawa'y manatiling ligtas ang bawat Pamilya




PABATID PUBLIKO: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity(MR SIA)                            Simula sa ika sam...
07/08/2026

PABATID PUBLIKO: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity
(MR SIA)

Simula sa ika sampo ng Agosto taong kasalukuyan araw ng Lunes ( August 10, 2026), Magkakaroon po tayo ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity
(MR SIA).16 na batang walang bakuna ang pwedeng mahawahan ang 1 pasyenteng may Tigdas.
Bakuna ang ligtas at mabisang proteksyon. Pabakunahan ang mga 6-59 months old sa DOH Ligtas Tigdas.

‼️ PAGBABAKUNA, PROTEKSYON LABAN SA PAGKA-OSPITAL AT PAGKAMATAY DAHIL SA TIGDAS‼️

Schedule:

Date of vaccination
Target area: Sampalok street
AUGUST 10, 2026

Date of vaccination
Target area: Mulawin/Camachile street
AUGUST 11, 2026

Date of vaccination
Target area: Sabungan/Samson compound
AUGUST 12, 2026

Date of vaccination
Target area: Camagong/Yakal street
AUGUST 13, 2026

Date of vaccination
Target area: Banaba/Tibag
AUGUST 14, 2026

Date of vaccination
Target area: Acacia street
AUGUST 17, 2026

Date of vaccination
Target area: Narra street
AUGUST 18, 2026

Date of vaccination
Target area: Vista Grande
AUGUST 19, 2026

Date of vaccination
Target area: Sitio Cutcut
AUGUST 20, 2026

Date of vaccination
Target area: National road
AUGUST 21, 2026

Date of vaccination
Target area: Rapid Convenience Monitoring
AUGUST 28-29, 2026

Upper

Date of vaccination
Target area: Porto Circle/Upper porto
AUGUST 10-11, 2026

Date of vaccination
Target area: Sitio Maangay
AUGUST 12, 2026

Date of vaccination
Target area: Fiesta Community
AUGUST 13-14, 2026

Date of vaccination
Target area: SITIO MILAGROSA/ SITIO MANGGAHAN
AUGUST 17, 2026

Date of vaccination
Target area: JAMBOREE SITE/PORTO
GATE/PARADISE/NATIONA
L ROAD
AUGUST. 18, 2026

Date of vaccination
Target area: Lower Porto
AUGUST 19, 2026

Date of vaccination
Target area: SITIO
KABUKIRAN/CHRISTIAN
VILLAGE
AUGUST 19, 2026

Date of vaccination
Target area: SITIO Cutad
AUGUST 21, 2026

Date of vaccination
Target area: BHS PORTO
AUGUST 24-26, 2026





Address

Balon Anito
Mariveles
2105

Telephone

+639100659401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Better Balon Anito 2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Better Balon Anito 2023:

Shortcuts

Share