29/09/2026
Sa magigiting na Opisyales ng Deca Homes Community Chapter, 🫡
Alam ko nakakapagod. Alam ko minsan nakakasawa rin, lalo na kapag pakiramdam nyo hindi nakikita o naa-appreciate ng ilan nating kapatid yung efforts, oras, at pagmamahal na binibigay nyo para sa ating Chapter.
Minsan mapapatanong talaga kayo sa sarili nyo, “Ano bang mali? Ano pa bang pwede kong gawin?” At kahit pagod na, patuloy pa rin kayong naghahanap ng paraan para maibalik yung sigla, samahan, at alab sa puso ng ating mga kapatid.
Pero gusto kong malaman nyo na YOU ARE ALL DOING A GREAT JOB! ❤️
Maraming maraming salamat sa patuloy ninyong serbisyo, sakripisyo, at pagmamahal sa ating Chapter at sa ating Kapatiran. Hindi man lahat nakakapansin o nakaka-appreciate sa ginagawa nyo, tandaan nyo na mas marami pa rin sa amin ang nakakakita, nakaka-appreciate, at saludo sa inyong pagpupursige.
Kaya huwag kayong susuko. Huwag kayong mapagod maglingkod. Patuloy nating abutin at hikayatin ang mga kapatid nating medyo natutulog muna. Hindi para pilitin sila, kundi para iparamdam sa kanila na may tahanan silang babalikan, may mga kapatid silang naghihintay, at may mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanila. ❤️
Hindi man natin makita agad ang resulta ng lahat ng ginagawa natin ngayon, darating ang araw na mapapansin natin na may magandang bunga pala ang bawat pagod, bawat sakripisyo, at bawat pagkakataong pinili nating magpatuloy.
Kapit lang, mga kapatid.
Hindi nasasayang ang tunay na serbisyo at malasakit. Darating din ang panahon na muling mag-aalab ang samahan ng ating Chapter. 🔥
Keep going. Keep serving. Keep inspiring.
Para sa Chapter. Para sa Kapatiran. Para sa ating Tahanan. 🫡❤️
Salute, Brothers! 🫡