Samahan ng Makabagong Henerasyon ng Kabataan Tungo sa Magandang Kinabukasan

Directions

Samahan ng Makabagong Henerasyon ng Kabataan Tungo sa Magandang Kinabukasan SMHK-TMK OFFICERS Ang mag hahandog ng Kalidad na serbisyo para sa Kabataan!

Maligayang Araw ng mga G**o! Pagbati sa ating mga g**ong naging pangalawang ina at ama sa aming mga mag-aaral. Isa po ka...
05/10/2026

Maligayang Araw ng mga G**o!

Pagbati sa ating mga g**ong naging pangalawang ina at ama sa aming mga mag-aaral. Isa po kayo sa aming mga hinahangaan at iniidolo dahil sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang pagtulong upang gabayan at hubugin ang bawat kabataan.

Maraming salamat po sa inyong tiyaga, pagmamahal, at paniniwala sa kakayahan ng bawat isa sa amin. Kayo po ay hindi lamang nagtuturo ng aralin, kundi nagtuturo rin kung paano maging mabuting tao at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Saludo po kami sa inyong mga g**o! Maraming salamat po sa inyong serbisyo at pagmamahal sa kabataan. ❤️💜🫶🏻


’sDay

Hala, Event of the Year pala, noh? Pero bakit parangML Tournament ang mas pinag-uusapan ngayon?Malay mo, hindi lang bast...
19/09/2026

Hala, Event of the Year pala, noh? Pero bakit parang
ML Tournament ang mas pinag-uusapan ngayon?

Malay mo, hindi lang basta tournament ang inaabangan ninyo... baka ito na ang pinaka-exciting na event ng taon!

More than a game. More than a tournament.
This is the BIG SEASON EDITION!

Abangan. The hype is just getting started.

Hanggang ngayon, naghihintay ka pa rin?Malay mo, hindi pala sa maling tao ka naghihintay... kundi sa pinakaabangang ML T...
19/09/2026

Hanggang ngayon, naghihintay ka pa rin?
Malay mo, hindi pala sa maling tao ka naghihintay... kundi sa pinakaabangang ML Tournament ng taon!

The wait is real. The hype is coming.

Abangan ang ML BIG SEASON EDITION!

Final date? Secret muna. Pero ang excitement,
siguradong darating! ☺️😘

THE BIG ONE!!Kabataan ng Loma Lenyo, maghintay at manabik!Nagbabalik na ang pinakahihintay na ML Tournament!Handa na ba ...
15/09/2026

THE BIG ONE!!

Kabataan ng Loma Lenyo, maghintay at manabik!

Nagbabalik na ang pinakahihintay na ML Tournament!
Handa na ba ang inyong mga squad? Oras na para muling maglaban, magpakitang-gilas, at patunayan kung sino ang THE BIG ONE!

ANO, TARA NA?

Abangan ang mga susunod na detalye.
THE BIG ONE ML TOURNAMENT🫣




Maligayang Kaarawan sa Ina ng Dakilang Ama hindi lamang Ina ng Isang Anak, kundi Ina ng buong sanlibutan. Nawa’y patuloy...
07/09/2026

Maligayang Kaarawan sa Ina ng Dakilang Ama hindi lamang Ina ng Isang Anak, kundi Ina ng buong sanlibutan.

Nawa’y patuloy kang maging ilaw, gabay, at inspirasyon sa aming lahat. Sa iyong espesyal na araw, dalangin namin ang kapayapaan, pagmamahal, at biyaya ng Diyos. 🙏🏻🤍

Ngayong muli nating ginugunita ang ating mga bayani, huwag nating kalimutan ang dahilan kung bakit sila nagbuwis ng buha...
31/08/2026

Ngayong muli nating ginugunita ang ating mga bayani, huwag nating kalimutan ang dahilan kung bakit sila nagbuwis ng buhay upang tayo ay maging malaya. Pinalaya nila tayo sa kamay ng mga dayuhang mananakop, ngunit sa panahon ngayon, ikakatuwa kaya nila kung makikita nilang muli tayong tila alipin hindi ng Kastila o Hapones, kundi ng kapwa nating Pilipinong nasa kapangyarihan?

Mga makapangyarihang inuuna ang pansariling interes kaysa kapakanan ng bayan, habang ang ordinaryong Pilipino ay patuloy na nakikipaglaban para mabuhay.

Hindi para dito nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani. Ang kalayaang ipinaglaban nila ay hindi dapat maging pribilehiyo ng iilan, kundi karapatan ng bawat Pilipino. 🇵🇭

Sa Araw ng mga Bayani, huwag lang natin silang alalahanin ipaglaban din natin ang bayang ipinaglaban nila.

Ating ipagdasal ang ating bansa sa walang humpay na ulan at walang sawang pagbaha. Habang ang iba ay may masisilungan, m...
29/08/2026

Ating ipagdasal ang ating bansa sa walang humpay na ulan at walang sawang pagbaha. Habang ang iba ay may masisilungan, may makakain, at may ligtas na tahanan, marami pa ring pamilya at mga hayop ang naghihirap walang maayos na matutulugan, walang sapat na pagkain, at walang proteksyon laban sa malamig na tag-ulan.

Sa panahong ito, huwag nating kalimutan ang mga nangangailangan. Sama-sama tayong manalangin, tumulong, at maging liwanag sa gitna ng unos. 🙏🏻🇵🇭

Sa gitna ng baha at unos, panalangin at pagtutulungan ang ating sandigan.

Hindi baha ang tunay na magpapalubog sa ating bansa kundi ang korapsyon.Ang baha ay umaagos at kalaunan ay humuhupa. Ngu...
10/08/2026

Hindi baha ang tunay na magpapalubog sa ating bansa kundi ang korapsyon.

Ang baha ay umaagos at kalaunan ay humuhupa. Ngunit ang korapsyon, kapag hinayaan, ay unti-unting lumulunod sa kabuhayan, tiwala, oportunidad, at kinabukasan ng bawat Pilipino.

Hindi sapat ang magreklamo.
Hindi sapat ang manood.
Kailangan nating manindigan.

Dahil ang bawat pondong nawawala ay serbisyong hindi naibibigay. Ang bawat katiwaliang pinapalampas ay kinabukasang ninanakaw.

Sa bansang paulit-ulit na binabaha, huwag nating hayaang ang korapsyon ang tuluyang lumubog sa atin.

🇵🇭 Magsalita. Manindigan. Maningil. Para sa bayan.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, muli nating pinatutunayan na ang wikang Filipino ay hindi lamang paraan ...
07/08/2026

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, muli nating pinatutunayan na ang wikang Filipino ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usap ito ay simbolo ng ating pagkakakilanlan, kultura, kasaysayan, at pagmamahal sa ating bayan.

Ang buwan ng Agosto ay paalala na ang tunay na pagmamahal sa Pilipinas ay naipapakita sa pagpapahalaga sa ating sariling wika, paggalang sa ating kultura, at pagkakaisa bilang isang sambayanan.

Ang wikang Filipino ay hindi lamang ating sinasalita ito ay ating ipinagmamalaki.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kabataang makabayan! 🇵🇭❤️

12/07/2026

Happy Nutrition Month sa ating lahat! 🌾🥗

Isang makulay, masustansya, at makabuluhang buwan ang ating ipagdiwang. Nawa’y magsilbi itong paalala sa kahalagahan ng wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at pagkakaisa sa pagbuo ng mas matatag at mas malusog na pamayanan.

Isang taos-pusong pagbati mula sa Samahan ng Makabagong Henerasyon ng Kabataan.

Sa pagdiriwang na ito, buong puso nating ipinagbubunyi at pinasasalamatan ang ating mga magsasaka ang mga tunay na bayani ng ating hapag-kainan. Sa kanilang sipag, tiyaga, at sakripisyo, patuloy tayong nagkakaroon ng masustansyang pagkain sa ating mga tahanan. Ang bawat butil ng bigas, bawat gulay, at bawat ani ay bunga ng kanilang walang sawang pagsisikap.

Sama-sama nating suportahan ang lokal na agrikultura, pahalagahan ang masustansyang pagkain, at isabuhay ang tamang nutrisyon para sa mas malusog na kinabukasan.

Maligayang Nutrition Month! 💚🌱

This audio is for educational and awareness purposes only. No copyright infringement is intended.

Address

Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Makabagong Henerasyon ng Kabataan Tungo sa Magandang Kinabukasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share