St. Louie Homeowners Association

St. Louie Homeowners Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Louie Homeowners Association, Nonprofit Organization, St. Louie deca homes, Marilao.

🌿🧹 MARAMING SALAMAT SA MATAGUMPAY NA CLEAN-UP DRIVE! 🧹🌿Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging ...
27/07/2026

🌿🧹 MARAMING SALAMAT SA MATAGUMPAY NA CLEAN-UP DRIVE! 🧹🌿

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na Clean-Up Drive ng ating komunidad, na isinagawa bilang paghahanda sa tag-ulan at bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatiling malinis at ligtas ang ating kapaligiran laban sa dengue at iba pang sakit.

Lubos ang aming pasasalamat sa:

- St. Louie Phase Womens Club Inc
- Gideon House of Prayer (HHCCI)
- Barangay Loma de Gato, sa pangunguna ng ating butihing Kapitan, Kap. Aya Saycon na nagpadala ng mga GSO at trimming Materials.
- Sa lahat ng ating HOA Officers
- Sa lahat ng homeowners na naglaan ng oras, lakas at pakikiisa para sa ating komunidad.
- At sa ating mga mapagkalingang sponsors ng pagkain na tumulong upang maibigay ang pagkain at pangangailangan ng ating mga volunteers.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, mas marami tayong nagagawa para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong malasakit, pakikiisa at suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapanatili ng isang malinis, ligtas at maayos na St. Louie Community!

Mabuhay ang pagkakaisa ng St. Louie!





SAMA-SAMA TAYO KONTRA DENGUE! 🦟🚫Inaanyayahan po namin ang lahat ng homeowners at volunteers na makiisa sa ating CLEAN-UP...
24/07/2026

SAMA-SAMA TAYO KONTRA DENGUE! 🦟🚫

Inaanyayahan po namin ang lahat ng homeowners at volunteers na makiisa sa ating CLEAN-UP DRIVE KONTRA DENGUE!

📅 July 25, 2026 (Saturday)
⏰ 6:30 AM onwards
📍 Assembly/Starting Point: St. Louie Gate

Sama-sama nating linisin ang ating kapaligiran, alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok at panatilihing malinis, ligtas at malusog ang ating komunidad.

🤝 Magkaisa. Maglinis. Maging ligtas.
Para sa ating pamilya, para sa ating komunidad!

Maraming salamat sa ating mga katuwang at volunteers:
✨ St. Louie Homeowners Association Inc.
✨ St. Louie Phase Women's Club Incorporated
✨ Gideon House of Prayer (HHCCI)

Tara na! Makilahok at maging bahagi ng ating Clean-Up Drive!

We regret to inform everyone of the passing of Mr. Hermie Sy, one of our valued security personnel.We thank him for his ...
24/05/2026

We regret to inform everyone of the passing of Mr. Hermie Sy, one of our valued security personnel.

We thank him for his years of service and dedication to keeping our community safe. His contributions and memories will remain with us.

May his soul rest in peace. 🙏

Happy Mother’s Day! To all the amazing mothers thank you for your unconditional love, strength, care, and sacrifices for...
10/05/2026

Happy Mother’s Day!

To all the amazing mothers

thank you for your unconditional love, strength, care, and sacrifices for your families.

Today, we celebrate every mother, grandmother, and mother figure who continues to inspire us with kindness and dedication every single day.

May your day be filled with love, appreciation, and happiness.

You truly are the heart of every home.

— From your HOA Family

🎉 ST. LOUIS FEAST DAY CELEBRATION 🎉Magandang araw!Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makisaya sa darating na ...
04/05/2026

🎉 ST. LOUIS FEAST DAY CELEBRATION 🎉

Magandang araw!

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makisaya sa darating na Fiesta ng St. Louis Homeowners Association!

Petsa: May 9, 2026
Oras: 9:00 AM
Lugar: Multipurpose Hall

Magsisimula po tayo sa isang Banal na Misa bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap, kasunod ang simpleng salu-salo at kasiyahan para sa lahat.

Sama-sama po nating ipagdiwang ang ating pagkakaisa bilang isang komunidad!

Kita-kits po tayo!

📢 GENERAL ASSEMBLY ANNOUNCEMENT 📢All homeowners and residents are invited to attend our General Assembly.📅 Date: May 3, ...
27/04/2026

📢 GENERAL ASSEMBLY ANNOUNCEMENT 📢
All homeowners and residents are invited to attend our General Assembly.

📅 Date: May 3, 2026
🕓 Time: 4:00 PM
📍 Venue: Multi Purpose Hall

Your presence is important as we discuss matters concerning our community. Let us work together for a stronger and better neighborhood.
See you there!

NOTICE TO ALL HOMEOWNERSSubject: Implementation of Roadside Clearing and Removal of Excess StructuresDear Valued Homeown...
07/04/2026

NOTICE TO ALL HOMEOWNERS
Subject: Implementation of Roadside Clearing and Removal of Excess Structures

Dear Valued Homeowners,

Greetings of peace and cooperation.

Please be informed that our St. Louis Homeowners Association (HOA), in coordination with the Barangay, will be implementing a Roadside Clearing and Removal of Excess Structures within our subdivision.

This initiative is in accordance with the directive of the Department of the Interior and Local Government (DILG) under its nationwide road clearing program, as mandated through official circulars instructing all LGUs down to the Barangay level to ensure that public roads are free from obstructions.

The clearing operation aims to:
• Ensure roads remain passable and unobstructed
• Improve access for garbage collection trucks
• Allow smooth passage of emergency vehicles (fire trucks, ambulances, rescue units)
• Promote safety, order, and cleanliness within the community

All homeowners are hereby advised to voluntarily remove the following items placed beyond property boundaries and encroaching on roadways, sidewalks, and easements:
• Extended roofs, sheds, or temporary structures
• Plant boxes, fences, and barriers beyond property lines
• Construction materials and unused debris
• Parked non-operational vehicles occupying public space
• Any other items that obstruct public roads

We encourage everyone to cooperate and comply before the scheduled clearing date.

Let us work together to maintain a safe, orderly, and accessible community for all.

For guidance and clarification, you may coordinate with the HOA officers.

Thank you for your full cooperation and understanding.

📣 HOLY WEEK ADVISORYMagandang araw, mga Kapitbahay!Sa paggunita ng Holy Week, hinihikayat po ang lahat na panatilihin an...
02/04/2026

📣 HOLY WEEK ADVISORY

Magandang araw, mga Kapitbahay!

Sa paggunita ng Holy Week, hinihikayat po ang lahat na panatilihin ang katahimikan, pagninilay, at respeto sa ating komunidad.

🔹 Iwasan po muna ang malalakas na ingay (videoke, malalakas na tugtugan, at iba pa)
🔹 Panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa ating paligid
🔹 Igalang ang mga kapwa nating nagninilay at nagdadasal
🔹 Mag-ingat sa biyahe kung kayo ay lalabas ng bahay

Bagamat ang Holy Week ay mahalaga sa karamihan, iginagalang din po natin ang iba’t ibang paniniwala at relihiyon sa ating komunidad. Hinihikayat ang bawat isa na magpakita ng pag-unawa at respeto sa isa’t isa sa panahong ito.

Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang paggunita ng bawat isa.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon. 🙏

— HOA Officers

📢 Isa na naman pong proyekto ang naisagawa sa pagtutulungan ng SLHOA — patunay na kapag sama-sama, kayang-kaya! 💪✨Naayos...
04/03/2026

📢 Isa na naman pong proyekto ang naisagawa sa pagtutulungan ng SLHOA — patunay na kapag sama-sama, kayang-kaya! 💪✨

Naayos na po ang baradong canal sa ating lugar. Matapos itong hukayin, napag-alaman na ito ay puno ng lupa at natuyong semento na siyang naging sanhi ng pagbabara at pag-ipon ng tubig.

Dahil sa bayanihan ng bawat isa, naibalik ang maayos na daloy ng tubig at naiwasan ang mas malaking problema sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa! 🙏
Paalala po sa lahat na iwasan ang pagtatapon ng lupa, semento, at anumang basura sa canal upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.

Tuluy-tuloy lang po tayo sa pagkakaisa para sa mas maayos at ligtas na komunidad! 🏡

31/12/2025

🎉 Happy New Year, St. Louie Homeowners! 🎉

Malugod po naming binabati ang bawat pamilya ng isang Masagana, Ligtas, at Mapayapang Bagong Taon. Nawa’y magdala ang bagong taon ng kalusugan, pagkakaisa, at tagumpay sa ating komunidad.

Kasabay po ng ating pagdiriwang, paalala po sa lahat na mag-ingat sa paggamit ng paputok at sundin ang mga alituntunin para sa kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga bata at alagang hayop.

Higit sa lahat, panatilihin po natin ang respeto sa bawat isa, iwasan ang anumang gulo, at pairalin ang malasakit bilang magkakapitbahay.

Maraming salamat po at Happy New Year sa ating lahat! 🎆🏡

Address

St. Louie Deca Homes
Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Louie Homeowners Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share