16/08/2023
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, hayaan nyo pong ihayag ko ang aking layunin at pagmamahal para sa Loma de Gato tulad ng pagmamahal ko sa ating Wika.
HANDA NA AKO!
HANDA NA KAMI!
LOMA, Handa ka na ba?
Ako, si BEBOT CONCEPCION, ay handang handa na upang UNAHIN ang kapakanan at pangangailangan mo bilang mamamayan ng LOMA DE GATO! At malugod ko pong ipinapakilala ang aking lupon, na aking magiging kasama sa hangarin nating ito:
LLOYD AVELINO ng Heritage Homes Ph. 4D
ALBERT CALDERON ng Dolmar Golden Hills
DEP. EDDIE NEPOMUCENO ng Looban 1
PRES. IRENE PALER ng St. Cecilia Homes
at KUYA GEORGE RODRIGUEZ ng Heritage Homes Ph. 3
Hindi man madali ang landas na pinili naming tahakin, dahil literal ang laki ng ating Barangay at gabundok ang mga suliranin na dapat gawin. Aminado din kaming wala kaming ibang baon kundi ang pagnanais naming MAKAPAGLINGKOD NG TAPAT at ilapit ng abot kamay ang Sangguniang Barangay sa taumbayan ng Loma de Gato!
Wala akong ipapangako, maliban sa paniniguradong aking pagtatagumpayan ang aming deklarasyong "LOMA MUNA" para sa ating mga ka-Barangay... na Loma, at taga Loma naman ang dapat na mauuna!
Mauuna sa serbisyong matatanggap!
Mauuna sa mga benepisyong nararapat!
Mauuna sa pagkamit ng mga pangarap!
at Mangunguna sa Bayan ng Marilao!
Kaya't samahan n'yo po ako sa aking laban, dahil laban n'yo din ito. Higit sa anupaman, nararapat nyong maranasan ng buong buo at walang pag-iimbot ang Aksyon at Solusyong hatid ni KAP. BEBOT CONCEPCION!
Maraming Salamat po!