Kabataan ng Tabing Ilog

Kabataan ng Tabing Ilog Boses ng kabataan, gabay sa kaunlaran.☝🏻🀍

PAGLILINIS NG BASKETBALL COURT πŸ€πŸ’™Noong September 4, 2026, boluntaryong sinimulan ng Kabataan ng Tabing-Ilog for Good Gov...
05/09/2026

PAGLILINIS NG BASKETBALL COURT πŸ€πŸ’™

Noong September 4, 2026, boluntaryong sinimulan ng Kabataan ng Tabing-Ilog for Good Governance ang paglilinis ng Tabing-Ilog Basketball Court sa Caneville St. Matapos ang nagdaang malakas na pag-ulan at pagbaha, napuno ng putik at burak ang basketball court, kaya pansamantalang hindi ito nagamit ng ating mga kabataan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng ating mga kabataan, muling nalinis at naibalik sa maayos na kondisyon ang basketball court upang muli itong mapakinabangan at mapaglaruan ng ating mga kabarangay. πŸ’ͺπŸ€

Lubos ang aming pasasalamat kay Kapitan Bonjing Catorce sa kanyang patuloy na suporta sa mga programa para sa ating kabataan at komunidad. Maraming salamat din kay Joever Bernardino sa pagpapahiram ng mga kagamitan na naging malaking tulong upang maging matagumpay ang paglilinis.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga kabataang naglaan ng oras at lakas upang makiisa, sa pangunguna ni SK Secretary Andrew Lacuna, kasama ang aspiring youth leaders na sina Cristian Francisco, Jear Dausan, at Berna Marie A. Tonacao.

πŸ’™ Kapag nagkaisa ang kabataan, kayang muling bumangon ang komunidad.☝

PATULOY ANG MALASAKIT, PATULOY ANG BAYANIHAN! ☝Noong August 30, 2026, pagkatapos ng mataas na pagbaha na naranasan ng at...
31/08/2026

PATULOY ANG MALASAKIT, PATULOY ANG BAYANIHAN! ☝

Noong August 30, 2026, pagkatapos ng mataas na pagbaha na naranasan ng ating komunidad, muling nagkaisa ang Kabataan ng Tabing-Ilog for Good Governance upang mamahagi ng mainit na champorado sa Arcega St. at kahabaan ng M. Villarica Road, Tabing-Ilog, Marilao, Bulacan.

Sa simpleng paraan, hangad ng ating mga kabataan na makapagbigay ng kaunting ginhawa at init sa ating mga kabarangay na patuloy na humaharap sa hamon ng pagbaha. Tunay na sa panahon ng pangangailangan, ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa ang ating pinakamalaking lakas.

Muli, taos-puso ang aming pasasalamat kay Kapitan Bonjing Catorce sa kanyang patuloy at walang sawang suporta sa mga programa at pagkilos para sa ating komunidad. Maraming salamat din sa lahat ng kabataang naglaan ng kanilang oras at lakas upang makatulong sa ating mga kabarangay. πŸ’™

Sana tayo ay nasa ligtas na kalagayan at patuloy na lumaban dahil sa naranasang hagupit ng habagat.

PAALALA | PATULOY NA PAGTAAS NG TUBIG-BAHA 🌧️🌊Ngayong Agosto 29, 2026, patuloy na nararanasan ang pagbaha sa halos lahat...
29/08/2026

PAALALA | PATULOY NA PAGTAAS NG TUBIG-BAHA 🌧️🌊

Ngayong Agosto 29, 2026, patuloy na nararanasan ang pagbaha sa halos lahat ng lugar sa Barangay Tabing-Ilog, Marilao, Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

πŸ“ KALAGAYAN NG TABING-ILOG ELEMENTARY SCHOOL
Ang Tabing-Ilog Elementary School ay nagsisilbing Evacuation Center para sa ating mga kabarangay na nangangailangan ng ligtas na lugar habang patuloy ang pagtaas ng baha.
Kung delikado at patuloy ang pagbaha sa inyong lugar marapat na pong lumikas para sa inyong kaligtasan.

⚠️ MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY BAHA:
β€’ Manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa barangay at awtoridad.
β€’ Kung kinakailangang lumikas, umalis agad at huwag nang hintayin na tumaas pa ang tubig.
β€’ Dalhin ang mahahalagang gamit tulad ng cellphone, flashlight, gamot, pagkain, tubig, damit, at mahahalagang dokumento.
β€’ Iwasang lumusong o tumawid sa rumaragasang tubig-baha.
β€’ Patayin ang kuryente at mga appliances kung ligtas itong gawin.
β€’ Ilayo ang mga bata, matatanda, at persons with disabilities sa mga lugar na mabilis bahain.
β€’ Huwag magpakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon. Manatiling updated sa opisyal na anunsyo ng barangay.

🀝 Magtulungan tayo at unahin ang kaligtasan ng bawat isa. Kung may nangangailangan ng tulong o agarang paglikas, makipag-ugnayan agad sa mga barangay responders.

MAG-INGAT PO ANG LAHAT, KABARANGAY! πŸ™β˜οΈπŸ’™

⚠️ PAALALA SA LAHAT! πŸŒ§οΈπŸ“ Ngayong August 29, 2026, as of 10:18 AM, nagkaroon ng FIRST ALARM sa ating ilog sa Sampaloc St....
29/08/2026

⚠️ PAALALA SA LAHAT! 🌧️

πŸ“ Ngayong August 29, 2026, as of 10:18 AM, nagkaroon ng FIRST ALARM sa ating ilog sa Sampaloc St. Tabing-ilog Marilao Bulacan.
Umabot na po sa 1.11 meter ang itinataas ng hightide.

Dahil sa patuloy na malakas na ulan muling paglakas ng agos ng ilog at pagtaas ng water level na umabot na po sa 6ft Red warning level, ating pinapaalalahanan ang lahat na maging maingat at mapagmatyag.

🚨 Pinapayuhan ang lahat na:
β€’ Mag-ingat at manatiling alerto sa anumang pagbabago ng lebel ng tubig.
β€’ Iwasang lumapit o pumunta sa gilid ng ilog.
β€’ Antabayanan ang mga opisyal na abiso ukol sa posibleng pagbaha.
β€’ Unahin ang kaligtasan ng sarili at ng pamilya.

Manatiling ligtas, alerto, at handa. 🀝 πŸ’™β˜οΈ

29/08/2026
Kasalukuyan na naman po nating nararanasan ang malakas na pag-ulan. Maging Handa at Mag-ingat po ang lahat mga kabaranga...
28/08/2026

Kasalukuyan na naman po nating nararanasan ang malakas na pag-ulan. Maging Handa at Mag-ingat po ang lahat mga kabarangay!

BAHA ALERT UPDATE! 🚨As of 1:20 AMNOT PASSABLE TO LIGHT VEHICLES β€ΌοΈπŸ“ Location: Sampaloc Area, M. Villarica Road (Tabing I...
18/08/2026

BAHA ALERT UPDATE! 🚨
As of 1:20 AM
NOT PASSABLE TO LIGHT VEHICLES ‼️

πŸ“ Location: Sampaloc Area, M. Villarica Road (Tabing Ilog), Marilao, Bulacan

Patuloy pong nakakaranas ng pagbaha at pag taas ng ilog sa nasabing lugar. Pinapayuhan ang lahat ng motorista at residente na mag-ingat at, kung maaari, umiwas muna sa rutang ito hanggang sa bumaba ang tubig.

⚠️ Magmaneho nang may ibayong pag-iingat at patuloy na mag-monitor ng mga susunod na abiso.

Stay safe everyone! Ingat po ang lahat.

⚠️ PAALALA SA LAHAT! 🌧️Dahil sa patuloy na malakas na ulan muling paglakas ng agos ng ilog at pagtaas ng water level, at...
18/08/2026

⚠️ PAALALA SA LAHAT! 🌧️

Dahil sa patuloy na malakas na ulan muling paglakas ng agos ng ilog at pagtaas ng water level, ating pinapaalalahanan ang lahat na maging maingat at mapagmatyag.

πŸ“ Ngayong August 19, 2026, as of 12:05 am nagkaroon ng ALARM sa ating ilog sa Sampaloc St. Tabing-ilog Marilao Bulacan.

🚨 Pinapayuhan ang lahat na:
β€’ Mag-ingat at manatiling alerto sa anumang pagbabago ng lebel ng tubig.
β€’ Iwasang lumapit o pumunta sa gilid ng ilog.
β€’ Antabayanan ang mga opisyal na abiso ukol sa posibleng pagbaha.
β€’ Unahin ang kaligtasan ng sarili at ng pamilya.

Manatiling ligtas, alerto, at handa. 🀝 πŸ’™β˜οΈ

πŸ’™ PATULOY ANG BAYANIHAN, PATULOY ANG PAGMAMALASAKIT! ☝Noong August 14 (Friday) at August 17 (Monday), patuloy na nagsaga...
18/08/2026

πŸ’™ PATULOY ANG BAYANIHAN, PATULOY ANG PAGMAMALASAKIT! ☝

Noong August 14 (Friday) at August 17 (Monday), patuloy na nagsagawa ng pamamahagi ang Kabataan ng Tabing-Ilog for Good Governance sa Centro Area at Talipapa, Tabing-Ilog, Marilao, Bulacan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga kabataan, naipagpapatuloy ang simpleng serbisyo at malasakit para sa ating mga kabarangay, lalo na sa panahon ng malakas na pag-ulan at masamang panahon.

Lubos ang aming pasasalamat kay Kapitan Bonjing Catorce sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa ating komunidad, gayundin sa TRWCAS para sa kanilang mahalagang pakikipagtulungan at pakikiisa sa gawaing ito. Maraming salamat din sa lahat ng kabataang nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa kapwa.

πŸ’™ Kabataan para sa bayan. Serbisyong may malasakit, para sa bawat kabarangay!

Address

Tabing Ilog
Marilao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ng Tabing Ilog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share