Triskelion De Nagbalon

Triskelion De Nagbalon Nagbalon chapter Marilao triskelion council

Happy 58th Anniversary Tau Gamma Phi Triskelions Grand Fraternity.Taos-pusong pagbati mula sa Triskelion De Nagbalon sa ...
03/10/2026

Happy 58th Anniversary Tau Gamma Phi Triskelions Grand Fraternity.

Taos-pusong pagbati mula sa Triskelion De Nagbalon sa lahat ng mga kapatid na Triskelion sa buong mundo sa pagdiriwang ng ika-58 Anibersaryo ng Tau Gamma Phi – Triskelions’ Grand Fraternity.

Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala sa matibay na ugnayan ng pagkakapatiran, pagkakaisa, katapatan, at paglilingkod na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating mga prinsipyo. Nawa’y manatili tayong nagkakaisa sa pagtataguyod ng mabuting halimbawa, paggalang sa bawat isa, at responsableng pagtupad sa ating mga tungkulin bilang mga Triskelion.

Mula sa Triskelion De Nagbalon ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagbati at pakikiisa sa lahat ng Triskelion saan mang panig ng mundo.

Maligayang Ika-58 Anibersaryo, Tau Gamma Phi!
Mabuhay ang Pagkakapatiran! Mabuhay ang mga Triskelion! 🇵🇭

Whaaaapak!
15/09/2026

Whaaaapak!

‼️
09/09/2026

‼️

TRISKELION DE NAGBALON EMERGENCY HOTLINES 🚨Sa panahon ng kalamidad at emergency, kahandaan at mabilis na pagtugon ay maa...
29/08/2026

TRISKELION DE NAGBALON EMERGENCY HOTLINES 🚨

Sa panahon ng kalamidad at emergency, kahandaan at mabilis na pagtugon ay maaaring makapagligtas ng buhay. Narito ang mga importanteng emergency hotline numbers na maaari ninyong tawagan kung kinakailangan.

📞 I-save ang mga numerong ito. I-share ang post na ito.
Maging alerto, manatiling ligtas, at huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.

🤝 BE ALERT. BE UNITED. BE A BROTHER.
🏠 STAY HOME. STAY SAFE.

Mga Tol, Salute! 🫡

Triskelion De Nagbalon | Feeding Program & Bible Study for KidsSuccessful Feeding Program & Bible Study for Kids! 🙏📖🍱Kam...
23/08/2026

Triskelion De Nagbalon | Feeding Program & Bible Study for Kids

Successful Feeding Program & Bible Study for Kids! 🙏📖🍱

Kami po ay lubos na nagpapasalamat, unang-una sa ating Panginoong Hesus, dahil sa lakas, gabay, at biyayang Kanyang ipinagkaloob sa atin upang maisakatuparan muli ang proyektong ito para sa mga kabataan ng ating barangay. 🙏

Taos-pusong pasasalamat din kina Ma’am Grayze Boticario Dizon at Bro. Richard Bandong. Kayo po ay kabilang sa mga ginamit ni Lord upang muling maumpisahan ang proyektong ito. Maraming salamat po sa inyong suporta at pagtitiwala. ❤️

Salamat din kina Bro. Janno Camargo, Bro. Ferdy Ignacio, at Ate Maria Sarajane Ignacio sa pagbabahagi at pagtuturo ng Salita ng Diyos sa ating mga kabataan. Nawa’y patuloy ninyong maging inspirasyon at gabay ang bawat aral na inyong naibabahagi. 📖✨

Maraming salamat din sa lahat ng nag-abot ng tulong pinansyal, pagkain, oras, lakas, at pisikal na serbisyo para maging matagumpay ang ating programa. Lalong-lalo na sa mga residente at miyembro ng Triskelion De Nagbalon, at kay Bro. SK Raymart Abeleda. Salute sa inyong lahat! 🫡

Hindi rin magiging posible ang programang ito kung wala ang suporta ng Pamahalaang Barangay ng Nagbalon, sa pangunguna ni Kap. Adrian Espiritu, sa pagbibigay sa amin ng pahintulot na magamit ang ating Barangay Hall bilang venue ng ating aktibidad. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta! 🙏

Ang simpleng feeding program at Bible study na ito ay isang paraan upang maipakita sa ating mga kabataan na sila ay mahalaga, may mga taong handang gumabay sa kanila, at higit sa lahat, may Diyos na nagmamahal sa kanila.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod, pagbabahagi, at pagtulong sa ating komunidad.

To God be all the glory! 🙏❤️

Buong pagmamalaki at karangalang ipinapakilala ng Tau Gamma Phi - Nagbalon Chapter ang ating Kapatid na si RAYMART ABELE...
23/08/2026

Buong pagmamalaki at karangalang ipinapakilala ng Tau Gamma Phi - Nagbalon Chapter ang ating Kapatid na si RAYMART ABELEDA sa kanyang pagtakbo bilang SK Chairman ng Barangay Nagbalon.

​Bilang isang miyembro at opisyales ng ating Kapatiran, nakita natin ang kanyang tapat na dedikasyon, malasakit, at kagustuhang makapaglingkod.

Naniniwala kami na ang kanyang kakayahan at prinsipyo bilang indibidwal at pinuno ay magiging malaking ambag para sa mas maunlad at masiglang kabataan sa ating barangay.

​Atin pong suportahan si Kapatid na Raymart Abeleda sa kanyang layuning magdala ng makabuluhang pagbabago at mas malawak na serbisyo sa Brgy. Nagbalon!

​

FEEDING PROGRAM & BIBLE STUDYAng tunay na paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagpapakain sa katawan, kundi pati na ...
15/08/2026

FEEDING PROGRAM & BIBLE STUDY

Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagpapakain sa katawan, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng pananampalataya at paghubog ng kabataan. 🙏

Maaaring dumaan tayo sa mga pagsubok, ngunit hindi ito dahilan upang tumigil sa paggawa ng mabuti. Sa halip, nagsisilbi itong paalala na sa panahon ng unos, mas kailangan nating magdamayan, maglingkod, at maging ilaw sa isa't isa.

Kaya isinasagawa ang Triskelion De Nagbalon Feeding Program and Bible Study upang hindi lamang mapunan ang pisikal na pangangailangan ng mga bata, kundi maibahagi rin ang pag-asa, pagmamahal, at salita ng Diyos. ❤️

📅 Sunday | August 23, 2026
⏰ 1:00 PM
📍 Brgy. Hall of Brgy. Nagbalon, Marilao, Bulacan

Sama-sama nating pakainin ang katawan, busugin ang kaluluwa, at palakasin ang komunidad. 💛

Sa bawat bagyo, manatiling matatag. Sa bawat pagsubok, manatiling may pananampalataya. At sa bawat pagkakataon, patuloy tayong maglingkod. 🙏💛

Serve Together. Grow Together 🫡

Happy 53rd Founding Anniversary, Alpha Kappa Rho! 🎉Taos-pusong pagbati mula kina GT. Carl Stephen Serafino at ng mga Off...
08/08/2026

Happy 53rd Founding Anniversary, Alpha Kappa Rho! 🎉

Taos-pusong pagbati mula kina GT. Carl Stephen Serafino at ng mga Officers ng Triskelion De Nagbalon sa pagdiriwang ng 53 taon ng Kapatiran, Pagkakaisa, Paglilingkod, at Pamana. 🤝🔥

Lalo na sa mga Kapatid nating AKP sa Nagbalon, ang pagdiriwang na ito ay para sa bawat isa na patuloy na nagpapatibay ng samahan, nagkakaisa sa iisang layunin, at buong pusong naglilingkod. Nawa’y manatiling matatag ang ating pagkakapatiran at patuloy na maipasa ang magandang pamana sa mga susunod na henerasyon. ❤️💛

Mabuhay ang AKRHO! Mabuhay ang Pagkakapatiran! 🔥🫡

Address

Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Triskelion De Nagbalon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share