05/02/2026
📢 CALLING ALL VOLUNTEER BLOOD DONORS!
Makiisa sa “Gem of Life: Share Love, Donate Blood,” isang blood donation drive sa koordinasyon ng Philippine Blood Center - DOH, sa pangangasiwa ng Kapisanan ng mga Dentista sa Bulacan, Rotary Club of Marilao, at TFOE–Philippine Eagles CLRVIII.
Isasagawa ang aktibidad sa Pambayang Dalubhasaan ng Marilao sa Pebrero 27, 2026, mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM, kung saan bukas ito sa lahat ng kwalipikadong volunteer blood donors. May libreng blood typing, snacks, at giveaways para sa mga lalahok.
Isang patak ng dugo ang maaaring maging pag-asa ng buhay kaya halina’t maging bahagi ng bayanihang nagliligtas ng kapwa. 💎🩸