14/07/2026
BOSES para sa mga WALANG BOSES!
Kami po ang Estrella Animal Welfare Advocates (EAWA) ang nasa likod ng pag aalaga, pagpapakapon at pag papabakuna ng anti-rabies ng mga strays at community animals sa Patubig kasama ang LGU Marilao Cats simula pa noong 2022.
Sumulat na po kami sa bagong adminstration at natutuwa naman kame sa Kanilang tugon, gaya ng dating mga local na administration may ayuda ang mga LGU cats buwan buwan at ang mga empleyado ng Marilao Veterinary Office ang katuwang sa gawain. May mga empleyado na din na nagpapakain at nag alaga ng mga pusa sa iba't ibang opisina
Magkakaroon umano ng Pet Friendly Marilao ang bagong administrasyon at kami ay umaasa na kasama namen sila sa laban para sa mga walang boses.
Subalit may nakarating aming balita na ayaw sa kanila ng ibang employedo at aalisin na sila, matagal na itong usapin. Nasubukan na namin na nakipag usap ng maayos, hindi pa din maalis alis ang isyu na tatanggalin sila
Kaya kami po ay nanghingi ng malinaw na paliwanag dahil wala naman po maayus na pasilidad pa na paglagyan sa kanila
Maraming salamat po