Ang United Artist Guild ay isang independyente at walang kinikilalang aniban/samahan ng mga artista mula sa iba’t ibang kasanayan at larangan ng sining at literatura. Isang non-stock at non-profit na samahang ang pangunahing diin ay ang pagpapaunlad ng mga talento’t kakayahan ng mga kasapi ng Guild tungo sa higit na mataas na kalidad ng kasiningan....
Sa pangkalahatan, ang sining ay isang makapang
y...arihan at maimpluwensiyang pwersa, di lamang sa usapin ng dulot nitong aliw (entertainment) kunid paghatid ng kaalaman at impormasyon. Kung kaya’t, mahalaga na ang ating kasiningan ay mapaunlad at maitaas ang antas ng kalidad ng porma at nilalaman upang maipakita at mapatunayan ang mga halaga, napapanahon (significante) naghahatid ng kaalaman at makatuturang impormasyon. Ang lupon ng mga Direktor (Board of Directors) na pinamumunuan ng komiteng namamatnugot (management committe) na mag titiyak ng pang araw-araw na pangangasiwa ng Guild. Ang komite sa Organisasyon, na ang tungkulin ay ang pangagasiwa sa mga mahalagang komite ng Guild upang matiyak ang papapatupad ng mga plano at programa ng buong Guild. At ang komiteng artistiko na mag titiyak ng pangangasiwa sa mga kasaping artista. Ang United Artist Guild ay binubuo ng iba’t-ibangg grupong artistiko batay sa kanilang larangan ng displina sa sining tulad ng ; (a) Writers Guild, (b) Theater Guild, (c) Dance Guild, (d) Music Guild, (e) Visual Arts Guild at ang (f) technical pool. Ang iba’t-ibang guild at binubuo ng mga Regular Guild Member at ng Apprentice Guild Member. Ang lahat ng kasapi ng guild (Regular and Apprentice) ay dadaan sa oryentasyon pang-organisasyon at ng batayan (Basic) palihang makasining. Ang pangunahing diin at layunin ng UAG ay paunlarin at maitaas ang antas ng kakayahan at talent ng mga kasapi. Magisislbing gabay ang guild para sa pagpapaunlad di lamang ng kasiningan kundi kasabay ang personalidad ng bawat kasapi upang maging mahusay na alagad ng sining at mabuting mamamayan. Ang bawat kasapi ng Guild ay dapat disiplinado, mababa ang loob, mapagpasensya, kagalang galang may pag papahalaga sa sining at kultura, palagiang bukas ang isip sa bagong kaalaman ng impormasyon. Bukas nag pintuan ng Guild sa lahat ng interesadong sumapi, indibidwal man ito o grupo hangga’t sila’y handing pumaloob sa organisasyon may pag papahalaga sa sining at kultura, palagiang bukas ang isip sa bagong kaalaman ng impormasyon. Bukas nag pintuan ng Guild sa lahat ng interesadong sumapi, indibidwal man ito o grupo hangga’t sila’y handing pumaloob sa organisasyon at proseso, unawain ang mga layunin at prinsipyo ng United Artist Guild.