Batang Fortune

Directions Website Contact the organization

Batang Fortune The Batang Fortune, a youth-serving organization in Barangay Fortune, Marikina City. Fortune.

Batang Fortune has consistently proven itself as a strong community organization over the past 13 years in Brgy. Who vows and go beyond to strengthen its vision "Paglilingkod, Pagbabago at Pagkakaisa" to be proactive and progressive for the youth of Barangay Fortune.

Happy Pride!πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨
20/06/2026

Happy Pride!πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨

In every community, there are individuals whose dedication, sacrifices, and unwavering commitment have helped create opportunities, build platforms, and open doors for others. Before claiming to be the standard, let us first recognize and honor those who paved the way, amplified voices, and worked tirelessly to uplift the LGBTQIA+ community long before we arrived.

True leadership is not measured by titles or recognition alone, but by humility, gratitude, and the willingness to acknowledge the shoulders upon which we stand. Let us continue to celebrate the pioneers, advocates, organizers, and allies whose efforts have made our community stronger, more visible, and more empowered.

As we move forward, may we never forget our history, respect our legacy, and support one another in creating even greater opportunities for future generations.

Happy Pride Month to everyone! May we continue to celebrate diversity, equality, inclusion, and the countless individuals who have helped shape our community.πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨

𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 π‚π‡π€πŒππˆπŽπ! πŸ†πŸ₯₯✨Isang makasaysayang tagumpay para sa BATANG FORTUNE TRIBES! Sa entablado ng INDAYOG FESTIVAL 2026 – S...
03/03/2026

𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 π‚π‡π€πŒππˆπŽπ! πŸ†πŸ₯₯✨

Isang makasaysayang tagumpay para sa BATANG FORTUNE TRIBES! Sa entablado ng INDAYOG FESTIVAL 2026 – Streetdance & Festival Dance Competition, muli nating ipinamalas ang galing, disiplina, at pusong punΓ΄ ng kultura bilang proud representative ng REGION 9 – COCO FESTIVAL.

Hindi lang ito panalo β€” ito ay bunga ng sakripisyo, pawis, at walang sawang pagtutulungan ng buong tribu.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, naniwala, at nagdasal para sa amin. Ang tagumpay na ito ay para sa ating lahat!






Inaanyayahan po namin ang lahat ng minamahal naming kabarangay at kaibigan na makiisa at makisaya sa Indayog Festival 20...
28/02/2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng minamahal naming kabarangay at kaibigan na makiisa at makisaya sa Indayog Festival 2026 dito sa Barangay Marikina Heights!

Mamayang hapon, buong dangal na ihaharap ng Batang Fortune Tribes ang talento at puso bilang isa sa mga kinatawan ng Barangay Fortune. Malaking lakas po sa amin ang inyong presensya, palakpakan, at sigaw ng suporta habang kami’y sumasayaw para sa kultura, pagkakaisa, at pagmamalaki ng aming barangay.

Makisabay sa indayog, makiindak sa ritmo, at iparamdam ang pagmamahal para sa ating mga kabataan at sining.

Makisaya, makiisa, at makiindak sa Indayog Festival 2026!
Happy Fiesta Marikina Heights! Viva San Gabriel!

STREET DANCE PARADE
Date: February 28, 2026
Time: 12:30 PM
Venue: Park 23 HOA

GRAND FESTIVAL DANCE COMPETITION
Date: February 28, 2026
Time: 3:00 PM
Venue: Marikina Heights Quadrangle
(In front of MH Covered Court)

Taos-pusong good luck sa Batang Fortune Tribes!
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta, nagdarasal, at nagpaabotβ€”at magpapaabot pa lamangβ€”ng tulong at pagmamahal sa aming grupo. Ang tagumpay na ito ay para sa ating lahat.

ANUNSYO PARA SA MGA KAPITBAHAY AT KABARANGAY‼️Magandang araw po sa aming mga minamahal na kapitbahay at kabarangay sa pa...
26/02/2026

ANUNSYO PARA SA MGA KAPITBAHAY AT KABARANGAY‼️

Magandang araw po sa aming mga minamahal na kapitbahay at kabarangay sa paligid ng Fortune Elementary School.

Ipinapaalam po namin na magkakaroon ng practice ang Batang Fortune Tribes kasama ang kanilang LIVE DRUM BEATERS mamayang gabi at bukas, araw ng Biyernes, mula 7:00 ng gabi hanggang 9:45 ng gabi. Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng aming paghahanda para sa paparating na Barangay Marikina Heights – Indayog Festival Competition 2026.

Dahil po sa paggamit ng mga tambol at instrumentong pangkultura, inaasahan ang mas malakas na tunog o ingay sa loob ng dalawang gabing ito. Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong malawak na pang-unawa at konsiderasyon, lalo na sa mga maaaring maapektuhan ng ingay.

Ang pagsasanay na ito ay mahalaga para sa aming mga kabataang patuloy na nagsisikap na iangat ang sining, kultura, at karangalan ng aming barangay.

PAALALA: May maririnig pong ingay mula sa mga tambol at instrumento sa nabanggit na oras at petsa.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa kabataang Batang Fortune Tribes.

Lubos na gumagalang,
Batang Fortune Tribes

MAGANDANG ARAW PO!Ang Batang Fortune Tribes ay buong galang na humihiling ng tulong pinansyal mula sa aming mga minamaha...
23/02/2026

MAGANDANG ARAW PO!

Ang Batang Fortune Tribes ay buong galang na humihiling ng tulong pinansyal mula sa aming mga minamahal na kakilala, kaibigan, at mga kabarangay kaugnay ng aming nalalapit na paglahok sa Indayog Festival Dance Competition na gaganapin sa Pebrero 28, 2026 sa Barangay Marikina Heights.

Sa nasabing kompetisyon, aming buong karangalang irerepresenta ang Barangay Fortune, dala ang dedikasyon, disiplina, at pagmamahal ng halos 80 kabataang mananayaw at musikero na bumubuo sa aming grupo.

Ang anumang halagang aming malilikom ay ilalaan para sa pagkain at inumin ng mga kabataan sa mismong araw ng laban, bilang suporta sa kanilang kalusugan at lakas habang isinasakatuparan ang kanilang tungkulin sa entablado.

Sa mga may kakayahan at bukal sa puso na magpaabot ng tulong, anumang halaga ay lubos naming pahahalagahan. Ang inyong suporta ay malaking ambag hindi lamang sa aming laban, kundi sa patuloy na paghubog at pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang nangangarap para sa sining at kultura.

Para sa mga nais makipag-ugnayan o magpaabot ng tulong, maaari po kayong makipag-ugnayan kina Pres. Rainnadel Padua, Pangulo ng Batang Fortune Tribes, at kay Rhegs Padua, Adviser at Head Choreographer ng grupo.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, malasakit, at suporta.
Ang bawat tulong ay aming tatanggapin nang may taos-pusong pasasalamat.

β€” Batang Fortune Tribes

Address

Fortune
Marikina City
1810

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Fortune posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batang Fortune:

Shortcuts

Share