05/10/2026
❤️ MARAMING MARAMING SALAMAT SA ATING MGA G**O AT SAMAHAN! 👩🏫👨🏫
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng SPTA, Faculty Officers, Student Leaders at iba’t ibang samahan na nakipag-ugnayan, nakiisa at naging katuwang natin upang maging matagumpay ang ating programa para sa ating mga minamahal na g**o.
Maraming salamat sa mga paaralang naging bahagi ng ating gawain:
🏫 Barangka National High School
🏫 SSS Village Elementary School
🏫 Nangka National High School
🏫 H. Bautista Elementary School
🏫 Concepcion Secondary Integrated School
🏫 Fugoso Elementary School
🏫 SSS Village National High School
🏫 Marikina Heights High School
❤️ At sa iba pang mga paaralan at samahang lumapit at nakipag-ugnayan sa ating tanggapan.
🌟 KATUWANG SA PAGLIKHA NG LASTING IMPACT
Taos-puso rin nating pinasasalamatan ang Rotary Club of Marikina Heights sa kanilang buong pusong suporta at pakikiisa sa makabuluhang programang ito para sa ating mga g**o.
Ang libreng gupit, manicure, pedicure, paraffin, raffle at simpleng pagpapasaya ay isang munting paraan upang maiparamdam natin sa ating mga g**o ang ating pagmamahal, respeto at pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod sa kabataan.
Ang programang ito ay bahagi ng adhikain ng Rotary District 3800 ngayong taon na “CREATE LASTING IMPACT,” sa pangunguna ng ating District 3800 Governor Gov. Celso Montalla.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Rotary Club of Marikina Heights, mga paaralan, SPTA, Faculty Officers, volunteers at ating tanggapan, naipapakita natin na ang tunay na serbisyo ay mas nagiging makabuluhan kapag ito ay ginagawa nang may puso, malasakit at kababaang-loob. ❤️
Sa pangunguna ng Tanggapan ni Konsehal Ziffred “Kap Zif” Ancheta, at sa patnubay ng 11th City Council at Vice Mayor Del De Guzman, patuloy tayong makikiisa sa mga programang naglalayong magbigay ng positibong epekto sa ating komunidad.
Sama-sama, may malasakit. Sama-sama, may serbisyo. Sama-sama, lumilikha ng pangmatagalang magandang epekto.
HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY! 🌷👩🏫👨🏫
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! ❤️