Sikhay Tunay. Palaban. Makabayan. Ang pambansa-demokratikong pangmasang organisasyon sa lungsod ng Marikina.

CANDLE LIGHTING PROTEST FOR TOBOSO 19Isang buwan na ang nakakalipas mula nang marahas na paslangin ng AFP ang Toboso 19 ...
19/05/2026

CANDLE LIGHTING PROTEST FOR TOBOSO 19

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang marahas na paslangin ng AFP ang Toboso 19 kung saan napabilang si Alyssa Alano, USC councilor; Errol Wendell at Maureen Santuyo, peasant advocates; at sina Lyle Prijoles at Kai Sorem na parehong Fil-Am human rights activists. Kasama rin nila ang tatlong sibilyan, kung san dalawa ang menor de edad.

Malinaw sa ginawang Fact-Finding and Solidarity Mission ng iba't ibang sektor, na sina Alyssa, Errol, Maureen, Lyle, at Kai ay hindi armado. Mismong mga residente ng Toboso ang nagsabing hindi sila naroroon para makidigma kundi para makiisa sa mga magsasaka laban sa pangangamkam sa kanilang lupa.

Nakababahala din ang kinalabasan ng autopsy na ginawa ni Dr. Raquel Fortun. Dito lumitaw ang kapabayaan ng militar na iniwan ang mga bangkay nang dalawang araw bago kunin at kawalan nang maayos na pagpreserba sa mga labi at mga piraso ng ebidensya. Pagkatapos din ng masaker, nagpakawala ng maraming trolls ang AFP at NTF-ELCAC upang siraan at insultuhin ang mga biktima at kanilang pamilya't kaibigan.

Malaking panganib para sa lahat ng kabataan at estudyante ang nagpapatuloy na kultura ng dahas at kawalang-pananagutan. Nararapat lang para magkaisa ang mga kabataan sa panawagang hustisya at labanan ang panunupil ng estado sa mga mamamayang kritikal.

Nitong Martes, May 19,. makilahok sa candle lighting protest sa Quezon Hall, UPD. Hustisya para sa mga martir ng sambayanan!




Mismong mga residente ng Toboso na ang nagpatunay na hindi armado sina Alyssa, Errol, Mau, RJ, Lyle, at Kai. Bagkus ay n...
16/05/2026

Mismong mga residente ng Toboso na ang nagpatunay na hindi armado sina Alyssa, Errol, Mau, RJ, Lyle, at Kai. Bagkus ay nakikiisa pa sila sa ligal na laban ng mga magsasaka para sa land reform habang nakikipamuhay sa kanila at nakikilahok sa gawaing-bukid.

Samantala, inirereklamo naman ng mga residente ang tuloy-tuloy na harrasment ng 79th Infantry Battalion ng AFP mula pa noong 2025. Nararapat lang na managot ang berdugong militar at ang promotor nitong Marcos-Duterte regime. Hustisya sa mga martir ng sambayanan! Itigil ang militarisasyon sa Negros!


PRESS RELEASE
National Fact-Finding and Solidarity Mission
Toboso, Negros Occidental
15 May 2026

๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜-๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐˜€ ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—บ๐˜€, ๐—ข๐—ป๐—ด๐—ผ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—›๐—Ÿ ๐—ฉ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐—ผ

A national fact-finding and solidarity mission (NFSM) composed of more than a hundred human rights workers, Makabayan lawmakers, activists, church workers, youth leaders, and journalists found the Philippine military liable for terrorizing farming communities in Negros Occidental following the bloody massacre in Toboso on April 19.

The mission confirms, through witness testimonies, that six of the massacre victims were known civilians, including peasant advocates and peasant organizers, directly contradicting the militaryโ€™s narrative that all those killed were combatants.

Through documented eyewitness testimonies, the mission further confirmed that soldiers committed multiple violations against civilians, including the forcible use of civilian homes as military encampment, harassment and intimidation of residents in the name of counter-insurgency operations, restriction on farming activities, indiscriminate firing near homes, illegal detention, and even the alleged use of a farmer as a human shield.

Members of the mission themselves experienced various forms of harassment during the conduct of the investigation. Delegates reported being tailed by a suspicious individual on a motorcycle who was seen taking photographs of the convoyโ€™s vehicles. During a courtesy call at the Barangay Hall of Barangay Salamanca, around five unidentified individuals were also observed openly photographing the delegates, raising serious concerns over surveillance and intimidation aimed at obstructing independent human rights documentation efforts. Residents likewise reported the presence of the 79th Infantry Battalion of the Philippine Army in the area days prior to the mission.

Meanwhile, Sadie Stone, an American pastor and member of the International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), was disallowed entry in the Philippines for being blacklisted allegedly for participating in โ€œpolitical activitiesโ€ in 2016. Stone was supposed to join the National Fact-Finding and Solidarity Mission.

The mission strongly condemns these deplorable acts, alongside the militaryโ€™s continued denial of massacring non-combatants. Acts that terrorize and endanger civilians constitute grave violations of international humanitarian law, including the Geneva Conventions.

The mission calls for accountability from the AFP, an end to the militarization in Negros, and justice for all victims in the Negros 19 massacre.

Ngayong araw, hustisya at agarang imbestigasyon ang pinanawagan ng pamilya at mga kaibigan ni Alyssa Alano, kaisa ang mg...
09/05/2026

Ngayong araw, hustisya at agarang imbestigasyon ang pinanawagan ng pamilya at mga kaibigan ni Alyssa Alano, kaisa ang mga progresibong organisasyon ng mga kabataan sa Marikina. Nakiisa rin si SK Fortune Chairperson Cedie Balagasay.

Sa programa na ginawa malapit sa sintang paaralan ni Alyssa na St. Scholastica Academy of Marikina, dumagundong ang pagkundena sa madugong operasyon ng AFP na pumatay sa 9 na sibilyan sa Toboso, Negros Occidental. Iginiit dito ang pagpapairal sa International Humanitarian Law at pagprotekta sa buhay ng mga sibilyang non-combatant.

Binigyang-linaw din sa programa ang karimarimarim na kalagayan ng Negros Island, "sugar bowl" ng bansa at pangatlo sa pinakamahirap na rehiyon, at ang malagim na militarisasyon na isinasapanganib ang buhay ng mga magsasaka at ng mga aktibistang nakikiisa at nakikipamuhay sa kanila. Nanindigan ang mga kabataang Marikeรฑo na hindi krimen ang pakikiisa sa mga magsasaka at pagsisiyasat sa mga batayang problema nila.

Kahapon lamang, inilantad ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang mga nakakaalarmang detalye mula sa mga naging autopsy. Kabilang dito ang malinaw na mishandling ng mga bangkay sa kamay ng AFP, pagtatapon nila sa mga susing piraso ng ebidensya tulad ng damit, at pagbigay ng maling bangkay sa pamilya ng biktimang si Errol Wendel.

Mga kuha ni Hans Albert Calub ng Trinity Observer



KIKAY, LIDER-ESTUDYANTE, BAYANI, MARTIR NG SAMBAYANANBumuhos ang pakikiramay at parangal para kay Alyssa Alano, isa sa 1...
07/05/2026

KIKAY, LIDER-ESTUDYANTE, BAYANI, MARTIR NG SAMBAYANAN

Bumuhos ang pakikiramay at parangal para kay Alyssa Alano, isa sa 19 na minasaker ng Armed Forces of the Philippines sa Toboso, Negros Occidental. Bagaman wala pang natatapos na pormal na imbestigasyon, at sa kabila ng kaduda-dudang mga salaysay ng militar na may bahid ng taktikang tanim-ebidensya, mabilis na pinaratangang โ€œNPA combatantโ€ si Alyssa at ang 18 na kasama niya. Tulad sa mga nakaraang masaker sa Negros, nananaig sa militar ang pag-iisip na โ€œshoot now, ask questions later.โ€ Ang pasismo at kawalang-katarungang ito ang matagal nang salot sa mga sakahan ng militarisadong Negros.

Patpatin at nakasalamin, ang tanging armas na tinanganan ni Alyssa ay ang kaniyang talino at talas ng paninindigan. Bilang mag-aaral, siniyasat ni Alyssa ang mga batayang suliranin ng mga maralitang Negrense: kawalan ng tunay na reporma sa lupa, โ€˜di patas na sahod para sa mga manggagawang-bukid, kriminal na pandaraya sa pagpapautang at hatian sa ani, at nagpapatuloy na monopolisasyon ng mga higanteng hasyenda. Ang mga ito ang ugat ng kahirapang nagpaantig sa damdamin ni Alyssa. Ito ang nagdala sa kanya sa Negros upang higit na siyasatin ang tunay na kalagayan doon. Hunghang si Marcos Jr. para sabihing โ€œjob well doneโ€ ang brutal na pagpatay ng AFP kay Alyssa, na hindi nag-atubiling gawin ang trabaho na dapat na isinasakatuparan ng gobyerno. Hindi si Alyssa kundi ang AFP na nagsisilbing goons ng mga panginoong maylupa ang tunay na terorista.

Sa kabila ng nagdadagsaang bayarang trolls na sinisiraan si Alyssa, bumaha ng parangal at panawagan para sa hustisya โ€˜di lang online kundi pati na rin sa mga lansangan at ang mga pasilyo ng UP Diliman kung saan nag-aral si Alyssa. Walang binatbat ang milyon-milyong pondong pampropaganda sa simpatiya ng mga estudyanteng pinagsilbihan ni Alyssa bilang councilor sa University Student Council, mga tsuper ng dyip na sinamahan niya sa gitna ng krisis ng langis at panganib ng pekeng modernisasyon, at mga magsasaka mula Tarlac hanggang Negros na dinamayan niya sa kabila ng komportableng buhay na meron siya sa syudad.

Tubong Marikina at produkto ng St. Scholastica's Academy of Marikina, si Alyssa ay pumasok sa Sikhay Liwasang Kalayaan bilang organisador para sa karapatang pang-akademiko at higit na pakikialam ng mga estudyante sa mga isyung panlipunan. Matapos maging volunteer para sa mga progresibong kandidato noong 2022 halalan, dinala niya ang sigla at tapang ng kabataan mula eleksyon patungong lansangan. Sa gitna ng girian ng mga Marcos at Duterte, isinulong niya ang tunay na unity ng sambayanan laban sa mga pahirap na polisiya ng administrasyon, lantarang pangungurakot, pagkiling sa interes ng malalaking korporasyon, pagsirit ng presyo ng langis at mga bilihin, at pagyurak sa karapatang pantao. Mula sa pagkonsulta sa mga tsuper ng dyip, pagsilbi sa konseho ng mga mag-aaral, pag room-to-room at pag-alam sa mga problema ng kapwa estudyante, hanggang sa pakikipamuhay sa mga magsasaka para damhin ang hirap na nadarama nila, bitbit ni Alyssa ang politika ng pag-asa at pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan. Nararapat lang na panagutin ang AFP at ang administrasyong Marcos-Duterte sa ginawa nilang pagkitil sa pag-asa ng bayan at paghahasik ng takot, bomba, at bala sa kanayunan.

Kung makatarungan at mapagmalasakit lang ang lipunan natin, hindi sana pinapatay ang mga katulad ni Alyssa. Hamon ngayon sa mga kabataan at estudyante na ipagpatuloy ang laban ni Alyssa para sa Pambansang Demokrasya at pagbabago ng lipunan. Tumungo sa kanayunan at pag-aralan ang lipunan!

๐—›๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—น๐˜†๐˜€๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ! ๐—›๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿต!
๐— ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก!
๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก!



Address

Marikina City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sikhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sikhay:

Share