Brgy. IVC - Serbisyong Tapat

Brgy. IVC - Serbisyong Tapat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. IVC - Serbisyong Tapat, Non-Governmental Organization (NGO), Marikina City.

🩡🩡🩡
31/12/2023

🩡🩡🩡

READ: Official Statement of Kabataang IVC on the remarks of being a "KULTO" Youth Organization

Ang pahayag ng isang Opisyal na Halal na Kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) na nagsasabing ang Kabataang IVC ay isang kulto sa social media ay lubos na di-akma.

Ang Kabataang IVC ay isang grupo ng mga organisasyon sa ating komunidad na naglalayong magbigay ng mga serbisyong pangkabataan para sa buong Barangay IVC.

Ang pahayag na ito ay walang batayan at hindi sumasalamin sa layunin at adhikain ng aming samahan.

Ang paggamit ng salitang "kulto" ay isang seryosong bagay at maaaring magdulot ng negatibong impluwensya sa imahe ng isang organisasyon o grupo. Ito ay nagbibigay ng negatibong konotasyon na maaaring maging sanhi ng maling pang-unawa o stigmatization. Hindi angkop na kami ay ituring na "kulto," lalo na't walang sapat na batayan o ebidensya na nagpapatunay sa ganitong pahayag. Ang aming hangarin ay mapabuti ang kalagayan ng kabataan sa komunidad.

Ang Kabataang IVC ay may layuning magtaguyod ng positibong pagbabago at maglunsad ng mga programa para sa lahat ng kabataan may pondo man o wala.

Sa pagtatapos ng 2023, ang Kabataang IVC ay buong pusong nagpapasalamat sa suporta ng aming komunidad. Sa pagpasok ng 2024, patuloy kaming magsisilbi at magtataguyod ng pantay-pantay na pagtingin at magbibigay ng mga programa para sa lahat ng kabataan sa Barangay IVC.

Ipinapangako namin ang isang taon ng pagtatrabaho nang maayos at mapayapa para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating mahal na barangay IVC.

Maraming salamat sa tiwala at pagkakaisa.

Happy New Year, Barangay IVC!

Taos pusong pasasalamat sa aming mga volunteers at taga-suporta na naglaan ng lakas at oras upang irehistro ang ating pl...
28/10/2023

Taos pusong pasasalamat sa aming mga volunteers at taga-suporta na naglaan ng lakas at oras upang irehistro ang ating plataporma ng TAPAT na SERBISYO at PAMAMAHALA πŸ’―πŸ‘

Hindi rito nagtatapos ang ating kampanya. Kapit-bisig pa rin tayo kasama ang buong komunidad ng Brgy. IVC πŸ‘πŸ‘


BUONG LAKAS NA IPANALO ANG SERBISYONG TAPAT SA BRGY. IVC! Tinatapos natin ang sampung araw na kampanya na may mataas na ...
28/10/2023

BUONG LAKAS NA IPANALO ANG SERBISYONG TAPAT SA BRGY. IVC!

Tinatapos natin ang sampung araw na kampanya na may mataas na tiwala at malaking pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa at πŸ’™πŸ’™πŸ’™

Ipanalo natin ang serbisyong tapat at serbisyong abot para sa mamamayan ng Brgy. IVC! Bumoto at bantayan ang boto sa Oct. 30!

Teacher Libby Dipon para Kapitana!
at para sa Barangay Kagawad:
Joy Ann Bragas
Nino Cruz
Michael de Venecia
Larry Uro Evangelista
Cham Sandow
W***y Songcuan
Zia Mae Zausa!!

Reyniel Abrot para SK Chairperson! at para sa SK kagawad:
FJ Danao
Vincent Daruca
Lian Evangelista
Joy Gallo
DM Punzalan
Hermie Salaver
Noelle Tupas!!
πŸ’™πŸ’™πŸ’™

Huling araw ng kampanya, pero hindi rito titigil ang ating pag-abot sa buong komunidad ng Brgy. IVC! βœŠπŸ»πŸ’―πŸ‘Serbisyong TAPA...
28/10/2023

Huling araw ng kampanya, pero hindi rito titigil ang ating pag-abot sa buong komunidad ng Brgy. IVC! βœŠπŸ»πŸ’―πŸ‘

Serbisyong TAPAT, Tandaan itong APAT:
β˜‘οΈ KABUHAYAN
β˜‘οΈ KALUSUGAN
β˜‘οΈ KARUNUNGAN
β˜‘οΈ KATAPATAN

Mabuhay ang Barangay IVC!πŸ‘πŸ‘πŸ‘

ITODO NA NATIN BRGY IVC PARA SA TEAM ABROT AT TEAM LIBBY!! Sa huling araw ng kampanya ngayong araw, sama-sama nating ipa...
28/10/2023

ITODO NA NATIN BRGY IVC PARA SA TEAM ABROT AT TEAM LIBBY!!

Sa huling araw ng kampanya ngayong araw, sama-sama nating ipaabot sa lahat ng taga-IVC ang mensahe ng pag-asa. Tatapusin na natin ang lumang mga kalakaran, kakamtin ang pagbabagong ating inaasam!

Teacher Libby Dipon para Kapitana kasama ang kanyang mga kagawad para sa !

Reyniel Abrot para SK Chairperson kasama ang kanyang mga SK kagawad para sa !

πŸ’™πŸ’™πŸ’™

KAGABI: Sa pangunguna ni Teacher Libby Dipon, inilatag ng   at   sa ating mga ka-barangay sa Petunia Ext. St. at Gumamel...
27/10/2023

KAGABI: Sa pangunguna ni Teacher Libby Dipon, inilatag ng at sa ating mga ka-barangay sa Petunia Ext. St. at Gumamela St. ang plataporma at programang tunay na mag-aangat sa Barangay IVC!

Lumalakas ang sigaw para sa serbisyong tapat na aabot sa malawak na hanay ng mga taga-IVC! Tapusin na natin ang panahon ng kalawanging kalakaran! Kolektibo at makabagong pamumuno at paglilingkod na may puso naman!


Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. IVC - Serbisyong Tapat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share