11/06/2026
Para sa mga Bata ng Tumana-
Sa pinakamalaking barangay sa Marikina. Brgy. Tumana - wala pa rin tayong sariling paaralan.
Araw-araw, naglalakad ng malayo ang mga bata. Umuulan, bumabaha, pero tuloy pa rin sila.
Hindi para sa kanila ang "mamaya na" o "ibang kulay ka".
Mga Konsehal ng Lungsod, itigil muna ang politika.
Isang boto lang. Isang desisyon lang. Isang paaralan para sa libo-libong pangarap.
Hindi ito proyekto ng iisa. Regalo ito ng buong Marikina para sa kinabukasan ng mga anak natin.
City Council, ang boto nyo ngayon, magiging silid-aralan bukas.
Cong. Miro Quimbo, kayo ang susi. Hindi kayo magkakalaban dito. Magkakampi kayo - kampi sa mga bata ng Tumana.
ISANG PAARALAN. ISANG BOTO. ISANG MARIKINA.
Pag para sa bata, lahat tayo panalo.
Cong. Miro Quimbo, Brgy. Tumana ay handang tumulong. Sama-sama tayo.