13/01/2025
Isang malugod at mainit na pagbati at pagtanggap bilang bisita ng kapulungan ng Maranatha Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pangunguna ni Pastora Nathy Tabino sa Barangay Fortune, Lungsod ng Marikina kahapon, Enero 12, 2025, ang sumalubong sa ating aspirante sa pagka-Kinatawan para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Ikalawang Distrito ng Marikina, Cong. Mauro dela Rosa Arce.
Sa kanyang pagdalo ay malinaw na naipahayag ni Cong. ang kanyang pagmamahal sa Diyos at malasakit sa mga kapwa Marikenyo, na kung papalarin o loloobin ng Diyos na manalo sa darating na eleksyon sa 2025 ay paglilingkuran ang distrito ng may pagpapasakop sa Diyos at maituwid ang mga maling sistema ng politiko o pulitika sa bansa at sa Marikina. Sa kanyang pananalita, binanggit nya na dapat ay mailuklok ang mga maglilingkod sa bayan o lungsod na hindi dapat dinidiyos ang pera kundi pangunahin ay maiangat ang kalagayan ng mga Marikenyo, mabigyan ng disenteng trabaho o kabuhayan upang hindi na kailangang umasa pa sa ayuda.
At sana lang, mangyari nawa ang mabuting hangarin ni Cong. Ma-Mau para sa Marikina, maging sa buong bansa!
Kay Ma-Mau, may Asenso dahil Marikenyo at Mamamayan Ang Una!