13/08/2026
Happy International Youth Day! ๐
โFrom 2016 until today, we continue to serve, grow, and make a difference togetherโ
Ang Molave Youth Organization (MYO) ay nabuo mula sa isang simpleng hangarin: makatulong, makapaglingkod, at maging bahagi ng pagbabago.
Wala man kaming maraming resources noon, mayroon kaming oras na handang ialay, pusong handang tumulong, at mga kamay na handang kumilos. At mula roon, nabuo ang isang kwentong puno ng pagkakaibigan, pagtutulungan, at mga pagkakataong makagawa ng mabuti.
Sa paglipas ng mga taon, mas marami pang kabataan ang aming nakasama. Bawat isa ay may dalang bagong ideya, talento, enerhiya, at pangarap - at sama-sama naming ginawang mga pagkakataon ang mga ito upang makatulong at makapagbigay.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง, ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐ข๐ , ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ, ๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ.
Ngayong International Youth Day 2026, ipinagdiriwang namin ang saya ng pagiging kabataan, ang mangarap, matuto, magkaroon ng mga kaibigang kasama sa paglalakbay, at magkaroon ng pagkakataong gumawa ng mabuti.
At ang kwento ng MYO ay patuloy na isinusulat kasama ang bawat kabataang naniniwala na may magandang bagay na maaaring magsimula sa kanilang mga kamay. ๐ฑ