10/10/2026
Patuloy po tayo sa pagpapalaganap ng kamalayan sa wasto at responsableng pag-aalaga ng hayop sa ating mga kumunidad. Naisip natin na gamiting instrumento ang mga boses ng mga batang mag-aaral mula sa Fortune Elementary School upang makahikayat sa lahat na maging responsible pet owners at bantayan ang kaligtasan ng mga hayop laban sa pang-aabuso.
Pinangunahan ni dating Punong Barangay Rizalina Watson Teope bilang focal person ng BAWO at isa ding pet owner ang mga aktibidad sa buong linggo ng pagdiriwang.
Napakahusay ng talento ng mga kalahok sa Monologue Contest at epektibo nilang naitawid ang mahalagang mensahe.
Sama-sama at tulong-tulong po tayo, itampok ang Barangay Fortune bilang isang Animal Friendly Barangay!
Hindi po sa huling araw ng World Animal Week natatapos ang ating adbokasiya. Gawin natin ito sa lahat ng araw, saan mang lugar.
Congratulations Brgy. Fortune Animal Welfare Office !! Salamat sa suporta, Kap. Rafael KaPaeng Teope at ika-6 na konseho!