06/05/2026
Mula sa simpleng pamumuhay, kilala namin si Ester bilang masipag na nagtitinda ng candy at namumulot ng mga kalakal upang maitawid ang araw-araw na buhay. Sa gitna ng hirap, nanatili siyang mapagpakumbaba, mabait, at may ngiti pa ring naibabahagi sa mga taong nakakasalamuha niya. Noong panahon ng pandemya, isa siya sa mga regular naming binabahagian ng kaunting tulong at biyaya, ngunit higit pa roon, siya rin ay naging paalala sa amin ng tibay, sipag, at pag-asa sa gitna ng pagsubok.
Hindi man marangya ang kanyang buhay, tunay namang marangal ang paraan ng kanyang pamumuhay. Ang alaala ni Ester ay mananatili sa puso ng mga taong nakakilala at nakaalala sa kanyang kabutihan at simpleng pamumuhay.
Paalam, Ester. Nawaโy matagpuan mo na ang kapayapaan at pahinga sa piling ng Maykapal. ๐ค
P.S. Ngayong gabi na po ang huling lamay ni Ester. Sa mga may bukas na puso at nais magbahagi ng kahit kaunting halaga para sa kanyang mga naiwan, malaking tulong na po ito para sa pamilya.
GCash: 09184412358 (Ronnel O.)