05/09/2025
Gitnang Luzon, namayagpag sa NEAA (Heart Category) sa 72nd 4-H National Farm Youth Convention!
Nagkamit ng 2nd place ang entry ng Gitnang Luzon sa National Excellent Achievers Award (NEAA) - Heart Category sa kamakailang ginanap na 72nd 4-H National Farm Youth Convention noong Setyembre 3-5, 2025 na ginanap sa Camp Benjamin, Alfonso, Cavite. Ang nagrepresenta sa Gitnang Luzon sa naturang kompetisyon ay si Engr. Robert Obiano, Regional Federation President, at President ng 4-H Club Maria Aurora, Aurora.
Naging finalists naman ang mga nagrepresenta ng Gitnang Luzon sa mga sumusunod na kompetisyon:
✔️NEAA Health Category - Romnick G. Ruiz (Bataan)
✔️NEAA Head Category - Rocell Anne M. Yaquin at Ron Xavier O. Lumansac (Aurora)
✔️4-H Promotional Video Making Contest - Johmelynne L. Valdez, John Joseph G. Crisanto, at Roggie Mar P. De Leon (Aurora)
✔️Most Outstanding 4-H Member - Richard D. Calidro (Aurora)
✔️4-H Tinig ng Kabataan - Pheobe Eunice Mirabel (Zambales)
Lubos ang pasasalamat ng sa patuloy na suporta ng mga katuwang na ahensya sa Gitnang Luzon lalo na ang Provincial Government Offices, Provincial Agriculture Offices, Municipal Agriculture Offices, Bulacan Agricultural State College, mga 4-H coordinators, Federation of Volunteer Leaders of the Philippines (FVLP), at sa lahat ng naniniwala sa kakayahan at patuloy na pinapaigting ang mga talento at pangarap ng mga kabataang 4-H sa Gitnang Luzon.
Para sa karagdagang imporasyon, bisitahin lamang ang ati2.da.gov.ph/ati-3/