07/09/2025
๐ ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐ฅ. ๐ฆ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ . ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ข ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ฅ๐ข๐๐-๐ข๐จ๐ง ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฃ (๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป ๐๐ ๐ฃ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐๐ถ๐น๐ฑ๐ฒ๐ฟ)
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Isang mapagpala at MAPAYAPANG araw sa ating lahat-- sa ating mga kagalang-galang na kasamahan mula sa World Vision, sa mga masisipag na opisyal ng ating Dibisyon, Distrito, at mga Paaralan, at sa bawat isa na narito ngayon.
Isang malaking karangalan ang makapgsalita sa makabuluhang pagkakataong ito, habang ating sinisimulan ang isang mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan--ang pagsasanay na ito na pinamagatang โEmpowering Children as Peacebuilders.โ
Ang KAPAYAPAAN ay hindi lamang kawalan ng digmaan o alitan. Ito ay isang pamamaraan ng pamumuhay. Isa itong halaga na nakaugat sa ating pananampalataya, kultura, at tungkulin bilang mga tagapagturo ng kabutihan, kaalaman, at kapayapaan.
Sa Banal na Qur-an, malinaw ang tagubilin ng Allah (SWT) tungkol sa kapayapaan at pagkakasundo:
Surah Al-Hujurat (Kabanata 49), Talata 10:
Bismillahir Rahmanir Rahim.โ ๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐. ๐ผ๐ฎ๐โ๐ฉ ๐ฅ๐๐-๐๐ฎ๐ช๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ผ๐ก๐ก๐๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐๐ฎ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ.โ
โ๐๐ฃ๐ฃ๐๐ข๐๐ก ๐ข๐ชโ๐ข๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐ช๐ฃ ๐๐-๐๐จ๐ก๐๐๐ช ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐ ๐ช๐ข, ๐ฌ๐๐ฉ๐ฉ๐๐ฆ๐ช๐ก๐ก๐๐๐๐ ๐ก๐โ๐๐ก๐ก๐๐ ๐ช๐ข ๐ฉ๐ช๐ง๐๐๐ข๐ค๐ค๐ฃโAng talatang ito ay nagsisilbing gabay hindi lamang sa personal nating pamumuhay, kundi pati na rin sa ating pagkakaisa sa ating kumunidad.
Pananagutan nating ituro ang KAPAYAPAAN sa kabataan bilang mga g**o, tagapamahala, at mga magulang, at mga opisyal ng mga paaralan, hindi lamang kaalaman ang ating itinuturo sa mga bata. Tungkulin nating hubugin ang kanilang pagkatao--upang sila ay lumaking may malasakit, may respeto, at may kakayahang mamuhay ng mapayapa at magkasundo.
Sa ating Meranaw na kultura, alam nating hindi madali ang mga sugat na dulot ng rido o mga alitang pampamilya. Ngunit alam din natin na may malalim tayong tradisyon ng โkandoriโ o pagkakasundo, pakikipag-usap, at paggalang sa isaโt isa.
Ngayon, panahon na upang ipamana natin sa kabataan ang mga halagang ito. Mula sa murang edad, dapat nating turuan ang ating mga mag-aaral kung paano makipagkasundo sa halip na maipagtalo, making sa halip na maghusga, at magpatawad sa halip na magkimkim ng galit.
Papel ng Paaralan at Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Kapayapaan..
Ang pagsasanay na ito ay hindi lamang aktibidad. Isa itong panawagan โ sa ating lahat โ na maging instrument ng kapayapaan. Sa tulong ng World Vision, binibigyan natin ang ating mga estudyante ng kakayahan upang maging โAmbassadors of Peaceโ, hindi lamang sa kanilang mga tahanan, kundi sa buong komunidad.
Sa ating mga g**o at punong-g**o โ kayo ang nasa unahan ng laban na ito. Hindi madali ang landas, ngunit napakahalag ng inyong papel sa paghubog ng isang henerasyong mas mapayapa at mas maunawain.
At sa World Vision Philippines โ maraming Salamat po sa pakikipag-isa sa amin. Nawaโy magpatuloy ang ating pagtutulongan para sa kapakanan ng ating mga kabataan at ng hinaharap ng ating mga pamayanan.
Magtulungan tayong itanim ang binhi ng kapayapaan sa puso ng bawat bata. At sa tulong ng Allah (SWT), ang mga binhing ito ay tutubo at mamumunga โ magbibigay ng lilim at pag-asa sa mga susunod na henerasyon.
Buong puso ko kayong pinapatuloy sa programang ito. Mulim maraming Salamat po.
Nawaโy pagpalain tayo ng Allah ng habag, pagkakaisa, at tunay na kapayapaan.
Wassalamu alaikom warahmatullahi wabarakatu.