21/05/2026
Mag-aanim na buwan na ang aking MCB clarificatory case dahil naisama ito sa “conflict of structure.” Ang problema, hindi naman namin kilala ang kabilang panig na sinasabing ka-conflict namin. Hindi rin sila sumasagot sa contact number na ibinigay nila sa MCB. Ayon sa MCB, naipahayag o naipaanunsyo na raw ito, ngunit hanggang kailan po ba ako maghihintay?
Sa ganitong katagal na proseso, sana ay magkaroon na ng aksyon ang MCB. Kung hindi nagpaparamdam o hindi nakikipag-coordinate ang kabilang panig, marapat lamang na ma-review nang mabuti ang kanilang claim at kung kinakailangan ay alisin o i-disqualify sila. Posible rin na wala talaga silang karapatan sa claim at umaasa lamang na makalusot sa proseso.
Nakakaawa ang tunay na claimant na matagal naghihintay dahil sa ganitong sitwasyon. Sana noong una pa lamang ay masusing na-verify at na-scrutinize na ang mga dokumentong isinumite. Ang pagkakaalam ko, dokumento at legal na basehan ang dapat pinagbabatayan ng MCB. Kaya nakakadismaya na napakabagal ng pag-aksyon sa ganitong usapin.