06/05/2026
Unang Committee Hearing ng panukalang lokal na ordinansa ng SK Federation Mapandan na pinangunahan ni SK Federated President John Manuel V. Landingin, kasama ang mga SK Chairperson mula sa iba’t ibang barangay, isinagawa ngayong May 6, 2026 sa Sangguniang Bayan Hall, Mapandan, Pangasinan sa presensya ng Mapandan Municipal Councilors; Local Youth Development Officer, Liezl De Vera; Budget Office Representative, Kemz Balbin; at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer, Maian Jen Arguelles.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagbuo ng ordinansang may pamagat na “An Ordinance Strengthening Youth Participation and Representation in Local Disaster Risk Reduction and Management in the Municipality, Establishing Barangay Youth DRRM Committees (BYDRRMCs), and For Other Purposes.”
Layunin nitong higit na mapalakas ang partisipasyon ng kabataan sa mga usaping pangkalamidad at matiyak ang aktibong papel ng bawat barangay sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna.