Project Jasmine

Project Jasmine Project Jasmine is a non-profit organization that aims to reach out to young Mangyan kids in the mountains of Mansalay Oriental Mindoro.

Sampung metrong konkretong kalsada na sa Sitio Mahilig ang 20 sakong semento na ating ipinadala noong Enero. Muli po ang...
20/03/2026

Sampung metrong konkretong kalsada na sa Sitio Mahilig ang 20 sakong semento na ating ipinadala noong Enero. Muli po ang aming taos pusong pasasalamat sa ating mga volunteers and sponsors sa pagtupad sa munting hiling ng Sitio Mahilig. ❤

Maraming salamat po sa mga gurangon ng Sitio Mahilig sa paggawa ng kalsadang ito. ❤

Next project: Pagsasaayos ng mga tangke ng tubig sa Sitio Lucban.

Mangyaring magpadala ng mensahe sa amin. 🥰

NAPUSUAN NA ANG LUCBAN Bulakak at tsokolate ang karaniwang  simbolo ng pagmamahal tuwing Araw ng mga Puso. Dito sa Lucba...
17/02/2026

NAPUSUAN NA ANG LUCBAN

Bulakak at tsokolate ang karaniwang simbolo ng pagmamahal tuwing Araw ng mga Puso.
Dito sa Lucban, berdeng bag na may lamang mga pagkain, damit at mga personal na gamit kasama ng mainit na sopas at pancit at mga laruan ang higit na nagpaalab ng malasakit mula mga anak hanggang mga gurangon.
89 pamilya ang nakatanggap ng supplies at humigit kumulang 300 ang 2 beses naming nakasalo sa pagkain

Maraming salamat Sitio Lucban sa pagtanggap at pagpapatuloy sa Project Jasmine at sa mga aral at karanasang aming nakuha mula sa inyo.

Thank you volunteers, dearest sponsors, Sierra Pharmaceutical and Fruits of Change Foundation for your generosity and love with no boundaries.

Thank you Lord for providing everything we need for the project mula sa plano, event at paguwi namin. Palambing po ulit sa May. 🥰

Samahan nyo po kaming muli ngayong Mayo sa isang sitio na hindi pa natin nabibisita. 🥰

SITIO LUCBAN
02|14-15|2026

MAGANDANG ARAW! Ngayon darating na araw ng mga Puso, ika-14 hanggang ika-15 ng Pebrero, samahan ninyo kaming ipagdiwang ...
30/01/2026

MAGANDANG ARAW!

Ngayon darating na araw ng mga Puso, ika-14 hanggang ika-15 ng Pebrero, samahan ninyo kaming ipagdiwang ang Valentine's Day sa tahanan ng ating mga kapatid na Mangyan, sa Sitio Lucban.

Hindi sa ganitong klaseng pagdiriwang tayo ikinahon ng lipunan. Subalit, saan nga ba tumitingin ang puso, may eksaktong mukha nga ba ang pag-ibig? Kaya naman samahan ninyo kaming magmahal, muli natin silang bisitahin.

Kagaya ng mga nakalipas, magkakaroon muli tayo ng feeding program, mga palaro sa mga kabataan, at pagbibigay ng ilang mga pangunahin nilang pangangailangan.

Kung nais, tumatanggap ang Project Jasmine, ng mga donasyon kagaya ng mga de lata (Sardines), tinapay, mga laruan, at mga damit. Maaari rin i-scan ang QR Code sa mga nais magpadala ng karagdagang tulong pinansyal.

MARAMING SALAMAT! MAGKITA-KITA TAYONG MULI!

Hindi natapos sa isang araw ng kasiyahan at piging ang pagmamahal para sa Sitio Mahilig. 😍Ngayong araw ay matagumpay na ...
19/01/2026

Hindi natapos sa isang araw ng kasiyahan at piging ang pagmamahal para sa Sitio Mahilig. 😍

Ngayong araw ay matagumpay na nakarating sa sitio ang 20 sako ng semento na pabulong na hiniling s amin noong kami ay magdaos ng pakain sa sitio.

Madudugtungan na ang sementadong kalsada papunta sa komunidad na inaasahang magpapagaan sa gampanin ng mga gurangong nagbababa ng kalakal at mga batang nag-aaral sa Bait ES.

Masayang-masaya ang aming mga puso dahil sa unang pagkakataon ay nakapag hatid tayo ng proyektong may pangmatagalan at direktang epekto sa mga Katutubo.

Kahanga-hanga ang inisyatibo ng mga gurangon ng Mahilig sa pagpapaunlad ng kanilang sitio.

Patuloy po tayong mangangalap ng tulong at mga regalo para sa iba pang mga sitiong ating bibisitahin.

Salamat PJ volunteers and sponsors. 🥰

NAPAHILIG KAMI SA TARIK MO, SITIO MAHILIGWalang pinipiling panahon ang pag-abot sa mga Katutubo.Isang oras na pag-ahon m...
11/01/2026

NAPAHILIG KAMI SA TARIK MO, SITIO MAHILIG

Walang pinipiling panahon ang pag-abot sa mga Katutubo.

Isang oras na pag-ahon mula sa Bait ay aming natagpuan ang Sitio Mahilig. 89 na pamilya ang ating nakasama, napakain at naabutan ng mumunting mga regalo.

Tulad ng mga nakagawian sa mga naunang akyat, nagkaroon ng palaro, pakain at pamamahagi ng mga laruan, damit, bags, at ilang gamit sa bahay tulad ng net bags at bowls.

Lubos po ang pasasalamat ng Project Jasmine sa Sitio Mahilig sa pagtanggap sa atin at pakikilahok sa mga gawain.

Sa ating mga volunteers and sponsors, maraming salamat po sa puso at malasakit para sa mga Katutubong Mangyan ng Mansalay.

Muli po tayong magsasama ngayong Pebrero para sa munting piging sa kabundukan.

Hala! PUSUAN NA NATIN ANG LUCBAN ngayong Araw ng mga Puso! 🥰

Sitio Mahilig, Panaytayan
01|10|2026

PAGKAKAIBIGANMula sa magkakaibang bayan at larangan ngunit pinagbuklod ng iisang misyon, kilalanin ang PJ volunteers. ♥️...
11/01/2026

PAGKAKAIBIGAN

Mula sa magkakaibang bayan at larangan ngunit pinagbuklod ng iisang misyon, kilalanin ang PJ volunteers. ♥️

Sinubok man ng matarik at nakakahapong akyatin, hindi pa rin natinag ang pusong nais magserbisyo sa mga Katutubo ng Sitio Mahilig. Parang hindi napapagod, lahat ay may ambag sa gawain.

Maraming salamat volunteers sa inyong pakikiisa. Hanggang sa mas marami pang gapang, dulas, sakit ng katawan at pag- asa. ♥️

Sitio Mahilig, Panaytayan
01|10|2026

PAGBABAHAGIWala sa laki o halaga ng regalo ang pagbabahagi. Sa araw na ito'y nangibabaw ang pagbibigayan. Bata't matanda...
11/01/2026

PAGBABAHAGI

Wala sa laki o halaga ng regalo ang pagbabahagi. Sa araw na ito'y nangibabaw ang pagbibigayan. Bata't matanda, lahat ay may naiuwi. Maraming salamat po sa mga kaibigang nagkaloob ng mga regalo para sa Sitio Mahilig. Sana'y hindi po kayo magsawa. 🥰

Sitio Mahilig, Panaytayan
01|10|2026

LIMANG KAWANG SOPASSa likod ng bawat paghigop ng mainit na sabaw ng sopas ay ang mga taong naglaan ng oras, lakas at kak...
11/01/2026

LIMANG KAWANG SOPAS

Sa likod ng bawat paghigop ng mainit na sabaw ng sopas ay ang mga taong naglaan ng oras, lakas at kakayahan upang maihanda ang pinakamasarap na pananghalian noong araw na iyon.
Maraming salamat sa limang kawang sopas. 🥰

Sitio Mahilig, Panaytayan
01|10|2026

HAPAGHindi kalabisang pagsilbihan ng pananghalian ang ating mga kaibigang Katutubo sa Sitio Mahilig.Sa ilang mangkok na ...
11/01/2026

HAPAG

Hindi kalabisang pagsilbihan ng pananghalian ang ating mga kaibigang Katutubo sa Sitio Mahilig.
Sa ilang mangkok na sopas ay nanumbalik ang sigla at lakas matapos ang paglalaro.
Hindi bawal bumalik sa kaldero, lalong hindi bawal mag-uwi ng mainit na sopas sa kanilang mga tahanan. Nag-uumapaw ang hapag ng araw na ito.

Sitio Mahilig, Panaytayan
01|10|2026

Halos isang-daan at limampu ang kabuuang bilang ng mga katutubo ng Sitio Kiringin ang napangiti natin noong nakaraang sa...
19/05/2025

Halos isang-daan at limampu ang kabuuang bilang ng mga katutubo ng Sitio Kiringin ang napangiti natin noong nakaraang sabado. Pabago-bago man ang kalagayan ng panahon, hindi nito natinag ang kanilang kagalakan sa ating pagdating.

Katulad pa rin ng dati, nagkaroon tayo ng mga palaro sa mga kabataan, pakain at pamimigay ng mga donasyong damit para sa kanilang lahat. Hindi matawaran ang kanilang kasiyahan sa mga mumunting regalong kanilang natanggap.

Sa ating pagbisita, ramdam namin ang kanilang pagmamahal, dahil bukod sa kanilang mga ngiti, sinalubong din tayo ng mainit na nilagang balinghoy at kamote na sinamahan pa ng preskong sabaw ng murang buko na kanilang inihanda. Ibang klaseng pagmamahal na sabay-sabay naming binaon sa aming pagbaba.

Kaya sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon, nawa’y maabot at mabisita rin natin ang ilang mga sitio sa ating munisipalidad na hindi karaniwan sa atin, katulad ng Sitio Kiringin.

Muli, magkita-kita tayo sa susunod nating pag-akyat!

Address

Mansalay
5213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Jasmine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share