Lee Daep Atanante

Call Directions

Lee Daep Atanante Ang pag-unlad ng bayan ng Manito ay mag-sisimula sa simpleng pag-ABANTE.

Kanina ay naging matagumpay ang Committee Hearing na ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Manito para sa dalawang ordinans...
18/09/2026

Kanina ay naging matagumpay ang Committee Hearing na ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Manito para sa dalawang ordinansang aking isinulat at ipinasa sa Sangguniang Barangay ng Brgy. It-Ba.

πŸ“Œ Buy Local First Ordinance of Brgy. It-Ba
Layunin nitong bigyang-prayoridad, alinsunod sa procurement law at Sagip Saka Act, ang pagkuha ng mga kinakailangang produkto, serbisyo, at kagamitan mula sa mga lokal na magsasaka, producers, at negosyo. Nawa’y magsilbi itong daan upang mas mapalakas ang lokal na ekonomiya at masuportahan ang mga sektor ng agrikultura at negosyo sa ating barangay.

πŸ“Œ Women’s Livelihood Empowerment of Barangay It-Ba Ordinance
Layunin naman nitong mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga kababaihan sa pamamagitan ng livelihood at skills development. Kasama rin dito ang pagsusulong ng mas makabuluhang partisipasyon ng kababaihan sa Barangay Development Council upang magkaroon sila ng boses sa pagbuo at pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kanilang sektor.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa Sangguniang Bayan ng Manito, lalo na kina Vice Mayor Jun Solinap, Kgwd. Mia Asejo, at Kgwd. Arly Guiriba, sa kanilang mga mungkahi, puna, at suporta upang higit pang mapabuti ang mga panukalang ito.

Ang pakikilahok ng kabataan ay hindi lamang nasusukat sa larangan ng laro at akademiko. Ang tunay na diwa ng youth participation ay ang pagkakaroon ng boses at pakikilahok sa paghubog ng mga polisiyang makatutulong sa ating komunidad.

15/08/2026

ABANTE IT-BA: Takbo Para sa Kabataan - Linggo ng Kabataan Community Fun Run

Race Bib Claiming will start at 3:00 PM at Manito People’s Centrum please coordinate with SK Kagawad, Vincent Daen.

See you everyone!

OFFICIAL ROUTE IS HERE! πŸ—ΊοΈReady na ba ang lahat para sa Abante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan β€” Linggo ng Kabataan Commun...
12/08/2026

OFFICIAL ROUTE IS HERE! πŸ—ΊοΈ

Ready na ba ang lahat para sa Abante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan β€” Linggo ng Kabataan Community Fun Run! πŸ’™πŸ’›

Narito na ang opisyal na ruta ng ating fun run. Ihanda ang inyong sapatos, lakas, at good vibes dahil sabay-sabay tayong tatakbo para sa kalusugan, pagkakaisa, at kabataan ng Barangay It-Ba! πŸ’ͺπŸ”₯

Starting Point: Manito Peace Park
β€’ Turn Right at CCM passing Manito Central School
β€’ Turn Right entering Juan Luna Steet until Manito Municipal Hospital
β€’ From Manito Municipal Hospital going to poblacion
β€’ From end of Purok 1 head down to Buyo Bridge
β€’ Turn Right on Buyo Bridge D**e
β€’ U-turn at Aid Station located at D**e
End Point: Manito Peace Park

Registration is still open!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfXlHZRzpFvKyTXlHeAvYB8IV2xkFg4KJBfs5IV9GTo7jKGVQ/viewform?usp=dialog

πŸ“Œ Tingnan ang route map at pag-aralan ang dadaanan bago ang takbo!





Ngayong Linggo ng Kabataan, sama-sama tayong tumakbo, magsaya, at magdiwang sa β€œAbante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan – L...
11/08/2026

Ngayong Linggo ng Kabataan, sama-sama tayong tumakbo, magsaya, at magdiwang sa β€œAbante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan – Linggo ng Kabataan Community Fun Run”! πŸŽ‰

At oo, LIBRE ANG RACE BIB PARA SA LAHAT NG RUNNERS! 🎟️

πŸ… MEDALYA ANG NAKABABAY!
Ang Top 3 runners sa bawat kategorya ay tatanggap ng espesyal na medalya at pagkilala!

Mayroon din tayong mga SPECIAL AWARDS with cash prizes sponsored by Cong. Alfredo "Pido" Garbin! πŸ†
πŸ‘‘ Best in Costume – Male at Female Category
πŸ‘Ά Youngest Runner – Pinakabatang Runner
❀️ Young at Heart Runner – Pinakamatandang Runner
πŸ‘₯ Biggest Running Squad – Pinakamaraming miyembro ng isang grupo

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Register na!

Registration Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfXlHZRzpFvKyTXlHeAvYB8IV2xkFg4KJBfs5IV9GTo7jKGVQ/viewform?usp=dialog

Mag-isa man, kasama ang pamilya, barkada, organisasyon, o buong grupoβ€”may lugar ka sa ating pagtakbo! ❀️





Tara asin magdalagan! Aming inaanyayahan ang lahat na sumali sa "Abante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan" sa darating na Ag...
09/08/2026

Tara asin magdalagan!

Aming inaanyayahan ang lahat na sumali sa "Abante It-Ba: Takbo Para sa Kabataan" sa darating na Agosto 15, 2026. Ito ay bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan bilang isang Community Fun Run na bukas para sa lahat na edad!

Kailan: Agosto 15, 2026
Oras: 3:30 PM (Call Time) | 4:00 PM (Gun Start)
Kasuotan: Wear proper running attire or a fun and creative costume for a chance to win the Best Costume Award!
Saan: Manito Peace Park

Online Registration Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfXlHZRzpFvKyTXlHeAvYB8IV2xkFg4KJBfs5IV9GTo7jKGVQ/viewform?usp=dialog

Kita-kits! πŸ’šπŸ’›





06/03/2026

πŸ“£ CALL FOR APPLICANTS πŸ“£

15 SLOTS AVAILABLE!

Financial Assistance for LET Takers

The Sangguniang Kabataan of Barangay It-Ba proudly supports our future educators by providing Financial Assistance for graduates who will take the Licensure Examination for Professional Teachers (LET).

πŸ‘©β€πŸ« Number of Beneficiaries:
15 Qualified Applicants Only

Contact Person:
Mary Ann Marquez
SK Treasurer


12/02/2026

Naniniwala ako na ang edukasyon ay mahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating komunidad. Kaya naman, mula sa aking sariling bulsa, magbibigay ako ng buwanang academic allowance para sa limang (5) karapat-dapat na mag-aaral sa kolehiyo ng Barangay It-Ba. πŸ’›

LAYUNIN NG PROGRAMA:
1. Tumulong sa gastusing pang-akademiko ng mga mag-aaral.
2. Hikayatin ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga kabataang may pangangailangan.
3. Suportahan ang mga masisipag at responsableng estudyante ng barangay.

REQUIREMENTS:
1. Latest Report Card with lowest GWA of 1.75
2. Photocopy of School ID
3. Hand Written Letter of Intent with contact number.
4. Parents are minimum wage or below minimum wage earners.

Ang aplikante ay dadaan sa isang masusing screening at interview process. Ang mga requirements ay personal na isusumite sa Purok 3, It-Ba, Manito, Albay hanggang Pebrero 22, 2026.


28/01/2026
"Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin." - Jose Rizal, El Filibusterismo, Kab. 7Kaisa ang Sangguniang Kabataan n...
30/12/2025

"Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin." - Jose Rizal, El Filibusterismo, Kab. 7

Kaisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay It-ba sa paggunita at pag-alala sa buhay, mga akda, at sakripisyo ng ating Pambansang Bayani na gumising sa diwa ng pagka-Pilipino sa pamamagitan ng talino, panulat, at pagmamahal sa bayan.

Bilang mga mamamayan at lider ng makabagong panahon, nawa’y magsilbi ang kanyang buhay bilang paalala na ang paglilingkod sa bayan ay hindi lamang nasa salita, kundi sa gawa. Sa araw-araw na pagpili ng tama, makatarungan, at makabayan.


Wishing you a joyful and peaceful Christmas filled with love. May the season bring warmth to your heart and hope for the...
24/12/2025

Wishing you a joyful and peaceful Christmas filled with love. May the season bring warmth to your heart and hope for the year ahead. πŸ’š

Merry Christmas sa indo gabos! πŸŽ…πŸŽπŸŽ„


Address

Manito

Telephone

+639184305631

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lee Daep Atanante posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share