24/08/2026
RC Manila Bay's Theme Song
for RY 2026-2027
"HABANG PANAHON"
Lyrics: Ompong Remigio (RCMB)
Director: Bunny Vivero (RCMB)
Verse 1
Pag nagmahal ka, pang isang araw lang ba
Mahal mo siya ngayon, bukas hindi na
Pag-sinipag ka, mahaba nang isang oras
Tinatamad ka na magpa-hanggang bukas
Sa isang dalangin lang ba kuha na ang pangarap
Sa suwerte aasa, at hindi sa paghihirap.
Chorus
Habang panahon ang pagmamahal tumitibay
habang panahon laging may pagbibigay
Bukal sa puso, may kalinga kailanman
Dahil Rotary tayo, buo nating kalooban.
Verse 2
Mayroon bang pagbabago sa isang minuto
Mayroon bang pangako sa isang segundo
Ang pagtulong may saysay ba sa isang buga
May nagawa ka na ba, sa isang hinga
Pagdurusa ay nandiyan hindi lang ngayon
patuloy, walang tigil sa habang panahon.
Chorus
Habang panahon ang pagmamahal tumitibay
habang panahon laging may pagbibigay
Bukal sa puso, may kalinga kailanman
Dahil Rotary tayo, buo nating kalooban.
Bridge
Habang panahon dapat hindi kumukupas
Hindi abuloy kundi pagtaguyod na matikas
Pagtulong na hindi pa sumpong-sumpong
Nagpasaya ng buhay kahit palad gumulong.
Nagpagaan ng kalooban kahit bukas lumipas
Nagpaunlad ng bayan, katapatan ay likas
Dahil Rotary tayo tanggap ang paghamon
Kabutihan sa kapwa, pang-habang panahon.
Chorus
Habang panahon ang pagmamahal tumitibay
habang panahon laging may pagbibigay
Bukal sa puso, may kalinga kailanman
Dahil Rotary tayo, buo nating kalooban.