17/02/2026
Hindi lang love life ang dapat inaalagaan… pati heart life din! 😌
Sa dami ng nagpapabilis ng tibok ng puso tulad ni crush, ng exams, deadlines, at kape, siguraduhin natin na ang puso natin ay hindi lang kinakabahan, kundi malusog din. Hindi puwedeng “situationship” lang ang iniiwasan, pati hypertension din dapat! 😤
Ngayong Philippine Heart Month 2026, simpleng paalala:
Magpa-check ng BP, kumain ng tama, mag-exercise, at umiwas sa stress (oo, pati sa mga red flags 🚩).
Kasi ang puso, hindi napapalitan.
Alagaan mo ‘yan. Hindi lang para sa iba, kundi para sa sarili mo. ❤️