Film Workers Against Corruption

Film Workers Against Corruption It's a wrap, mga korap!

02/12/2025

Film Workers Against Corruption calls for fair labor practices and wages amidst widespread systemic corruption in government

30/11/2025
30/11/2025

Baklas na mula Luneta pa-Mendiola! 🎬✊🏽

30/11/2025

Ext. Liwasang Bonifacio - Day

Binasa ni Co-convenor Estela Paiso ang Unity Statement ng FWAC para sa Take 2! 🎬✊🏽

PACK UP MGA KORAP!Nagdaos ng press conference ang Film Workers Against Corruption (FWAC) kaninang umaga, Biyernes, Nobye...
28/11/2025

PACK UP MGA KORAP!

Nagdaos ng press conference ang Film Workers Against Corruption (FWAC) kaninang umaga, Biyernes, Nobyembre 28, upang ganap na ipakilala ang alyansa sa publiko at manawagan para sa maayos at makataong kalagayan sa trabaho. Kabilang dito ang kanilang tahasang pakikiisa sa laban kontra korapsyon at ang nalalapit na pagkilos ng alyansa sa Linggo, Nobyembre 30.

Basahin ang unity statement na inilahad ng alyansa sa naganap na press con 🎬

EXT. LUNETA - DAY. TAKE TWO!Mga kapwa film workers, ipakita ang ating pinagsama-samang lakas at muling bahain ang Luneta...
28/11/2025

EXT. LUNETA - DAY. TAKE TWO!

Mga kapwa film workers, ipakita ang ating pinagsama-samang lakas at muling bahain ang Luneta sa November 30 upang ipagsigawan ang ating matinding galit laban sa talamak na korapsyon!

Hindi tayo dapat manatiling extra sa korap na script ng abusadong sistema dahil ang ating karapatan at kaligtasan bilang mga manggagawa ang siyang tunay na bida!

At ang nararapat na ending?
PANAGUTIN LAHAT NG SANGKOT! PACK UP NA MGA KORAP!

Para sa mga interesadong sumama, magpadala ng message sa aming official pages 🎬

❗️MEDIA COVERAGE REQUESTED❗️Film Workers Against Corruption (FWAC) will hold a press conference to formally introduce th...
26/11/2025

❗️MEDIA COVERAGE REQUESTED❗️

Film Workers Against Corruption (FWAC) will hold a press conference to formally introduce the alliance and outline its participation in the November 30 anti-corruption rally at Luneta.

Our representatives will discuss how systemic corruption affects our work, the creative industries at large, and the country’s cultural landscape.

For venue details and confirmation, please contact the FWAC Secretariat at 09566893722 and/or [email protected].

See you!

CALL FOR VOLUNTEERS! Para sa nalalapit na anti-corruption rally sa Luneta na gaganapin sa November 30, naghahanap ang FW...
25/11/2025

CALL FOR VOLUNTEERS!

Para sa nalalapit na anti-corruption rally sa Luneta na gaganapin sa November 30, naghahanap ang FWAC ng mga volunteer para sa isasagawang prod work ngayong Thursday, November 27, 11AM onwards!

Bukas ito para sa mga film workers at allies na handang tumulong at makiisa sa ating mga panawagan. Maaari rin kayong magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng cash donations na gagamitin para sa ating kampanya.

Para sa mga nais mag-volunteer at magpadala ng in-kind donations, makipag-ugnayan sa aming official FB at IG accounts para sa venue at iba pang detalye.

Tumindig para sa karapatan ng mga manggagawa ng pelikulang Pilipino! Takits! 🎬

LIGHTS, CAMERA, WALANG KORAPSYON!Ipinapakilala namin ang Film Workers Against Corruption (FWAC), isang alyansa na nagtat...
21/11/2025

LIGHTS, CAMERA, WALANG KORAPSYON!

Ipinapakilala namin ang Film Workers Against Corruption (FWAC), isang alyansa na nagtataguyod ng accountability, fair labor practices, at tunay na proteksyon para sa lahat ng nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon at iba pang uri ng moving images. Naninindigan kami laban sa laganap at sistemikong korapsyon na nakaugat hindi lamang sa aming industriya kundi pati sa ating gobyerno at sa buong bansa.

Mag-sign up dito para maging bahagi ng kilusan 🎬 https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfbasF_gMK-HzwVY40KR9DuWSFEtAOwNfCzMdGtrjxhpWQajw/viewform

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Film Workers Against Corruption posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share