Kilos Manila

Kilos Manila Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kilos Manila, Youth Organization, Pandacan, Manila.

Kilos Manila was established on October 10, 2009, in response to the urgent need for youth engagement, community resilience, and grassroots leadership in Manila’s urban neighborhoods.

🌈 IN SOLIDARITY WITH MANILA SUMMER PRIDE 2026 🌈Kaisa ang Kilos Manila sa pagdiriwang ng pag-ibig, pagkakapantay-pantay, ...
21/04/2026

🌈 IN SOLIDARITY WITH MANILA SUMMER PRIDE 2026 🌈

Kaisa ang Kilos Manila sa pagdiriwang ng pag-ibig, pagkakapantay-pantay, at kalayaan na maging totoo sa ating mga sarili.

Ngayong April 25, 2026, sama-sama nating ipakita na ang Maynila ay tahanan ng pagtanggap, respeto, at pagmamahal para sa lahat—anuman ang identidad at pinagmulan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa City Government of Manila, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), Bekshie ng Maynila, at Manila Youth Development and Welfare Bureau sa kanilang patuloy na pagsuporta at pagsusulong ng isang inklusibo at ligtas na lungsod para sa LGBTQIA+ community.

✨ Love. Pride. Kilos.
✨ Together for a liberated future.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa Barangay 655 Intramuros noong Pebrero 25, 2026.Agad na kumilos ang Team BAM Ma...
28/02/2026

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa Barangay 655 Intramuros noong Pebrero 25, 2026.
Agad na kumilos ang Team BAM Manila kasama ang Kilos Manila (Manila Youth Development Council Member), TransG, at Temple Street Tundo Carnalismo Territory San Nicolas Hood upang mag-set up ng community kitchen at makapagbigay ng mainit na pagkain sa ating mga kababayan sa dalawang evacuation centers:
📍 Delpan Evacuation Center
📍 Maisan Intramuros

Lubos po ang aming pasasalamat kay Senator Bam Aquino sa kanyang dagliang pagbibigay ng pinansyal na tulong na naging daan upang maipamahagi ang hot meals ngayong araw.

Sa lahat ng naapektuhan ng trahedya, hindi po kayo nag-iisa. Kasama ninyo kami sa pagbangon.

BUILDING 17 | Permanent Hood Christmas Gift Giving for Kiddos 🎄Matagumpay na naisagawa ang munting handog na may malakin...
21/12/2025

BUILDING 17 | Permanent Hood Christmas Gift Giving for Kiddos 🎄
Matagumpay na naisagawa ang munting handog na may malaking puso—ngiti ng mga bata, init ng samahan, at tunay na diwa ng Pasko sa ating hood. Sama-samang pagkilos, sama-samang pag-angat.

Lubos ang pasasalamat sa mga tumindig at naging bahagi ng proyektong ito:

🤝 Council Foxxy
🤝 Shot Caller Micklo
🤝 Alas Diordan
🤝 PMan Lil Stussy
🤝 PMan HR

Pagpupugay sa mga organisasyong patuloy na kumikilos para sa komunidad:
Tundo Carnalismo Territory, 13TF TST13 MBPLS, at Kilos Manila — solid sa serbisyo at pagkakaisa.
Maraming salamat din sa suporta ng ating mga lingkod-bayan:

Che Bobby Hernane at Kagawad Chito.
Para sa mga bata ng Building 17, kayo ang inspirasyon ng bawat hakbang. Tuloy ang serbisyo, tuloy ang malasakit. 💙🎁

.

Sawa na kami! Sawa na ang kabataan sa paulit-ulit na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Habang kami’y nagsisiksikan sa mga si...
21/09/2025

Sawa na kami! Sawa na ang kabataan sa paulit-ulit na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Habang kami’y nagsisiksikan sa mga sirang silid-aralan, habang maraming kabataan ang nap**ilitang tumigil sa pag-aaral dahil walang suporta, patuloy na pinapapak ng mga buwayang politiko ang yaman ng sambayanan.

Hindi kami bulag, hindi kami p**i! Nakikita namin ang bawat pisong ninanakaw na dapat sana’y pambili ng libro, pagpapatayo ng paaralan, at paghubog ng kinabukasan. Ang korapsyon ang tunay na salot na pumipinsala sa kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Kaya’t nananawagan kami—ITIGIL ANG KORAPSYON! Papanagutin ang mga buwaya! Ibalik ang ninakaw sa kaban ng bayan! Ang kaban ng bayan ay para sa tao, hindi para sa bulsa ng iilan. Ang edukasyon ang susi sa paglaya, hindi ang pagnanakaw at panlilinlang.

Lalaban ang kabataan! Para sa kinabukasan, para sa bayan, para sa Inang Pilipinas.

Sa Palomo naman po tayo magFeeding Program kasama ang mga sundalo ng Palomo Pride 💙 Pandacan Locos.Ngayong darating na L...
15/08/2025

Sa Palomo naman po tayo magFeeding Program kasama ang mga sundalo ng Palomo Pride 💙 Pandacan Locos.

Ngayong darating na Linggo, August 17, 2025 sa ganap na 9AM.

Magbahagi at makibahagi 🫱🏻‍🫲🏽




Address

Pandacan
Manila
1011

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kilos Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share