Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan

Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan, Non-Governmental Organization (NGO), 1085 2nd Floor Phil Post, Manila.

19/04/2026

Abril 2026

SA LAHAT NG KANDIDATO, SPONSOR, TAGASUPORTA AT MGA KABABAYAN SA PANDACAN:

PAUNAWA: PAGPAPALIBAN SA GAGAWING BINIBINI AT GINOONG PANDACAN 2026

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!

Lubos po naming ikinalulungkot na ipahayag ang opisyal na pagpaliban ng patimpalak na Binibini at Ginoong Pandacan na nakatakdang gaganapin sa ika-30 ng Mayo, Araw ng Pandacan.

Ang desisyong ito ay bunga ng masusing pagsusuri sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na nararanasan ng maraming pamilya, maliliit na Negosyo at mamamayan ng ating komunidad. Nais naming iwasang maging pabigat sa inyong bulsa at kakayahan, at tiyaking ang selebrasyon ay maging makabuluhan at maayos para sa lahat.

Nais po naming linawin na hindi ito kanselasyon, kundi pagpapaliban lamang ngayong taon at bagkus ito ay ating isasabay natin sa susunod na taon, ang ika-50 pagdiriwang ng pagsilang ng SSKP. Kung saklaw pa kayo ng takdang edad, ang lahat ng inyong inihandang requirements at aplikasyon ay mananatiling balido para sa bagong schedule.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abala na dulot nito, at taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

Sabay nating lagpasan ang hamong ito, at asahan ninyong magiging mas makulay at espesyal ang ating pageant sa pagbabalik nito!

Para sa mga katanungan, maari kaming kontakin sa numero at hanapin si Bb. Natz at Kgwd Willex sa numero

Lubos na gumagalang,

Pamunuan
SSKP

Matagumpay na dinaluhan ng mga kaanib ng  Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan ang kanilang taunang Pangkalahatang ...
30/03/2026

Matagumpay na dinaluhan ng mga kaanib ng Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan ang kanilang taunang Pangkalahatang Pulong na ginanap sa Brothers of Charity sa loob ng Caritas Manila.

T R U E
13/03/2026

T R U E

Pamamahagi ng Sertipiko ng Pagpapahalaga sa Paaralan ng St. Joseph School of Pandacan at Carlos P. Garcia High School na...
27/01/2026

Pamamahagi ng Sertipiko ng Pagpapahalaga sa Paaralan ng St. Joseph School of Pandacan at Carlos P. Garcia High School na Lumahok sa Katatapos na Buling Buling 2026 Enero 17, sa Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila

Sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, Kultura at Sining ng Maynila (Departm...
25/01/2026

Sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, Kultura at Sining ng Maynila (Department of Tourism, Culture and Arts of Manila) at ng Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan (SSKP), ay itinanghal ang taunang pagdiriwang ng Buling-Buling ng Maynila sa Pandacan na may temang “Binhi ng Kamalaysayan sa Panahon ng Paglilikha.” Ikinarangal ng mga mamamayan ng Pandacan ang pakikibahagi ng Bise Alkalde Kgg. Chi Atienza na kumatawan bilang Hermana Mayor Panglungsod. Sa taong ito, itinampok din ang Hermano Mayor Pambayan na si Kgg. Doc Fernando Mercado, Hermanang Pangsimbahan na si Bb. Gng. Janice Gladys Judge, Hermana Mayor Pangnakatatanda na si Bb. Marisa Papa at Hermano at Hermana Mayor Pangkabataan na sin Dir. John Daniel Layno at Kgg. Juliana Rae Ibay. Katuwang din naman ang Hermano at Hermano Mayor ng Iglesia Filipina Independiente na G.Enrique Dizon at Kgg. Kerstin V. Resurreccion.
Pinangunahan ang para Liturgy upang pasalamatan ang lahat ng biyaya at mga himalang nangyayari sa bayan ng Pandacan magmula pa nan guna nina Reb. Pr. Andy Ortega Lim, Reb. Pr. Joseph Mary Sigfred S. Arellano, Reb. Pr. Rodolfo T. Abanes, Jr., Reb. Pr. Lipon Rosario, at mula sa Iglesia Filipina Independiente na sina Right. Reb. Vicente Salvador R. Ballesteros, Reb. Pr. Severino D. Ismael, II, Reb. Pr. John Ernest Tibay.

25/12/2025

Enjoy your day with Family and Friends ko

09/11/2025

Isang binabagyong araw po sa lahat! Nais pong ipabatid ng pamunuan na ngayon na ang huling araw para sa screening ng mga lalahok sa Lakan at Mutya sa Pandacan 2026.
At para sa mga nominado na dumaan na sa prelim screening, PAALALA po na isumite nyo na ang mga kaukulang dokumento sa pagsali tulad ng birth cert, brgy certification, pictures atbpa. Mangyari pong makipag-ugnayan kay Ms. Natz, Kgwd
Willex para dito. Maraming salamat po at ingat ang lahat!

At Bon AparTea  Cafe...  Where Lakan and Mutya meets....You Daily Happines
19/10/2025

At Bon AparTea Cafe... Where Lakan and Mutya meets....You Daily Happines

2nd day at Bon AparTea Cafe search for Lakan at Mutya sa Pandacan 2026
19/10/2025

2nd day at Bon AparTea Cafe search for Lakan at Mutya sa Pandacan 2026

2nd day. Thank you sa mga Chairman.. SSKP in action for Lakan at Mutya sa Pandacan 2026..
17/10/2025

2nd day. Thank you sa mga Chairman.. SSKP in action for Lakan at Mutya sa Pandacan 2026..

Salamat sa mga Barangay sa maayos na pagtanggap sa SSKP para sa nalalapit na Lakan at Mutya sa Pandacan 2026.
17/10/2025

Salamat sa mga Barangay sa maayos na pagtanggap sa SSKP para sa nalalapit na Lakan at Mutya sa Pandacan 2026.

Address

1085 2nd Floor Phil Post
Manila
1011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share