02/08/2026
๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐๐ก๐๐๐ก! โ
Nitong Hulyo 27, nakiisa ang ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ - ๐ฃ๐จ๐ฃ (๐๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ ๐ฃ๐จ๐ฃ) sa ginanap na ๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป. Sa katatapos lang na talumpati sa Batasan, muling pinatunayan ng rehimeng Marcos Jr. na wala itong konkretong plano at tiyak na landas para hanguin ang mamamayan sa matinding krisis sa ekonomiya. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, nananatiling barat at hindi makabubuhay ang sahod ng ating mga manggagawa.
Hindi man lang natugunan ang mga batayang hiling at karapatan ng pambansang minorya sa kanilang lupang ninuno at sariling pagpapasya. Sa halip na dinggin ang kanilang tawag, inilako pa ang mga kasunduang tulad ng Pax Silica na lalo lamang nagbubukas sa ating mga lupain at likas na yaman sa pandarambong at pagrerelye ng mga dayuhang korporasyon. Mula sa kawalan ng lupa't trabaho, pagpapatindi ng kahirapan, hanggang sa pagpapailalim ng ating kalayaan sa dayuhang pwersa, lahat ng ito ang tunay na danas ng bawat mamamayan araw-araw.
Kaya sa ginanap na SONA ng Bayan, hindi naging p**i at bingi ang lansangan. Buong-tapang na isinigaw ng mga progresibong grupo ang tunay na kalagayan ng bansa at ang paniningil sa isang rehimeng sunud-sunuran sa dayuhan at bingi sa sarili nitong mamamayan. Tapos man ang mobilisasyon, patuloy na mag-iibayo ang pagkilos at paglaban ng sambayanan para sa tunay na sahod, lupa, soberanya, at pambansang demokrasya!