27/08/2026
PAALALA PARA SA MGA DONORS AT KAIBIGAN NG A HOME FOR THE ANGELS
Mahal naming mga Donors, Kaibigan, at mga Supporters,
Kung kayo po ay may in-kind donations na ipapadala via courier/delivery, hinihiling po namin na ang recipient/address ay ilagay lamang sa pangalan ng aming organization:
A Home for the Angels Crisis Home for Abandoned Babies Foundation, Inc.
2306 Coral St. San Andres Bukid Manila
Pakiusap po na HUWAG gumamit ng pangalan ng ibang tao na hindi namin kilala o hindi na connected sa aming foundation. Para po ito sa safety and security ng Home at ng mga batang nasa aming pangangalaga. Hindi po namin tatanggapin ang package kung ang nakapangalan na recipient ay taong hindi namin kilala o walang connection sa aming foundation.
Ang aming ADMINISTRATOR ay si Ms. Mylene Balderas.
Hindi na po connected ang mga previous admin na sina Myrna Verecio at Emma Aguilar.
Mahalaga rin po na ipagbigay-alam sa amin ahead of time kung may ipapadalang donation, upang ma-monitor namin ang delivery at maayos namin kayong ma-acknowledge at mapasalamatan kapag natanggap na namin ang inyong donation.
Kung mayroon po kayong proof of delivery, delivery receipt, tracking number, o screenshot ng successful delivery, maaari rin po ninyo itong ipadala sa amin para mas madali naming ma-check at ma-confirm ang inyong donation.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, suporta, at pang-unawa. Malaking tulong po ang bawat donasyon para sa mga batang nasa aming pangangalaga.
Thank you for helping us keep our Home safe and secure while continuing to serve the children with love.
β A Home for the Angels Crisis Home for Abandoned Babies Foundation, Inc.