Social Service and Development Ministry - ICP Tayuman

Social Service and Development Ministry - ICP Tayuman SSDM, a community of lay people responding to the challenges of serving the poor people in the parish, serving the cause of - CHURCH OF THE POOR.

Setyembre 12 - Huwebes ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ-๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ซ...
12/09/2024

Setyembre 12 - Huwebes ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ-๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ–: ๐Ÿ๐›-๐Ÿ•, ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ‘
Mga kapatid, alam nating โ€œmay kaalaman tayong lahat.โ€ Ang gayong โ€œkaalamanโ€ ay nagbubunsod sa tao upang magpalalo, ngunit ang pag-ibig ay nakapagpapatibay. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. Ngunit kilala ng Diyos ang umiibig sa kanya.

Tungkol nga sa pagkaing inihandog sa diyus-diyusan, alam nating โ€œwalang kabuluhan ang mga diyus-diyusan,โ€ at โ€œiisa lamang ang Diyos.โ€ Bagamat may sinasabing mga diyos sa langit o sa lupa, at maraming tinatawag na โ€œmga diyosโ€ at โ€œmga panginoon,โ€ sa ganang akin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayoโ€™y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesukristo, at sa pamamagitan niyaโ€™y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niyaโ€™y nabubuhay tayo.

Subalit hindi lahat ay nakaaalam nito. May ilang nahirati sa pagsamba sa diyus-diyusan, kayaโ€™t hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganitong pagkain, ang akala nilaโ€™y handog pa rin sa diyus-diyusan ang kanilang kaalaman, nababagabag ang kanilang kalooban sa pag-aakalang silaโ€™y nagkakasala.

Kayaโ€™t dahil sa inyong โ€œkaalamanโ€ ay napapahamak ang kapatid ninyong mahina pa at naging dahilan din ng kamatayan ni Kristo. Sa gayun, nagkakasala kayo kay Kristo sapagkat ibinunsod ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid at itinanim sa kanyang isipan ang maling paniniwala. Kayaโ€™t kung dahil sa pagkain ay magkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain ng karne upang di siya magkasala.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–: ๐Ÿ-๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐Ÿ’๐š๐›, ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐Ÿ’
(T) P**n, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Akoโ€™y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, P**n, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Akoโ€™y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain koโ€™y pawang iyong nalalaman.
(T)

Ang anumang aking sangkap, ikaw o Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking inaโ€™y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.
(T)

O Diyos, akoโ€™y siyasatin, alamin ang aking isip,
subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;
kung ako ay hindi tapat, itoโ€™y iyong nababatid,
sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ’: ๐Ÿ๐Ÿ
Aleluya! Aleluya!
Sa pagmamahalan natin
ang Dโ€™yos ay ating kapiling.
pag-ibig nโ€™yaโ€™y lulubusin.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ‘๐Ÿ–
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œSinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.

โ€œKung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga itoโ€™y makababayad! Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayun, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayoโ€™y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siyaโ€™y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.โ€

โ€œHuwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.โ€

11/09/2024

Setyembre 11 - Miyerkules ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ•: ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ‘๐Ÿ
Mga kapatid, tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag sa akin ng Panginoon, magbibigay ako ng aking kuru-kuro.

Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw baโ€™y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mong hangaring magkaasawa. Kung ikaw ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalagaโ€™y mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Ngunit magdaranas sila ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang ibig kong maiwasan ninyo.

Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: malapit na ang takdang panahon, kayaโ€™t mula ngayon, ang may-asawaโ€™y mamuhay na parang walang asawa; ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga namimili, na parang walang ari-arian, at ang mga nagtatamasa sa sanlibutang ito, na parang di nila ito alintana. Sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na itoโ€™y mapaparam.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ’๐Ÿ’: ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐Ÿ’-๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐Ÿ”-๐Ÿ๐Ÿ•
(T) O kabโ€™yak ng hari namin,
ang payo koโ€™y ulinigin.

O kabiyak nitong hari, ang payo koโ€™y ulinigin;
ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
siyaโ€™y iyong panginoon, marapat na iyong sundin.
(T)

Ang prinsesa sa palasyoโ€™y pagmasdan moโ€™t anong ganda;
sinulid na gintung-ginto ang niyaring damit niya.
Sa makulay niyang damit, sa hari ay pinapunta,
haharap sa haring yaong mga abay ay kasama.
(T)

Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,
kapalit ng ninuno mo sa sinumang mga lahi.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ๐Ÿ‘๐š๐›
Aleluya! Aleluya!
Magalak kayoโ€™t magdiwang
malaki ang nakalaang
gantimpala ninyong tanan.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ๐ŸŽ-๐Ÿ๐Ÿ”
Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
โ€œMapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!โ€
โ€œMapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayoโ€™y bubusugin!โ€
โ€œMapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayoโ€™y magagalak!โ€
โ€œMapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayoโ€™y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung itoโ€™y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit โ€” gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.โ€
โ€œNgunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!โ€
โ€œSa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayoโ€™y magugutom!โ€
โ€œSa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayoโ€™y magdadalamhati at magsisitangis!โ€
โ€œSa aba ninyo, kung kayoโ€™y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.โ€

10/09/2024

Setyembre 10 - Martes ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ”: ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ
Mga kapatid, kung minsan, ang isa sa inyoโ€™y may reklamo laban sa kanyang kapatid. Magsasakdal ba siya sa mga hukom na pagano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila? Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? At kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyan kaliit na bagay? Di ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito! Kung kayoโ€™y may usapin, idudulog pa ba ninyo ito sa mga taong di kinikilala ng simbahan? Mahiya-hiya naman kayo! Wala na ba sa inyong marunong mag-ayos sa sigalutan ng magkakapatid? Anoโ€™t nagsasakdal pa kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harapan pa ng mga taong walang pananampalataya?

Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isaโ€™t isa ay isa nang kabiguan sa inyong pagkakapatiran. Hindi ba mas mabuting tiisin na lamang ninyo ang pang-aapi, at palampasin ang pandaraya sa inyo? Subalit kayo pa ang nang-aapi at nandaraya โ€“ at sa inyong mga kapatid pa naman! Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, nangangalunya, nakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae, ang mga magnanakaw, masasakim, mapaglasing, mapanlait, o magdaraya โ€“ ang ganyang mga taoโ€™y walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayoโ€™y nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayoโ€™y pinawalang-sala na sa pangalan ng Panginoong Hesukristo at ng Espiritu ng Diyos.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ—: ๐Ÿ-๐Ÿ, ๐Ÿ‘-๐Ÿ’, ๐Ÿ“.๐Ÿ”๐š.๐Ÿ—๐›
(T) Panginooโ€™y nagagalak
sa hirang nโ€™yang mga anak.

Ang Panginooโ€™y purihin, awitan ng bagong awit,
paruhin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.
(T)

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpatโ€™ tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginooโ€™y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbabaโ€™y tagumpay ang ibibigay.
(T)

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagp**ista ay magsayaโ€™t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐Ÿ๐Ÿ”
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ—
Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Setyembre 09 - Lunes ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ž๐๐ซ๐จ ๐‚๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ (๐๐š๐ซ๐ข)๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š...
09/09/2024

Setyembre 09 - Lunes ng Ikadalawampuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ž๐๐ซ๐จ ๐‚๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ (๐๐š๐ซ๐ข)

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ“: ๐Ÿ-๐Ÿ–
Mga kapatid, nakarating sa akin ang di mapag-aalinlangang balita na napakasama ng ginagawa ng isa sa inyo โ€“ kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit ang mga paganoโ€™y di gumagawa ng ganyang kahalayan. At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sanaโ€™y mahiya kayo at tumangis, at itiwalag ang gumagawa nito! Bagamat wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kayaโ€™t parang nariyan din ako. Dahil dito, ang gumagawa niyan ay hinahatulan ko na sa ngalan ng Panginoong Hesus. Akoโ€™y kasama ninyo sa espiritu sa inyong pagtitipon. At sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan at nang maligtas ang kanyang espiritu sa Araw ng Panginoon.

Hindi kayo dapat magpalalo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, โ€œNapaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masaโ€? Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayoโ€™y maging malinis. Sa gayun, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura โ€“ at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa โ€“ si Kristo. Kayaโ€™t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ“: ๐Ÿ“-๐Ÿ”, ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐Ÿ
(T) P**n, akoโ€™y pangunahan
nang landas moโ€™y aking sundan.

Ang gawang masamaโ€™y di mo kalulugdan,
ang gawaing hidwaโ€™y di mo papayagan;
ang mga palaloโ€™t masasamang asal,
iyong itatakwil at kasusuklaman.
(T)

Parurusahan mo yaong sinungaling,
pati mararahas at ang mga taksil.
(T)

Ang nagtitiwala sa โ€˜yoโ€™y magagalak,
masayang aawit sila oras-oras;
iyong ingatan yaong mga tapat,
na dahil sa iyoโ€™y lumigayang ganap.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ: ๐Ÿ๐Ÿ•
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig koโ€™y pakikinggan
ng kabilang sa โ€˜king kawan,
akoโ€™y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ”-๐Ÿ๐Ÿ
Isang Araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lakaki roong tuyot ang kanang kamay. Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo na maparatangan si Hesus, nagbantay sila upang tingnan kung siyaโ€™y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga. Subalit batid ni Hesus ang kanilang mga iniisip, kayaโ€™t sinabi niya sa lalaking tuyot ang kamay, โ€œHalika rito sa unahan.โ€ Lumapit naman ang lalaki at tumayo roon. Sinabi ni Hesus sa kanila, โ€œTatanungin ko kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?โ€ Tiningnan ni Hesus ang nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, โ€œIunat mo ang iyong kamay!โ€ Iniunat nga niya ang kanyang kamay at itoโ€™y gumaling. Nagngingitngit sa galit ang mga eskriba at ang mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.

Setyembre 08 - Ikadalawapuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon๐Š๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐š๐ค๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐›๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š๐ˆ๐ฌ๐š๐ข...
07/09/2024

Setyembre 08 - Ikadalawapuโ€™t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
๐Š๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐š๐ค๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐›๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐ˆ๐ฌ๐š๐ข๐š๐ฌ ๐Ÿ‘๐Ÿ“: ๐Ÿ’-๐Ÿ•๐š
Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
โ€œHuwag kang matakot,
lakasan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway.โ€
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag,
aawit sa galak ang mga p**i.
Mula sa gubat ay bubukal ang tubig
at ang mga batis dadaloy sa ilang;
ang umuusok na buhanginan ay
magiging isang lawa,
sa tigang na lupa ay babalong ang tubig.โ€

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ“: ๐Ÿ•, ๐Ÿ–-๐Ÿ—๐š, ๐Ÿ—๐›๐ค-๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐Ÿ
(T) Kalulโ€™wa ko, โ€˜yong purihin
ang Panginoong butihin.

Ang maaasahang lagiโ€™y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
(T)

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niyaโ€™y nililingap.
(T)

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nilaโ€™y doon tumatahan;
tumutulong siya sa baloโ€™t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
(T)

Walang hanggang Hari, ang Diyos na P**n!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!
(T)

๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ ๐Ÿ: ๐Ÿ-๐Ÿ“
Mga kapatid, bilang sumasampalataya sa ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Panginoon, huwag kayong magtatangi ng tao. Halimbawa: pumasok sa inyong kapulungan ang isang lalaking nakasingsing ng ginto at nakadamit nang magara, at isa namang dukha na panay sulsi ang damit. Kung asikasuhin ninyong mabuti yaong magara ang damit at sabihin sa kanya, โ€œDito kayo maupo,โ€ at sabihin naman sa dukha, โ€œTumayo ka na lang diyan,โ€ o kayaโ€™y, โ€œSa sahig ka na lang maupo,โ€ nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.

Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya.

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ ๐Ÿ’:๐Ÿ๐Ÿ‘
Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ ๐Ÿ•: ๐Ÿ‘๐Ÿ-๐Ÿ‘๐Ÿ•
Noong panahong iyon, pagbabalik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, โ€œEffata,โ€ ibig sabihiโ€™y โ€œMabuksan!โ€ At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Silaโ€™y lubhang nanggilalas, at ang wika, โ€œAnong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang p**i!โ€

Setyembre 07 - Sabado ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ...
06/09/2024

Setyembre 07 - Sabado ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐›๐š๐๐จ

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ’: ๐Ÿ”๐›-๐Ÿ๐Ÿ“
Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, โ€œHuwag lalampas sa nasusulat.โ€ Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba. Ano ang kahigtan ninyo sa iba? Hindi ba lahat ng nasa inyoโ€™y kaloob ng Diyos? Kung gayun, bakit ninyo ipinagyayabang na waring hindi kaloob sa inyo?

Kayo palaโ€™y nasisiyahan na! Mayayaman na kayo! Kayo palaโ€™y mga hari na โ€“ hindi na ninyo kami isinama! Sana ngaโ€™y naging hari kayo upang kami namaโ€™y maging hari, kasama ninyo. Sapagkat sa wari ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Diyos na maging pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga taong nahatulan ng kamatayan, isang panoorin ng sanlibutan โ€“ ng mga anghel at ng mga tao. Kamiโ€™y mga hangal alang-alang kay Kristo; kayoโ€™y marurunong tungkol kay Kristo! Mahihina kami; kayoโ€™y malalakas! Hinahamak kami; kayoโ€™y pinararangalan! Hanggang sa oras na ito, kamiโ€™y nagugutom, nauuhaw, halos hubad; pinagmamalupitan kami at walang matahanan. Nagpapagal kami upang may ipagtawid-buhay. Idinadalangin namin ang mga lumalait sa amin; kapag kamiโ€™y pinag-uusig; tinitiis namin ito. Malumanay na pananalita ang isinusukli namin sa mga naninirang-puri sa amin. Hanggang ngayon, kamiโ€™y parang mga yagit โ€“ pinakahamak na uri ng tao sa daigdig.

Itoโ€™y sinusulat ko, hindi upang hiyain kayo, kundi upang parangalan bilang mga anak na minamahal. Sapagkat maging sampunlibo man ang inyong g**o tungkol sa pamumuhay Kristiyano, iisa lamang ang inyong ama. Sapagkat kayoโ€™y naging anak ko sa pananampalataya kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinangaral ko sa inyo.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ’: ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐Ÿ—-๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐Ÿ
(T) Sa tumatawag sa P**n,
ang Dโ€™yos ay handang tumulong.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siyaโ€™y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanyaโ€™y tapat at totoo.
(T)

Yaong kailangan niyong mga taong may takot sa kanya,
kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila.
yaong umiibig sa kanya nang lubos ay iniingatan;
ngunit ang masamaโ€™y wawasakin niyaโ€™t walang mabubuhay.
(T)

Aking pupurihin ang Panginoong Diyos, di ko tutugutan
sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐Ÿ”
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohanaโ€™t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ”: ๐Ÿ-๐Ÿ“
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. โ€œBakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?โ€ tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, โ€œHindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.โ€ At sinabi pa niya sa kanila, โ€œAng Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.โ€

06/09/2024

Setyembre 06 - Biyernes ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ’: ๐Ÿ-๐Ÿ“
Mga kapatid, kamiโ€™y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos โ€“ ganyan ang dapat na aming palagay ninyo sa amin. Ang katiwalaโ€™y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin ang akoโ€™y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako maโ€™y di humahatol sa aking sarili. Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang akoโ€™y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kayaโ€™t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayoโ€™y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isaโ€™y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ‘๐Ÿ”: ๐Ÿ‘-๐Ÿ’, ๐Ÿ“-๐Ÿ”, ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ‘๐Ÿ—-๐Ÿ’๐ŸŽ
(T) Nasa Dโ€™yos ang kaligtasan
ng mga matโ€™wid at banal.

Umasa ka sa Diyos, ang mabutiโ€™y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap moโ€™y iyong makakamtan.
(T)

Ang iyong sariliโ€™y sa Diyos mo ilagak,
pag nagtiwala kaโ€™y tutulungang ganap;
ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
(T)

Ang mabutiโ€™y gawin, masamaโ€™y itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng P**n, hindi itatakwil.
Silaโ€™y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.
(T)

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,
iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas silaโ€™t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa P**n nangungubling tunay.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ–: ๐Ÿ๐Ÿ
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
โ€œAko ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.โ€
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ“: ๐Ÿ‘๐Ÿ‘-๐Ÿ‘๐Ÿ—
Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: โ€œAng mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad moโ€™y patuloy ng pagkain at pag-inom.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œPag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.โ€

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: โ€œWalang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, โ€˜Masarap ang inimbak.โ€™โ€

Setyembre 05 - Huwebes ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐“๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฅ๐œ๐ฎ๐ญ๐ญ๐š๐”๐ง๐š๐ง...
05/09/2024

Setyembre 05 - Huwebes ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐“๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฅ๐œ๐ฎ๐ญ๐ญ๐š

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ‘: ๐Ÿ๐Ÿ–-๐Ÿ๐Ÿ‘
Mga kapatid, huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siyaโ€™y marunong ayon sa sanlibutang ito, ibilang niyang siyaโ€™y mangmang upang maging tunay na marunong. Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Ganito ang sinasabi sa Kasulatan, โ€œHinuhuli niya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan.โ€ Gayun din, โ€œAlam ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan.โ€ Kayaโ€™t huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao. Ang lahat ay inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro; ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap โ€“ lahat ng itoโ€™y sa inyo. At kayoโ€™y kay Kristo, at si Kristo namaโ€™y sa Diyos.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘: ๐Ÿ-๐Ÿ, ๐Ÿ‘-๐Ÿ’๐š๐›, ๐Ÿ“-๐Ÿ”
(T) Ang daigdig lahat doon,
ang may-ariโ€™y ating P**n.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ariโ€™y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundoโ€™y natayo at yaong sandigaโ€™y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.
(T)

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng P**n, sino ngang aahon?
Sinoโ€™ng papayagang pumasok sa templo,
Sinoโ€™ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.
(T)

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siyaโ€™t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos,
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ ๐Ÿ’: ๐Ÿ๐Ÿ—
Aleluya! Aleluya!
Sumunod kayo sa akin
at kayoโ€™y aking gagawing
katambal ko sa tungkulin.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ“: ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ
Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Generaset. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, โ€œPumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.โ€ Sumagot si Simon, โ€œGuro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.โ€ Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kayaโ€™t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siyaโ€™y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, โ€œLumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat akoโ€™y makasalanan.โ€ Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, โ€œHuwag kang matakot. Mula ngayoโ€™y mamamalakaya ka ng mga tao.โ€ Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

04/09/2024

Setyembre 04 - Miyerkules ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ‘: ๐Ÿ-๐Ÿ—
Mga kapatid, hindi ko kayo makausap tulad ng ginagawa ko sa mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay ayon sa laman, mga sanggol pa sa pananampalataya kay Kristo. Binigyan ko kayo ng gatas, hindi matigas na pagkain, sapagkat itoโ€™y hindi pa ninyo kaya. At hindi pa ninyo kaya hanggang ngayon sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Mayroon pa kayong inggitan at alitan at iyaโ€™y nagpapakilalang makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. Kapag sinabi ng isa, โ€œAkoโ€™y kay Pablo,โ€ at ng iba, โ€œAkoโ€™y kay Apolos,โ€ hindi ba tanda iyan na kayoโ€™y namumuhay pa ayon sa laman?

Sapagkat sino si Apolos? At sino si Pablo? Kamiโ€™y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananalig kay Kristo. Ginagawa ng bawat isa ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim ni ang nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos na siyang nagpapatubo at nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay kapwa manggagawa lamang at bawat isaโ€™y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagpapagal. Kamiโ€™y parehong manggagawa ng Diyos, at kayo ang bukirin niya. Kayo rin ang gusali ng Diyos.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ‘๐Ÿ: ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐Ÿ’-๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ-๐Ÿ๐Ÿ
(T) Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng Dโ€™yos.

Mapalad ang bansang ang P**n ang Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.
(T)

Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
Ang isip nilaโ€™y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.
(T)

Ang ating pag-asaโ€™y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kamiโ€™y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ’: ๐Ÿ–
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukhaโ€™y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ’: ๐Ÿ‘๐Ÿ–-๐Ÿ’๐Ÿ’
Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kayaโ€™t ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon diโ€™y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.

Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit โ€” anuman ang karamdaman โ€” ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabay sigaw, โ€œIkaw ang Anak ng Diyos!โ€ Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.

Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, โ€œDapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.โ€ At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.

Setyembre 03 - Martes ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐š ๐’๐š๐ง ๐†๐ซ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ข๐จ (๐๐š...
03/09/2024

Setyembre 03 - Martes ng Ikadalawampuโ€™t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐š ๐’๐š๐ง ๐†๐ซ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ข๐จ (๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐ง)

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š
๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐Ÿ: ๐Ÿ๐ŸŽ๐›-๐Ÿ๐Ÿ”
Mga kapatid, nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos. Walang nakaaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayun din naman, walang nakaaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang espiritu ng Diyos ang tinanggap natin upang ating maunawaan ang mga kaloob niya sa atin.

Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag namiโ€™y mga katotohanang espirituwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at hindi ayon sa karunungan ng tao ang ginagamit namin. Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila mauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakauunawa sa kanya. Ganito ang nasasaad sa Kasulatan,

โ€œSino ang nakaaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?โ€
Ngunit ang pag-iisip ni Kristoโ€™y taglay natin.

๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง
๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ’: ๐Ÿ–-๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ-๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ‘๐š๐›, ๐Ÿ๐Ÿ‘๐›๐ค-๐Ÿ๐Ÿ’
(T) Matโ€™wid ang P**ng dakila
sa lahat ng kanyang gawa.

Ang Panginoong Dโ€™yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niyaโ€™y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kaninoโ€™y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.
(T)

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin kaโ€™t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang โ€˜yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakilaโ€™t makapangyarihan.
(T)

Dakila mong gawaโ€™y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari moโ€™y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
(T)

Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat,
Siyaโ€™y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;
yaong inaapiโ€™y inaalis niya sa pagkagupiling.
(T)

๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ•: ๐Ÿ๐Ÿ”
Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan nโ€™ya
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ ๐Ÿ’: ๐Ÿ‘๐Ÿ-๐Ÿ‘๐Ÿ•
Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siyaโ€™y magsalita. Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: โ€œAno ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka ikaw ang Banal ng Diyos.โ€ Subalit pinagwikaan siya ni Hesus, โ€œTumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!โ€ At sa harapan ng lahat, ang taoโ€™y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan. Nanggilalas silang lahat at nasabi sa isaโ€™t isa, โ€œAnong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!โ€ At kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong lupaing iyon.

Address

Immaculate Conception Parish, 287 Tayuman Street, Tondo
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Social Service and Development Ministry - ICP Tayuman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share