21/09/2026
๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ฃ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐! ๐ฑ๐
Isa na namang hakbang para sa mas malinis, mas maayos, at mas luntiang Maynila! ๐๐ฟ
Masaya naming ibinabahagi na aprubado na ng Manila Youth Development Council (MYDC) ang resolution na naglalayong palakasin ang pagtutulungan para sa rehabilitasyon ng mga estero, environmental education ng kabataan, community-based bioremediation, at inter-agency collaboration sa Lungsod ng Maynila.
Para sa Aksyon Youth Manila, malaking bagay ang pagkakataong maipakita na ang mga ideya at adbokasiya ng kabataan ay puwedeng maging bahagi ng tunay na polisiya at aksyon para sa ating lungsod ๐๐ป
Maraming salamat kay Councilor Yanyan Ibay, Chairperson ng MYDC, sa kanyang pamumuno at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makilahok at magpahayag ng kanilang mga adbokasiya.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Director John Daniel Layno ng Manila Youth Development and Welfare Bureau sa patuloy na suporta sa mga youth-led initiatives at meaningful youth participation.
At siyempre, maraming salamat sa lahat ng MYDC members sa pakikinig, pakikipag-diskusyon, at pagsuporta sa resolution na ito. Hindi ito magiging posible kung wala ang collective effort ng bawat isa ๐๐ป
Salamat din sa ating partners, Tropang MACE at Project AGOS sa pakikipagtulungan at pagbabahagi ng iisang layunin para sa ating mga estero at komunidad.
Hindi lang ito tungkol sa isang resolution.
Patunay ito na kapag ang kabataan ay binigyan ng boses at pagkakataon, kaya nating maging bahagi ng solusyon ๐