11/06/2026
📸 May mga litrato tayong kinukunan. May mga kwentong ating naidodokumento. Ngunit may mga kwento rin tayong kailangang marinig.
Sa kabila ng mga personal nating hamon sa buhay at ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa, mahalaga pa rin na makarinig tayo ng mga totoong kwento na nagbibigay ng pag-asa, lakas ng loob, inspirasyon, at dahilan upang magpatuloy.
Noong nakaraang taon ay inilunsad natin ang ROPA x. Ngayong 2026, ipinagdiriwang natin ang Second Edition ng ROPA x: Lente ng Pag-asa—ang ating ikalawang paggunita sa World Press Freedom Day at kauna-unahang pagtitipon bilang pagdiriwang ng Independence Month.
Inaanyayahan ko po kayo sa isang umaga ng pagkatuto, inspirasyon, at makabuluhang pag-uusap kasama sina:
🎙️ Wilson Lee Flores
Multi-Awarded Writer, Economist, Entrepreneur, and Civic Advocate
📸 Mark Balmores
Chief Photographer, Manila Bulletin
📸 Noel Pabalate
Senior Photojournalist, The Philippine STAR
Hindi lamang ito tungkol sa photography o media. Ito ay tungkol sa mga kwentong humuhubog sa ating pagkatao, nagbibigay ng inspirasyon, at nagpapaalala kung bakit mahalagang patuloy tayong mangarap, matuto, at maglingkod.
📍 OpenSpace Katipunan, 50 Esteban Abada St., Loyola Heights, Quezon City
📅 June 14, 2026 (Sunday)
⏰ 8:00 AM – 12:00 Noon
🎓 ₱150 – Students
📰 ₱200 – Media, Journalists & Photojournalists
👥 ₱250 – Regular
💻 ₱100 – Online Access
⚠️ Limited to 25 onsite participants only.
📌 Reserve your seat now:
https://forms.gle/KTZqUmHVzdErJfmq5
Ang bawat registration ay hindi lamang para sa isang event—ito rin ay suporta sa pagpapatuloy ng mga adbokasiya ng ROPA x at ROPAPICS Photography School para sa susunod pang mga learning activities at community initiatives.
Minsan, isang kwento lang ang kailangan upang magbigay ng bagong pag-asa, direksyon, at inspirasyon sa buhay.
Where every story finds a voice, and every voice builds a legacy.