20/09/2026
NEVER AGAIN, NEVER FORGET!
Mahigit isang taon na mula noong pumutok ang mga isyu ng korapsyon sa loob ng estado, at lantarang binubulsa pa rin ang budget sa flood control projects. Hanggang ngayo, wala paring nananagot mula sa tuktok at pawang pinapaikot lang ang masa sa kanilang mga teleserye. Hindi pa ba tayo pagod sa ganitong sistema? Libo-libong mamamayan ang naghihirap, namamatay, nawawalan ng bahay sa ka-ganidan ng rehimeng US-Marcos Jr.
Kaliwa't-kanan din ang pamamasista at pagpapalayas sa mga mamamayang katutubo para sa tinatanaw na itayong proyekto na Pax Silica. Binebenta ni Marcos Jr. ang bansa sa Estados Unidos para pagkakitaan, pagminahan, abusuhin at lokohin ang bansa at masa na ani nga’y mag bibigay sa atin ng oportunidad magtrabaho para sa pakinabang ng mga imperyalista.
Sa loob din ng isang taon na ito, patuloy pa rin ang pagpondo at pagtulak ng gobyerno sa mga programang mapanupil na tinatarget ang mga progresibong estudyante at organisasyon. Pilit ding pinapapasok ang mga pulis at militar sa mga eskwelahan, kasama ang kanilang mga armas upang magpalaganap ng samu't-saring black propaganda at terror sa mga kritikal na boses.
Hindi na din ito nalalayo sa kaso ni Charlize “Ceeka” Garzon na tumungo sa kanayunan upang makipamuhay at malaman ang kalagayan ng mga katutubong Mangyan-Buhid sa Mindoro. Kitang-kita na mas pabor ang estado na itago ang kalagayan ng mga masa sa kanayunan at pigilan ang mga kabataan kagaya ni Ceeka na hanggang ngayon ay ginigipit pa rin ng estado sa loob ng kulungan sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso. Nais lamang ni Ceeka na ibulgar ang kasahulan na kinakaharap ng masa sa kanayunan sa pamamagitan ng sining, subalit sinubukan ng estado na busalan siya.
Hinding-hindi rin namin makakalimot ang pagpaslang kay Eric Saber at marahas na pag-aresto sa higit 270 na kabataan. Hindi inako at pawang naghuhugas kamay ang PNP at DILG sa responsibilidad nila sa pagpatay kay Eric Saber at hanggang ngayon ay wala pa ding nakakamit na hustisya ang pamilya niya. Tunay lang na mas mahalaga para sa estado ang panunupil kesa lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga masang naghihirap.
MARCOS NOON, MARCOS PARIN NGAYON!
Inaanyayahan kayo ng Panday Sining Malate na dumalo ngayong nalalapit September 21 upang alalahanin ang kasahulan ng diktadurya ng Martial Law noong rehimeng Marcos Sr. Hindi pa din nalalayo ang kalagayan natin ngayon mula noon. Panunupil, pagpatay, pandadahas, pangaabuso, pangungurakot, na parang tumatakbo na sa dugo ng mga Marcos.
Sa mga batayang ito, makatwiran lamang na lumaban ng buong lakas para sa pambansang demokrasya! Mga Benildyano, sama-sama tayong kumilos para sa ating kinabukasan!
Mass-Up:
📍Liwasang Bonifaco
🕰️2:30 PM
Opening Program :
🕰️3:00 PM
March to Mendiola:
🕰️4:30
Closing Program:
🕰️5:00