GCA JHS - Student Council

GCA JHS - Student Council Official page of Gymnazo Christian Academy : Junior High School - Student Council SY. 2025-2026

Pagpugay Sa Mga Bayaning Nag-Alay Ng Tapang At Buhay Upang Ang Ating Bansa Ay Maging Malaya! 🙌— Dahil sa kanilang kagiti...
09/04/2026

Pagpugay Sa Mga Bayaning Nag-Alay Ng Tapang At Buhay Upang Ang Ating Bansa Ay Maging Malaya! 🙌

— Dahil sa kanilang kagitingan, ating natatamasa ang kalayaan na mayroon tayo ngayon.

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nawa'y ito'y magsilbing paaalala sa atin na ang kabayanihan ay makikita sa araw-araw nating pagpili na maging matapang sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng ating bansa. 🤗

🗓️ Walumpu't apat na taon na ang nakalipas mula noong ika-9 ng Abril taong 1942 nang bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapones matapos ang mahabang labanan.

Ang Araw ng Kagitingan ay isinagawa upang magbigay alala at pahalaga sa tapang, sakripisyo, at katapangan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano 🫡, lalo na sa Bataan Death March, kung saan marami ang nawalan ng buhay dahil sa gutom, kagipitan, at kahihiyan. :((

Ito ay unang tinagurian bilang "Araw ng Bataan" noong 1961, at pinalitan ng "Araw ng Kagitingan" noong 1987, upang maging mas malawak ang kahulugan — hindi lamang ang Bataan, kundi ang bawat Pilipinong handang magserbisyo para sa kalayaan ng bayan. 🇵🇭

Ang kwento ng kanilang pakikibaka ay hindi lamang hanggang sa ating mga nababasang aklat — ito'y ating kaakibat. 🤲 Namumuhay ito sa bawat hakbang ng tapang, bawat paninilbihan sa bayan, at sa bawat kilos para sa maayos na kinabukasan. 😉

Kabataan ang pag-asa ng bayan, at sa sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang diwa ng kagitingan. ✊ Tayo ang henerasyong patuloy na boboses, titindig, at magtatakda ng landas tungo sa tunay na pagbabago. 🗣️

Mga Awit 133:1 MBB
[1] Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

🎨: Edcelaine Amancio
✍️: Rein Chavez

Kuha grades, ano, tara na? 📄“I can do all things through Christ who strengthens me.” — Philippians 4:13 4th quarter na, ...
07/04/2026

Kuha grades, ano, tara na? 📄

“I can do all things through Christ who strengthens me.” — Philippians 4:13

4th quarter na, and we gave our all,
From homework piles to exams that call.
Late nights studying, stress on repeat,
Pero we kept going, refusing defeat.

Projects and deadlines, cramming ‘til late,
Mind full of worries, heart full of weight.
Sometimes we felt like we couldn’t survive,
Pero we pushed through — kasi we had to thrive.

Each grade earned shows the effort inside,
Every struggle, every tear we didn’t hide.
From formulas, essays, and tests that grind,
Every student knows — it’s a battle of mind.

We stumbled, we fell, pero bumangon tayo,
Patunay ng sipag, determination na totoo.
This quarter’s journey? Tough but we slayed,
Sa sarili nating laban, we showed we stayed.

So here’s the truth — kahit pagod at drained,
We faced it all, and truly gained. 💯
Next Chapter, Another challenge, bagong gate,
Pero student spirit —we’ll elevate!

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Acky Salonga

May Honors Man O Wala, Ang 'Yong Pagpupunyagi Ay Kapuri-puri! 👏Sa paglalapit ng Seremonya ng Pagkilala, nais naming ipaa...
26/03/2026

May Honors Man O Wala, Ang 'Yong Pagpupunyagi Ay Kapuri-puri! 👏

Sa paglalapit ng Seremonya ng Pagkilala, nais naming ipaalala sa bawat isa, na hindi nasusukat ang iyong kagalingan sa sertipiko at medalya. 🏅 Hindi rin naka-base sa iyong grado ang iyong halaga. 🙅‍♀️

Bawat estudyante ay may kanya-kanyang kagalingan: may mga estudyanteng nag eexcel sa akademiko, ang iba ay sa isports, mayroon din naman sa pagtatanghal, 'yong iba naman ay matatawag nating "street smart" o madiskarte, at maraming iba pang larangan ang maaaring paghusayan. ✨ Bawat isa ay may pagkakaiba, ngunit may isang pagkakatugma — sila ay nararapat pahalagahan at maipagmalaki. 🙌

Hindi man tiyak kung ano ang nag-aabang sa atin sa hinaharap, pero ating tandaan na ang bawat pagsisikap natin ay hindi mababalewala, dahil ang mga ito at ang mga aral na ating napupulot ay maaaring maituring na hakbang papalapit sa ating mga pangarap. 😉 Hindi rin madali ang pagpapatuloy sa ating paglalakbay, may mga pagkakataon na tayo'y mapapagod, at maaari tayong magpahinga. 🤗 Basta, huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa at tiwala sa Kanya! 😻

Proud kami sa'yo, batang Gymnazo! 🫵 Kaya't nararapat mo ring ipagmalaki ang iyong kagalingan, anuman ang anyo nito :))

🎨: Eula Mariel A. Amancio
✍️: Rein Chavez

Ilocos Empanada or Dubai Chewy Cookie? 😋 Ewan, Gusto Ko Lang Ng Pahinga At Pasadong Final Exams 🫠Sa pagtatapos ng ating ...
12/03/2026

Ilocos Empanada or Dubai Chewy Cookie? 😋 Ewan, Gusto Ko Lang Ng Pahinga At Pasadong Final Exams 🫠

Sa pagtatapos ng ating huling pagsusulit, kumusta kayo, GCAians? Ano ang nadarama ng bawat isa?

— Maaaring pagod na, maaaring konting konti na lang susuko na, pero tandaan nyo sana na sa dulo ng lahat ng 'to ay mayroong nag-aantay na success at pahinga. 😻 Sa kabila ng ating madalas na pagtanong sa sarili kung "Kaya pa ba?", ang lahat ng ating ginagawa ay may patutunguhan — isang maganda, at mas maginhawang kinabukasan. 🤗

Sa ngayon, habang wala pa ang bakasyon, isatisfy nyo na muna ang mga cravings ninyo; Kahit pa Dubai chewy cookie, authentic Ilocos empanada, o simpleng pahinga at paghinga mula sa dami ng ginagawa ang nais mo, tandaan mo na deserve mo 'to! 😉

Huwag din nating kalimutan na sulitin ang bawat oras kasama ang mga kaklase at kamag-aral dahil wala tayong kasiguraduhan kung hanggang sa susunod na taon sila pa rin ay nar'yan. 🥹

Kapit lang, batang Gymnazo! Malapit na tayo sa dulo. :))

🎨: Edcelaine Amancio
✍️: Rein Chavez

Kababae Mong Tao — Kaya Kahit Ano, Kaya Mo! ❤️‍🔥Maligayang Araw ng mga Kababaihan! ✨ Ang araw na ito ay hindi lamang pag...
08/03/2026

Kababae Mong Tao — Kaya Kahit Ano, Kaya Mo! ❤️‍🔥

Maligayang Araw ng mga Kababaihan! ✨ Ang araw na ito ay hindi lamang pagdiriwang, kundi isang paalala ng kasaysayan naglalaman ng limpak-limpak na pakikibaka na pinagdaanan ng kababaihan para sa karapatan, kalayaan, at pagkilala sa kanilang boses at kakayahan. ✊

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinapakita at pinapatunayan ng mga kababaihan ang kanilang dedikasyon at katatagan sa paghubog ng mas makatarungang lipunan. 😻 Kaya, ating tandaan na sa lipunang lumalaban, naroon ang yapak ng bawat kababaihang makabayan at matapang na umaaklas. 👠

Para sa bawat kababaihan sa ating sanlibutan:
Babae man, kaya mong lumaban! Ikaw ay nararapat pakinggan, pahalagan, irespeto, at suportahan. :)) Patuloy nating dalhin ang ating minana mula sa kababaihan ng nakaraan, ang mga babaylan — tayo'y manguna, magsilbing gabay, bumoses, at manindigan para sa isang mas progresibong lipunan. 💪 Abante Babae! 🙌

At kahit matapos pa ang pagdiriwang na ito, nawa'y patuloy nating itatak sa ating mga isipan, na HINDI KASARIAN ANG BASEHAN NG KAKAYAHAN ‼️🤗

🎨: Shane Cadayona
✍️: Rein Chavez


Linda Walker Said It’s Easy… So Bakit Parang Hindi?”4th Unit Test na bukas.Yung kaba? Present.Yung overthinking? Present...
02/03/2026

Linda Walker Said It’s Easy… So Bakit Parang Hindi?”

4th Unit Test na bukas.

Yung kaba? Present.
Yung overthinking? Present din.
Yung aral? Hope it’s enough

Sabi ni Linda Walker, “Very easy daw.”
So eto tayo ngayon — half confident, half nervous, pero 100% ready to fight. 💪

But honestly, we did our best.
We reviewed, we studied, we sacrificed scrolling time for notes. And that already counts for something. ✨

“Success isn’t about being perfect, it’s about being prepared.”
“Trust your hard work. Trust your progress.”
“And remember, showing up is already brave.”

Kahit anong lumabas bukas, we’ll handle it.
Hindi man kabisado lahat, pero dala natin effort, puyat, and a little stock knowledge

And if ever mahirap?
Linda Walker… we need to talk 😭😂

Pero hanggang dulo, kaya natin ‘to.
4th Unit Test lang ‘yan — not stronger than all we’ve been through this quarter.

And always remember:
“And whatever you do, do it heartily, as for the Lord and not for men.” – Colossians 3:23

Laban lang, give your best, and trust the process. God got your back. 💖

✍️: Acky Salonga
🎨: Edceliane Amancio

February 14th, the day we celebrate love — whether it's romantic, friendship, family, or even self-love, it is worth cel...
14/02/2026

February 14th, the day we celebrate love — whether it's romantic, friendship, family, or even self-love, it is worth celebrating. 😻

Today, our screens may be filled with greetings, shared posts, tags, and sweet messages. But beyond every notification is something more meaningful: a reminder that we are remembered, appreciated, and valued. :))

Valentine’s Day is not only about romantic love. It is about friendship that stays, classmates who support one another, teachers who guide with patience, and a community that grows together in faith and unity. 🤗 Every simple “Happy Valentine’s” carries warmth. Every kind word can brighten someone’s day. Every small act of love can make a big difference. ❤️‍🩹

So, whether your phone is buzzing nonstop or staying quiet today, remember that your value isn’t measured by notifications; it’s seen in the love and kindness you give and receive.😉

To each and every person reading this, may this be a reminder that love has many beautiful forms. 🥰 You are loved, even on the days you don't feel like it. And that this day, the gifts and greetings you receive, aren't a measurement of how loved you are.🫶

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Acky Salonga & Rein Chavez

Sila kinikilig sa ka-date at regalo, ang GCAians, kabado sa grado 😥Para sa kanila, ang Ika-14 ng Pebrero ay "Araw ng mga...
13/02/2026

Sila kinikilig sa ka-date at regalo, ang GCAians, kabado sa grado 😥

Para sa kanila, ang Ika-14 ng Pebrero ay "Araw ng mga Puso" 💝, ngunit para sa aming mga batang Gymnazo, ito ay "Araw ng mga Grado". 📄

Habang sila nagbabasa ng letters na may nilalamang matatamis na talinhaga, kami magbubukas ng cards na naglalaman ng mga gradong hindi pa alam kung tumaas ba o bumaba kaya binabalot ng kaba. 💔 Pag mababa, i-lowkey na lang kaya? Gaya lang ng pagkikikim ng tunay na nadarama ko para sa kanya xD ✌️

Ngunit, sa kabila ng pagiging kabado, nawa'y hindi nyo i-base sa inyong makukuhang grado ang kasiyahan na madarama ng inyong puso. 🤗 Huwag nyo sanang pigilan ang inyong mga sarili na maging maligaya dahil para sa inyo ay hindi sapat ang grado na inyong nakuha. Maaaring hindi ito kasing taas ng inyong inaasahan, subalit inyo sanang matandaan na ginawa n'yo ang lahat ng intong makakaya kaya nararapat din kayong maging masaya. 😉

Ang bawat card ay hindi lamang naglalaman ng basta numero kundi resulta mula sa ating puso — puso ng isang estudyante na hindi sumusuko, at patuloy na nagsusumikap para sa para sa pangarap sa kabila ng mga hirap na kinakaharap. 💪

Kaya, proud kami sa inyo, GCAians! Nawa'y maging maligaya ang inyong mga puso, hindi lamang sa araw na ito, kundi sa mga susunod pa :))

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Rein Chavez

Talentong Ibinigay ni Hesukristo, ipinamalas ng Husto ng mga Batang Gymnazo! ✨‎🌟 Mainit na pagbati para kay Alicia Grego...
26/01/2026

Talentong Ibinigay ni Hesukristo, ipinamalas ng Husto ng mga Batang Gymnazo! ✨

🌟 Mainit na pagbati para kay Alicia Gregorio sa kaniyang kamangha-manghang pagkamit ng pagkapanalo sa CEDNET International - Biblympics 2026 (Bible Declamation).

‎Kada bigkas ng salita mula sa Bibliya, nakamit ni Alicia ang Gintong Medalya! 🏅
‎Ipinakita mo sa amin na binanggit mo ito ng taos puso na may malalim na pagkakaintidi sa buhay ni Kristo. Sa bawat salita na iyong ibinigkas, may naibigay na aral sa aming walang kupas. 🗣️ Hindi ka lamang nagbatid ng talento o kwento, muli mo ring isinabuhay sa puso ng mga manonood ang pag-mamahal ni Kristo. ❤️‍🩹 Tunay kang kahanga-hanga, Alicia! Nawa'y patuloy mong gamitin ang iyong boses bilang tulay ng pag-mamahal at inspirayon 😻

‎Maraming salamat sa tagapag-ensayo ni Alicia na si Binibining Cherie Mae Pascua na nag bigay sa kanya ng lakas at pag-asa. 💪 Tunay mo syang ginabayan at hindi pinabayaan. Hindi ka lamang naging tagapag-sanay, naging isa kang tulay — isang instrumento ni Kristo sa pag-papahusay sa Kanyang binigay na talento. 🤗

🌟 Malaking pagbati rin kay Stacy Fuentes at Mariel Crespo sa pagpapanalo gamit ang kanilang talento sa CEDNET International - Biblympics 2026 (Worship Singing Contest) .

‎Sa bawat notang kanilang inawit, pilak 🥈at tansong 🥉 medalyang kanilang nakamit! Tunay na kayo'y kahanga-hanga dahil pinakita n'yo ang inyong dedikasyon, sipag, at tyaga sa bawat linyang inyong kinanta. 🎶 Nawa'y patuloy nyong gamitin ang inyong mga talento na ipinagkaloob ni Kristo sa pagbabatid ng pag-asa at pag-mamahal Nya. ☝️ Pinagmamalaki namin kayo, kaya magpatuloy lamang kayo. Mayroong mga tao na sumusuporta't naniniwala sa inyo! 😉

‎Isang malaking pagpapasalamat din sa kanilang tagapag-husay na si Teacher Lanie Mangila na tunay na dalubhasa sa musika. 🙌 Salamat sa hindi pagsuko sa tuwing sila'y nag-eensayo, subalit mas pinaigting nyo ang kanilang talento. Kayo ay naging tulay ng Kanyang pag-mamahal at gabay upang sila'y lalo pang humusay. 🥰

‎Taos puso kaming nagpapasalamat sa determinasyon ng bawat isa. Hindi niyo lamang nakuha ang medalya, kundi pati ang aming pag-hanga. 🫡 Nawa'y patuloy tayong pagpalain, at ang mga talento nyo'y patuloy na palaguin :))

‎🎨: Wryly Banaag
✍️: Edcelaine Amancio & Rein Chavez

!

And They're All Standing Around Me Singing "Happy Birthday To You" ~ 🎶 Happiest Birthday to our Swiftie Gr7 Rep, Shairab...
18/01/2026

And They're All Standing Around Me Singing "Happy Birthday To You" ~ 🎶

Happiest Birthday to our Swiftie Gr7 Rep, Shairababy! 💜

To our dearest, Shaira Mae, thank you for being the kind of light that doesn’t just shine, but warms the hearts of everyone around you. ✨ Your warmth is in the way you listen, the way you smile, and the way you carry yourself with quiet strength even when the world feels heavy. On your special day, we want you to feel how deeply you are loved, how much you are seen, and how truly special you are. 😻

You are truly a blessing in our lives, and we are excited to see how God continues to shape you into the woman He has planned for you — one full of purpose, love, and courage. You are already so much, bebe, but we can’t wait to see how your story unfolds. 🤗

Isang biyaya ang makilala ka, Shaira! At sana ngayong araw mo'y iyong maalala kung gaano ka kahalaga :))

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Rein Chavez

Survival Mode: Activated 🔘The final battle of the quarter is here —periodical exams! 🎮 Just like in Minecraft, where you...
13/01/2026

Survival Mode: Activated 🔘

The final battle of the quarter is here —periodical exams! 🎮 Just like in Minecraft, where you’d hesitate to start a new game, we’re all stuck at the "Start" screen, wondering if we should hit "Review" or "Absent." 🫨 The pixelated countdown (Jan 14–16) feels like a loading screen for stress, but remember: just like in online games, you can respawn after a tough fight. 😉

Think of late-night reviews as leveling up your character — each chapter is a new quest, and every practice problem is a battle to conquer. 💪 Whether you’re practicing solving math equations, or memorising terminologies, this is your adventure. 🫵 Stay focused, stay caffeinated, and don’t forget to save your progress! 😻

Remember, every exam is just a level in your journey — keep grinding, and you’ll level up to success! :))

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Rein Chavez

GCA Students, Spelling Their Way to the Top 🐝To our incredible GCAians, Spelling Bee students, Behind every word you spe...
12/01/2026

GCA Students, Spelling Their Way to the Top 🐝

To our incredible GCAians, Spelling Bee students,
Behind every word you spelled, there were hours of practice, moments of doubt, deep breaths before answering, and the courage to stand in front of everyone and try.

Hindi biro ang sumali sa Spelling Bee. Kailangan ng tiyaga, focus, at lakas ng loob. And you showed all of that. 💪
Whether you won, placed, or simply stood on that stage you already achieved something great.

We appreciate every effort you gave, every sleepless night you spent reviewing, and every step you took to represent GCA with pride. 💛

You proved that learning is not just about winning, but about growth, confidence, and believing in yourself.

To our students: we see your hard work, we honor your effort, and we are so proud of you.
Keep spelling your dreams, keep chasing excellence, and keep believing you are capable of so much more.

Once again, congratulations and thank you. Spelling bee students.
You truly made us proud. 💛

🎨: Wryly Jenine Banaag
✍️: Acky Salonga

Address

981 Kagitingan Street, Tondo
Manila
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GCA JHS - Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share