22/05/2026
Isang taos-pusong pagbati mula sa Regionalization Students Organization para sa mga bagong iskolar ng UPCM Regionalization Program Batch 2031! 👩🏻⚕️🥼🩺
Ang tagumpay na inyong nakamit ay bunga ng inyong pagsisikap, dedikasyon, at pagpupursigi. Sa pagpasok ninyo sa UP College of Medicine, panibagong yugto na naman ng pagkatuto, paglilingkod, at paghubog bilang mga magiging doktor para sa bayan ang inyong sisimulan. ✨
Hindi man magiging madali ang paglalakbay na inyong haharapin, nais naming ipaabot na hindi ninyo ito tatahakin nang mag-isa. Kasama ninyo ang inyong Igsuon na handang umalalay, gumabay, at sumuporta sa inyo sa bawat pagsubok, tagumpay, at karanasang bubuo sa inyong buhay-medisina. 🫶
Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa page ng Regionalization Students Organization or mag email sa [email protected].