21/03/2026
𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 | 𝟭𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗺𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲
Isinagawa ngayong araw ang ating Barangay Assembly para sa unang semestre ng CY 2024 na may temang: “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Sa nasabing pagtitipon, matagumpay na naipresenta ng bawat kagawad at ng Sangguniang Kabataan ang kani-kanilang committee reports, bilang bahagi ng transparency at patuloy na paglilingkod sa ating komunidad. Para naman sa kabuuang ulat, ito ay inilahad nina Chairwoman Edita Peralta at SK Chairman Dreb Jake Residuo, na nagbigay-linaw sa mga nagawa at mga susunod pang hakbang ng barangay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga panauhing nagbigay ng makahulugang mensahe—Councilor Atty. Jaybee Hizon, PSSg Wibert Tapyogon, kinatawan mula sa DSWD District V, at kinatawan mula sa DILG Manila—na nagsilbing inspirasyon sa patuloy nating pagkakaisa.
Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa ating mga kabaranggay na aktibong nakilahok sa asembliya. Ang inyong presensya at pakikiisa ang patunay na buhay ang diwa ng isang nagkakaisang barangay.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang landas tungo sa isang malinis, maayos, mapayapa, at maunlad na komunidad!☝🏻✨