12/09/2026
Parang isang grupo sila, magkakasama sa gilid ng kalsada. Medyo nag-alangan kami dahil last four food packs na lang ang natitira sa ipamimigay namin.
Tinanong namin sila, “Kumain na po ba kayo?”
“Hindi pa po. Nagluluto pa po kase kami. Napansin namin nagluluto sila sa tabing kalsada”
Sabi namin, “O siya, eto. Kayo na muna ang kumain.”
Hindi pa kami nakakaalis, dali-dali nilang binuksan ang food packs at sunod-sunod ang subo. "Ang sarap ng gulay!, sabi nila." Siguro nga talagang gutom na rin sila.
Binigyan din namin ng biskwit at chocolates ang mga bata doon. May isang batang lalake na tuwang-tuwa nang makatanggap ng biscuit.
Biglang sabi nila,
“Birthday po niya ngayon.”
Sabay-sabay kaming bumati,
“Happy Birthday, Kuya!” 🎂
Ang sasaya nila.
All for Jesus!