14/05/2026
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA KONSEHO AT ORGANISASYON NG UP MANILA TUNGKOL SA IMPEACHMENT NI SARA DUTERTE AT PAG-ARESTO KAY BATO DELA ROSA
Muling na-impeach si Sara Duterte sa House of Representatives, sa ikalawang pagkakataon, ngunit sunod-sunod naman ang mga maniobrang pampulitika ng mga kaalyado ng pamilyang Duterte sa Senado upang siya’y protektahan.
Mula sa paglitaw muli ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado, pagkatapos lumiban sa Senado mulang Nobyembro 2025, hanggang sa pagboto upang palitan ang liderato ng Senado, malinaw na ginagamit nila ang kapangyarihan upang hadlangan ang hustisya at iligtas ang kanilang mga kaalyado sa pananagutan.
Ang pagpapalit ng liderato sa Senado ay isang garapal at kasuklam-suklam na hakbang upang pahinain ang paniningil ng mamamayan at protektahan ang pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.
Kasabay nito, patuloy namang tinatakbuhan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang usapin ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong “war on drugs” ng administrasyong Duterte.
Malinaw sa warrant of arrest ng ICC na may “reasonable grounds” upang paniwalaang si dela Rosa ay isang indirect co-perpetrator sa krimen laban sa sangkatauhan, partikular sa libo-libong pagpaslang na isinagawa sa ngalan ng huwad na gera kontra droga.
Mariing kinukundena ng mga konseho at organisasyon ng UP Manila ang sunod-sunod na maniobrang pampulitika sa Senado na naglalayong protektahan si Sara Duterte, Bato dela Rosa, at iba pang mga kaalyadong dapat managot sa taumbayan. Hindi dapat maging kanlungan ng mga inaakusahan ng malawakang pagpatay at korapsyon ang Senado. Hindi natin dapat kalimutan ang ₱612.5 milyong confidential funds ni Sara Duterte noong 2023.
Habang ang mga ordinaryong Pilipino ay naghihikahos dahil sa krisis sa lipunan, malinaw na ipinapakita ng mga nakaupo sa Senado na ang kanilang pagsilibi ay wala sa sambayanang Pilipino kundi sa kanilang mga kaalyado at pansariling interes.
Kaya nananawagan kami sa agarang paglilitis kay Sara Duterte, at pag-aresto kay Bato dela Rosa upang panagutin sila sa harap ng batas at ng sambayanan.
Nananawagan kami sa buong komunidad ng UP Manila na maging mapanuri at ilabas ang galit sa lansangan upang ipakita ang walang humpay na paniningil ng mamamayan para sa katotohanan, hustisya at pananagutan.
Sumama sa pagkilos bukas 9:30 AM sa senado!
SIGNATORIES
League of College Student Councils
UP Manila University Student Council
UP Manila College of Arts and Sciences Student Council
UP Manila College of Allied Medical Professions Student Council
UP Pharmaceutical Association Student Council
UP Manila Dentistry Student Council
UP Manila Nursing Student Council
UP Manila School of Health Sciences Palo Student Council
UP Manila School of Health Sciences Tarlac Student Council
UP Medicine Student Council
UP Manila College of Public Health Student Council
Coalition of Organizations, Fraternities, and Sororities
Development Studies Society UPM
Kabataan Partylist - UP Manila
UP Society of Computer Scientists
Katribu UPM
Google Developer Groups on Campus UP Manila
UP Cine Manileño
UP Sigma Alpha Nu Sorority
UP Vector
Organization of Area Studies Majors
UP Alpha Sigma Fraternity
UP Sandigan
UPM Student Assistants Society
UP Political Science Society
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Sigma Kappa Pi Fraternity - UP Manila
Pangkalusugang Lingkod Bayan
UP Organization for Shiftees and Transferees
UP Biochemistry Society
UP Manila Pre-Law Society
Agham Youth UP Manila
NNARA Youth - UP Manila
UP Manila - Sining at Kalinangang Lahi
Gabriela Youth UP Manila
League of Filipino Students UPM