26/07/2026
KABATAAN, MAKIISA SA SONA NG SAMBAYANAN!
Ika-limang SONA na ni Bongbong Marcos ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang sahod, kakulangan sa batayang serbisyong panlipunan, at lumalalang pag-atake sa mga demokratikong karapatan. Higit kailanman ay kinakailangan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan. Wala na tayong aasahan sa mga walang lamang pangako ng sinumang elitista at dinastiyang nakaupo sa gobyerno gayong ang tunay na kalagayan ng sambayanan ay nananatiling puno ng kahirapan, kawalang-katarungan, at kawalan ng pananagutan.
Bilang kabataan, hindi tayo dapat manatiling tahimik sa harap ng mga usaping direktang nakaaapekto sa ating kinabukasan. Ang ating pakikilahok ay mahalagang bahagi ng pagsusulong ng isang lipunang makatarungan, demokratiko, at tunay na nagsisilbi sa interes ng nakararami.
π€ 9:30 AM β Assembly sa CHED
Kanto ng CP Garcia at University Avenue
join.sparkkabataan.org